Chapter 2- Cold Stares

48 6 1
                                    

Chapter 2 - Cold Stares

They said that when you are afraid, a hug from someone close to you is the most important thing you will ever need for that certain moment

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

They said that when you are afraid, a hug from someone close to you is the most important thing you will ever need for that certain moment.

-MM.

♣♥♣♥

Aya's POV

Di ko inaasahang magigising ako ng maaga ngayong biyernes sa kabila ng pambubulabog na ginawa ni Paul sa akin kagabi. Isa talaga siyang malaking epal sa buhay ko! Ikaw ba naman ang matutulog tapos bigla nalang may aakyat sa bintana mo at tatakutin ka pa. Nakakahiya tuloy kagabi, kung ano-ano pa ang nasabi ko.

"Nakakainis!" Napasabunot nalang ako sa mahaba kong buhok.

Imbis na magmukmok ako dahil sa kaiisip nang nangyari kagabi ay bumangon nalang ako para hanapin ang kapares ng flipflop ko ngunit di ito mahagilap ng mga paa ko kaya binuksan ko mona ang bintana para medjo lumiwanag at para may pumasok na sariwang hangin.

Dumungo na ako at naghanap hanap na sa buong kwarto pero wala pa rin. Biglang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na itim na guitar case. Nang lapitan ko'y nakita ko ang 'Sarvante' na nakaukit rito na naka italic ang desinyo. Halatang alagang alaga ito ng may ari.

"Nakalimutan ng mokong ang gitara niya. What a retard." sigurado akong hinahanap na niya ito ngayon, bahala siyang maghanap. Maaalala naman niya siguro na dito niya ito naiwan.

Hindi ko na binalak buksan pa ang guitar case niya at nagpatuloy nalang sa paghahanap ng tsinelas ko dahil maliligo na ako. Iisang lugar lang ang hindi ko natingnan, ang ilalim ng kama ko.

Lumapit ako rito at sumilip agad sa ilalim, nakita ko ang kaparehas ng tsinelas ko ngunit hindi ko rin inaasahang makita ang dalawang pares ng isang matirik at matalim na mga matang nakatitig sa kawalan... nakakagimbal, nakakakilabot, hindi ko maintindihan kung ano ang aking mararamdaman.

"aaaaaaahhhhhhhhhh!" isang malakas na sigaw lamang ang lumabas sa aking bibig kasabay ng isang magkakasunod na katok sa aking pintuan.

Hinang-hina at nangangatog ang aking buong katawan lalo na ng aking mga kamay habang binubuksan ko ang aking pinto. Agad nangilid ang luha sa aking mga mata nang mabuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nagtataka at nag-aalalang mukha ni Paul. Sinugod ko siya ng yakap dahil sa takot, para akong napaos dahil walang salitang kumakawala sa aking bibig.

Nanginginig ang aking buong katawan at palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Kailangan ko ng taong makakapitan para di tuluyang mahimatay ang katawan ko sa kaba.

They said that when you are afraid, a hug from someone close to you is the most important thing you ever need for that certain moment.

And that's what I want at this moment.

My Bad Hero and My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon