Chapter 6 - The sweet revenge

28 4 2
                                    

The sweet revenge

Sometimes, you just have to fall in order to feel the pain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sometimes, you just have to fall in order to feel the pain.
-awtor

♥♣♥♣

Aya's POV

"Hey! Wait!" sigaw nito habang nagmamadali akong nilagpasan siya.

"Pwede ba Paul, kung kalokohan na naman yang naiisip mo, just please. Spare me a day!" Sinadya kong hindi ito pansinin habang tuloy-tuloy sa mabilis na paglalakad hanggang sa makarating na ako ng hallway habang nakasunod pa rin ito. Napansin kong agad nitong sinuot ng maayos ang kanyang cap at face mask para maiwasan ang mga nagtitinginang mga studyante.

"Hey! If you're plotting a revenge then can you please spare me the running?" Naramdaman kong hinihingal na ito. Bigla akong nakaisip ng kalokohan na naging dahilan ng pagsilay ng isang mapaglarong ngiti sa aking labi.

"Seriously! May lahi ka bang kabayo? Ang bilis mo namang maglakad!" reklamo pa nito pero di pa rin siya nililingon.

Unti-unting bumagal ang mga hakbang nito nang makita niyang papalapit ako sa kumpolan ng madaming mga babaing nakaupo sa benches malapit sa kanilang hallway. Nagtaka ito dahil alam niyang taga kabilang block ang mga ito at alam rin niyang hindi ko sila mga kilala. Masigla akong bumati sa mga ito para kunin ang kanilang atensyon.

"Hi girls!" napalingon naman sa akin ang mga ito na abalang nag-uusap kanina lang.

"You guys know Paul Sarvante right?" Agad kong tanong sakanila. Sandaling natahimik ang mga ito at nagtaka. Pero kalaunan ay nagsingitian ang mga ito at nagtinginan pa sa bawat isa.

"Yes of course! Ang isa sa myembro ng Smug Wolves? He's the handsome and wild guitarist of that popular band right?" excited na sabi nung isang babaing may blonde na buhok. Napangiti ako nang mapagtantong mukhang magtatagumpay ako sa aking binabalak. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kasama ito ni Yenyen sa fans club na binubuo ng iilang mga Education students.

"Yong hottie na si Paul Sarvante? OMG! We know him! we are his number one fan! Bakit mo naman natanong Miss?" nakangiting sabi naman nung girl na may short hair. Tila kinilig naman ang bawat isa sa kanila habang nagaabang sa kung ano man ang sasabihin ko. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa maaaring mangyayari.

"Oh no... I have a bad feeling about this." Narinig ko naman ang mahinang bulong ni Paul sa sarili na nakatayo di kalayuan sa akin dahil sa pagsunod nito. Parang may nabubuo na itong ideya sa kanyang utak habang dahan-dahan na itong umaatras palayo.

"Not so fast Paul Sarvante." I whispered to my self with a little smirk forming on my lips.

"Well girls, be hold! He's here and he's so ready for a fan sign!" halos natatawang sigaw ko habang nakaturo kay Paul na namutla sa gulat.

My Bad Hero and My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon