"Ah, there she is.." Oh great. Napailing ako. Pauwi nalang, aabangan ka pa ng mga pangit eh."Here I am, may kailangan ba kayo?" Tinaasan ko ng kilay si gurl na may body odor. May kasama siya na dalawang alalay. Mga classmates din namin. Hindi ko matandaan names nila kasi hindi ko naman inalam in the first place. Hindi ako interesado. So, ano to? Are they going to bully me or something? Crazy motherfuckers. Ako pa talaga inabangan nila ha. Gawain ko kaya 'to sa Preston.
"Kapal ng mukha mo! Ang bago bago mo palang dito, kung makaasta ka agad. Pinahiya mo pa ako kanina!"
Ako pa ngayon? Ramdam ko yung galit ni miss b.o. I snorted. "Pinahiya ka ng amoy mo, tanga! Sa susunod kasi, hygiene muna bago chismis. Sort your priorities, gurl." Nilapitan ako nung mga kasama niyang goons. Ang sasama na ng mga mukha, ang sasama pa makatingin. "Is that suppose to scare me or something?" Tinawanan ko sila.
Hinatak ni miss body odor yung buhok ko at nag tawanan sila. Is that it? Bigyan ko kaya ng lesson kung paano mambully ang mga hinayupak na 'to? Mga amateurs eh. Mag sasalita pa sana si gurl pero hindi ko na siya binigyan ng chance. I slapped her. I slapped her so hard na out of balance pa siya at bumagsak sa floor ng toilet.
Medyo na distract pa ako sa lakas ng impact kaya hindi ko napansin na nakaamba na pala sa akin yung isa sa mga goons. Hindi ko na nagawa makailag at nasampal niya din ako. Susugod pa sana yung isa pang girl but I was able to punched her in the face. She winced in pain. Bumagsak din siya sa sahig. Lalapit na sana ulit si miss body odor pero nahawakan ko yung buhok at nasabunutan ko na siya. Hinatak ko yung buhok niya papalapit sa drum ng tubig at doon ko nilublob ang mukha niya. Binitawan ko lang nung nagmamakaawa na yung mga kasama niya sa akin. Lulunurin ko na sana eh.
"Sa susunod na marinig ko na pinag uusapan niyo si Santillan, hindi lang yan aabutin niyo sa akin. Better watch your mouth, girls"
Tiningnan ko pa sila ng masama bago tuluyan lumabas ng toilet. Mag hahanap lang ng gulo sa banyo pa. Mga mahihirap! Napahawak ako sa labi ko. Doon ko palang napansin na dumudugo na pala siya. Fuck! Dumiretso na ako sa gate para makauwi na. Lalo pa ako nainis ng makita ko ang sasakyan ni Dad sa labas ng school. Binaba niya yung window nung makita niya ako.
Goddammit, Samuel!
Labag man sa loob, sumakay nalang ako ng kotse niya. "What do you want, Dad?" Can't believe na nag hintay talaga siya sa akin ng ilang oras. Kung alam ko lang na dadatnan ko pa siya dito, nag stay nalang ako sa classroom.
"What happened to your face?" Tinuro niya yung corner ng labi ko. Pulang pula pa din kasi. Napapikit ako sa inis sa mga punyeta kanina. Kapag nagkaroon 'to ng scar, humanda talaga sila sa akin. "Abby, are you—"
I cut him off. "Long story, Dad. Huwag mo na nga ako tanungin. Where are we going, anyway?" Napairap ako sa kawalan.
He cleared his throat. "Sa favorite italian restaurant mo. Let's have some dinner."
I rolled my eyes at him. "I'm not really in the mood, Dad. Can you just take me home or something?" May balak pa ata siya i-bribe ako ng pagkain. Napaka pathetic. He's not taking this seriously. Ginagawa niya akong bata.
BINABASA MO ANG
Eshajori | (QBMNG PREQUEL) 𝗢𝗡𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 🏳️🌈
Romance| QBMNG BOOK 0.5 | "To meet, to know, to love and then to part, is the sad tale of many a heart." - Samuel Taylor Coleridge.