𝚢𝚞𝚊𝚗𝚏𝚎𝚗
[yiun-fen]
(n.) the belief that destiny or fate
plays a part in bringing two
lovers together
—————
"Dad, will you stop calling me already? And stop acting like you actually care!" I didn't even gave him a chance to let the words sink in. I ended the call, extremely annoyed now. He made it his habit to call me at least once a day. Akala niya ata na-aappreciate ko. I don't know, maybe he thought that by doing the bare minimum, he would somehow mend our relationship. Asa pa siya. Hindi ko na pinansin at nag prepare na.Damn it, kailangan na naman pumasok sa pesteng school. Wala talaga akong gana mag aral. I mean, who would be? I didn't even like it here. Ang daming students. Walang kwenta ang mga facilities. Annoying ang mga teachers. Ugh.
"Good morning, Simang." Napairap ako sa pamilyar na boses. Kakalampas ko palang sa guard house. Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali. Yung SSG president na nag aanyong middle schooler. "Aga aga, naka simangot. Simang ka talaga eh."
Nilapitan ko siya at dinuro duro sa noo. "Makita ko ba naman pag mumukha mo eh. At pwede ba, tigilan mo nga ako sa kakatawag ng Simang. May pangalan ako!"
As usual, hindi niya ako siniseryoso. Kahit anong verbal abuse ang gawin ko, hindi siya natitinag. Tulad ngayon, she's just laughing at me. Nakakainis! "Can I call you Gaile, then?" Tinaasan ko siya ng kilay. Feeling close.
"Close ba tayo?"
"Kung ayaw mo patawag ng Gaile, eh di Simang nalang." Mag poprotesta pa sana ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko. "Tara, late na tayo. May flag ceremony ngayon."
Fuck. Monday nga pala. Lahat ng mga students na morning shift ay nag lalaan ng halos isang oras sa quadrangle para sa flag ceremony at mga announcements. Ang hassle dahil ang tagal namin nakatayo at ang init init pa. Binitawan lang ako ni bansot ng makita na namin ang pila ng section namin. Fifteen sections kasi ang mga sophomores. Nasa pilot kami—section 1. Bagsakan ng mga matatalino.
"Go ahead, bansot. Doon ka na sa unahan kung saan ka nararapat." Sumimangot siya dahil sa sinabi ko. I mentally celebrated. Siya naman kasi lagi sa unahan ng line dahil siya ang pinaka maliit sa section namin. Hindi kasi talaga siya mukhang high schooler.
The ceremony lasted an hour and a half. Inis na inis na ako dahil nabibilad na ako sa araw. Ang daming announcement ng Principal namin. Pinatawag pa sa stage si bansot para sa mga activites for the month ng Student Council.
"Ayan na naman siya. Hindi ko pa din matanggap bakit siya ang na-elect na President ng Student Council natin."
"True. Ang dami naman di hamak na mas deserving pa sa kaniya eh."
I couldn't help but rolled my eyes. Hindi talaga nawawalan ng mga inggitera sa mga kaklase. Hindi nalang manahimik. Hinatak ko na ang collar ng blouse na suot ng kaklase ko na busy sa pakikipag chismisan. Nagulat sila sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Eshajori | (QBMNG PREQUEL) 𝗢𝗡𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 🏳️🌈
Storie d'amore| QBMNG BOOK 0.5 | "To meet, to know, to love and then to part, is the sad tale of many a heart." - Samuel Taylor Coleridge.