"Are you coming tomorrow?"After two slides of lip tint, two sprays of my favorite perfume and one last look in the mirror, I picked up my bag and went straight to the elevator.
Damn it, late na ako! Magagalit na naman yung lintik na guard ng Ridgemore High.
"I'm not sure yet, Andrea. I'll try."
I heard my bestfriend groaning from the other line. "Oh, c'mon. It's my birthday. You have to come."
Mine as well, you know. I muttered to myself. I heaved a sigh. Gusto ko naman sana pumunta sa birthday party niya. I'm just not sure how Jefferson Lorenzo would take that. I heard nandito sila sa Pilipinas ngayon. I was specifically told to stay away from her daughter. Pwede naman ako magpakita sa mansiyon nila para inisin siya. I wouldn't do that though. Ayokong sirain ang birthday party ni Andrea for my own selfish reason. May iba pang araw sa akin ang matandang Lorenzo na 'yon.
"I'll try, okay? I need to go." I dropped the call before she can even reply.
Nagmadali na ako. Walking distance lang naman ang Ridgemore from the condominium that I am staying at. It's just a couple of blocks away. Kaya nga ang lakas ng loob ko tumanggi kay Samuel when he offered to buy me my own car and a personal driver at that. Ayoko ng magkaroon pa ng utang na loob sa kaniya. I wanna hurry up and graduate, have a job and stop living off of him.
"Late ka na naman, Buenaflor!"
I rolled my eyes at the stupid guard of our school. "Manahimik ka na nga at papasukin mo na ako. Late na nga, inaabala mo pa!"
Sinamaan ako ng tingin ng bwisit na guard. "ID mo? Isuot mo nga. Hindi iyan binubulsa, Hija."
Padabog kong isinuot yung ID ko sabay irap sa kalbong guard namin. I walked past him and was just about to enter the school ground when he blocked my way. "Ano na naman?!"
"Alisin mo 'yang lipstick mo. Bawal ang make up dito."
Damn it, ang daming satsat! Padabog akong kumuha ng wipes sa bag at pinunasan yung labi ko sabay bato nito sa pesteng guard. Nag sasalita pa siya ay hindi ko na pinakinggan.
Nakatambay pa sa corridor ang grupo nila Bacarin ng makaakyat ako sa floor namin. Ilang linggo na din sila panay parinig sa akin, nag titimpi lang ako. Hindi ko na sana papansinin ang mga hinayupak. Kaya lang bigla nagsalita si Bacarin bago pa ako makapasok ng classroom.
"Ah, here comes the cheat."
Nag panting ang tenga ko. Wait, ano daw?
"What did you say? Pakiulit nga." I inhaled sharply, trying to calm my nerves. Not working. Malakas mag painit ng ulo si Bacarin. Pag mumukha niya palang, sira na araw ko eh. Ang sarap ilibing ng buhay. Way to start my day.
BINABASA MO ANG
Eshajori | (QBMNG PREQUEL) 𝗢𝗡𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 🏳️🌈
Romance| QBMNG BOOK 0.5 | "To meet, to know, to love and then to part, is the sad tale of many a heart." - Samuel Taylor Coleridge.