Istof's POV
Siya na yata ang pinakamagandang babae na nakita ko dito sa Kalye Onse. At sya lang din ang nakapagpatibok ng puso ko ng ganito. Ibang klase. Sya ang Dyosa ko.
"Oy! Istof! Huy!"
"Sheeeeeeen! Hulog ka ng langit! Ikaw ang nagdala ng soulmate ko! Anong pangalan nya? Kaano ano mo sya? Taga san? Ilang tao--"
"Hep hep! Pwede isa isa lang? Mahina kalaban bro." Chill na chill si Sheen habang sinasabi to.
"Sino bang tinatanong mo? Yung mestiza na kasama ko? Pinsan ko yun brad! Si Thalia. Wag mong sabihin na popormahan mo yun?"
"Alam mo ba sheen, para sayang Dyosa. DYOSA ng buhay ko. Syempre naman popormahan ko sya. Ang ganda, maputi, makinis grabe sya na talaga."
"HINDI PWEDE!" Sigaw ni Sheen
"Makasigaw naman? Ganun ba ako kapangit at hindi kami bagay ng pinsan mo? Ang sakit naman nun sa damdamin bro."
"Ah eh ang ibig ko lang naman sabihin eh ano yung baka ano baka di payagan ni Uncle na paligawan ang anak nya. Syempre bago palang yun dito tsaka ano unica hija yun."
"Kahit na. Desidido na ako. Liligawan ko sya at haharap ako sa tatay nya ng maayos at pormal. Ilakad mo naman ako sa pinsan mo oh. Pleaaaaaase." Sabay yakap dito kay Sheen. Di naman ako matitiis nito e.
"S-sige. Susubukan k-ko."
"Yun naman! Kaya lab na lab kita e. The best ka talaga boy! Este girl ay boy nga. Basta yun! The best ka. Hahahaha"
**
Neil's POV
Pagkatapos namin mag usap ni Sheen e agad kong pinuntahan si bespren Neil. Kinwento ko sa kanya lahat lahat simula dun sa pagwowalk out ko hanggang sa pag uusap namin ni Sheen. Napag-isipan ko na din na aayain kong manuod si Thalia ng basketball game namin mamaya syempre papakitang gilas. Hahahaha.
"Ano pre? Ready ka na? Kabado ka yata e. Hahahaha. Si Istof kinakabahan? Wow. Bago yun. Hahahahaha."
"G*go ibang babae naman kasi si Thalia. Tsaka seryoso ako no. Tinamaan yta ako ni kupido."
"Ang korny ko bro!" Pang aasar ni Neil.
Nasaan na ba sina Sheen? Sabi ko sa kanya dalhin dito sa court si Thalia.
"Ano? Nagreply na ba si Sheen?"
"Hindi pa nga e. Sa tingin mo dadating pa sila?"
"O-oo naman. Kailan ka ba binigo ni Sheen?"
"Sabagay." Tama naman si Neil e. Kahit kailan hindi pa ako binibigo ni Sheen kapag humihingi ako ng tulong sa kanya. Minsan nga naiisip ko may crush yun sakin. Hahaha. Pero malabo. Si Sheen? E di kami talo nun! Babae din ang gusto nun. Hahahaha.
"Pare! Huy! Nakikinig ka ba?"
"Ha? Ano bang sabi mo?"
"Sabi ko sina Sheen at Thalia papunta na dito! Grabe pare. Chix pala talaga yun! Mukhang foreigner e."
"Hoy Neil. Akin yan! Sayo nalang si Sheen. Hahahahaha."
Agad akong lumapit sa aking mahal. Hahaha. Ang OA ko naman. Mahal agad. Pero dun din naman punta nito. Mabuti na ang advance.
"Hi Thalia Mylabs. Kumusta? Upo ka muna dito oh. Pinagreserve talaga kita ng seat dito. Ganyan pag special."
"What? I can't understand your languange."
O__________O itsura naming tatlo
"Sheen, bakit di mo naman sinabi sakin na english language pala tong si Thalia? Edi sana naghanda ako ng mga words!" Sigaw na bulong ko kay Sheen.
"Ah eh ano kasi--"
"Ahm cousin? Let's go and sit there. I don't like here and I don't like him! He hurt me remember?"
Duduguin yta ako dito. Kakausapin ko ba o kakausapin ko? No choice. Kakausapin ko.
"Thalia! No. Please please ahm wait. Ah ah you, you sit there there." Sabay turo ko sa upuan na pilit ko pang inagaw sa nakaupo kanina.
"Ah, I, I ingat the-- the chair por you."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sabay na sabay ang malakas na hagalpak nina Sheen at Neil. Mga g*go. Hirap na hirap na nga ako e pinagtatawanan pa.
Sinenyasan ko si Neil na saluhin ako.
"Ahm Thalia right? My friend Ivan Kristoff wants you to know that he would be happy if you'll sit on that chair. He reserved that chair for you so that you can watch the game conveniently."
Bakit ba hindi ako kasing talino nitong si Neil? Bawas pogi points tuloy. Aba't nginitian ng Dyosa ko si Neil!!
"Neil, akin yan! Wag mong pormahan. Bubugbugin kita tamo."
**
Nagsimula na ang game namin. Pakitang gilas tong si Istof. Kada makaka 3points e kikindat kay Thalia. Si Sheen naman mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Mukhang diring diri sa kasweetan ni Istof.
"Oy pare! Panalo tayo! Wooooooh!" Sigaw ni Istof sabay takbo palapit kay Thalia. Syempre sinundan ko sya.
"Pare itranslate mo nga. Itanong mo kung magaling ako maglaro. Hahaha. Kaya mo na yan." Ay nako. Gawin ba naman akong Google Translate? Psh.
"Hi Thalia, my friend wants to ask if you liked the game. Do you think he's a good player?"
"I really liked the game! It's amazing! Ahm him?" Sabay turo kay Istof "I think he's the best player."
"Woooooooooo! Yes yes!" Sigaw ni Istof. Akala mo sinagot na sya kung makasigaw.
"but he's too conceited. I don't like him."
"What?" Nanlulumong reaksyon ni Istof. Laughtrip ang itsura.
"Let's go cousin, it's getting late. Auntie might scold us. Bye Neil see yah." Tinignan lang ni Thalia si Istof at umalis na agad.
"Oy Neil alalayan mo si Istof baka umiyak! Hahahaha." Huling sigaw ni Sheen
Bago pa man makaalis si Sheen ay may ibinulong ako sa kanya na ikinagulat naman nya. "Wag mong itago ang nararamdaman mo, baka pag inamin mo na huli ka na."
**
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang basketball match na yun. At isang linggo nading dinudugo si Istofsa pagporma sa amerikanang si Thalia. Sabi sakin ni Sheen anak daw ng tito nya si Thalia, half american daw dahil amerikana ang ina at sa amerika daw lumaki kaya hindi marunong magtagalog.
"I don't like you! You hurt me right? Stop tailing me you jerk! Get out of my way. I'm here to buy here at the market."
"Will you ano stop! Tama na nga! Tigil na! Hirapa na akong mag english englishan! Amma nosebleed na!"
"Huh?"
"Please. Please understood me. I don't english so much. Gusto ko lang naman sabihin na gusto kita." Pagmamakaawa ni Istof. Lumapit na ako para tulungan ang kaibigan ko.
"What's gusto?"
"My friend said he likes you to be his girlfriend." Singit ko.
"I don't like you." Sabay turo kay Istof.
"I like him."
Thalia po sa side. :)
Epiiicduhxx
BINABASA MO ANG
Palengke Lovestory ♡
Teen FictionMaingay. Siksikan at hindi maintindihan ang halu-halong amoy ng lugar na iyon. Pero sino bang makakalimot sa lugar kung saan sila unang nagkita? Lugar na naging saksi kung paano nabuo ang pagmamahalan na animo'y walang katapusan? Palengke. Tama. Sa...