"Okay, class. Be quiet!" Napatakip ako ng tenga nung bigla mag salita yung P.E. teacher namin. Naka megaphone pa, kaya ang sakit sa ulo! Nandito kami sa quadrangle ngayon para sa physical education class. May gumagamit daw kasi sa field na taga ibang section. "I said, be quiet!" Walang nakikinig kay Sir. Palibhasa kasi, mabait, kaya inaabuso.
Ayaw pa din tumigil ng bunganga ng mga kaklase kong punyeta kaya tumayo na ako. "Ititikom niyo 'yang mga bibig niyo o pag sasampalin ko nalang kayo?!" Iginala ko pa yung mga mata ko at pinag sasamaan sila ng tingin. Hindi makapag start dahil sa ingay nila eh. Seven AM na, ha. Ang sakit na sa balat ng sikat ng araw. Buti nalang nakapag apply ako ng sunblock kanina. Ewan ko ba, ang hilig ng school na 'to ibilad ng mga students nila sa araw.
Buti nalang at nanahimik na din sila dahil sa ginawa ko. Nag motion ako kay Sir na mag salita na siya ulit. Ngumiti naman siya sa effort ko. "So, 50M sprint at 1 KM run ang activity natin today. Nasaan na yung stopwatch na pinadala ko?"
Lumapit si Bacarin at inabot yung stopwatch kay Sir. Inikutan ko siya ng mga mata. Pakain ko pa sa'yo 'yan eh. Anyway, kanina ko pa hinahanap si Santillan, wala pa ata. Late o baka hindi papasok? Hmm.
Grinupo na kami ni Sir. Three students per group at alphabetical pa. Hindi pwede mamili ng kagrupo. I was instantly disappointed. Ang aga aga, sira na araw ko. Kasama ko si Bacarin sa group. Gandang ganda siya sa sarili niya. Eww.
Nag start na yung activity. Nauna na yung mga letter A ang start ng surname. Bale, four groups din sila. Tumunganga muna ako sa isang tabi dahil ayoko makita ang pag mumukha ni Bacarin.
Natawa pa ako nung sa hindi kalayuan, natanaw ko si Santillan na pasimpleng papasok na sana ng school building. Napapansin ko na 'to. Lagi siya late kapag PE class. Hindi yung tulad nung mga usual tardiness niya due to student council-related stuffs. Minutes lang naman kasi yun, eto kasi sa P.E. na subject namin, halos isang oras o mahigit pa yung late niya. Parang sinasadya na eh.
Nakaisip ako ng bright idea.
"Sir!" Sigaw ko. Napalingon agad sa gawi ko yung P.E teacher namin. "Sir, si Santillan, oh." Itinuro ko sa kaniya si Santillan na nasa entrance na ng building. She looked too adorable right now. She's stomping her feet, at naka busangot pa habang masama ang tingin sa akin.
"Santillan!" Ginamit ni Sir yung megaphone niya para palapitin yung student niya na makulit. Wala naman nagawa yung isa. "Anong balak mo? Late ka na naman!"
"Ayoko nga pumasok, eh." She muttered, pero narinig ko. I was smirking at her the whole time na sinisermunan siya ng teacher namin.
Paglapit niya, sinamaan niya na naman ako ng tingin. "Si Jollibee ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. I didn't get it. "Bida bida mo eh."
I had to stifle a laugh. Ang cute niya mainis. "Ano 'yan?" Tinuro ko yung nasa likod niya. Hindi niya ako agad pinansin. Ibinaba niya na yung mga gamit niya sa gilid at isinandal naman yung guitar niya malapit sa poste.
"Gitara. Ano sa tingin mo?" Nakipag unahan pa siya sa inuupuan ko. Nag iisang monoblock chair na available na kinuha ko pa kay Sir dahil hindi niya naman ginagamit. Ayoko kasi umupo sa ground. Kadiri.
BINABASA MO ANG
Eshajori | (QBMNG PREQUEL) 𝗢𝗡𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 🏳️🌈
Romance| QBMNG BOOK 0.5 | "To meet, to know, to love and then to part, is the sad tale of many a heart." - Samuel Taylor Coleridge.