Chapter 7 - The Reminisce

29 4 4
                                    

Edited - Bb. A

Chapter 7 - The Reminisce

Love is... I don't know. Is this Love?
-PS.

♥♣♥

Paul's POV

Nakaupo ako sa isang malaking Bench malapit sa Hallway habang hinihintay ko si Aya sakanyang last subject ngayong araw na to. Kagaya ng napag-usapan namin ng kanyang Papa ay ako ang susundo sa kanya ngayong araw na to.

Nagsuot ako ng hoody, itim na cap at nerdy glasses para di ako makilala ng kung sino man na die-hard-fan jan na may megaphone ang mga bibig. Kunwari'y nagbabasa ako ng isang random na libro na nakatabon sa mukha ko habang nakasukbit sa kaliwang taenga ko ang isang headset. Di na siguro nila ako makikilala sa itsura kong ito.

Mahirap nang dumugin ulit ng mga yon! Kung saan-saan pa ko nagtago. Buti nalang hindi pa nila ako sinundan hanggang sa loob ng Boy's Comfort room kun'di baka pinagpyestahan na nila ako. Wala akong choice kanina kundi doon magtago. Hayyy.. Ang hirap talagang maging gwapo minsan. Hehe.

Sandali kong tiningnan ang relo ko, mga 15 minutes nalang siguro at magsisilabasan na sila. Sa Major subjects lang kasi kami magkakaklase na Block. Kapag ibang minor subjects na ay hindi na kami halos magkaklase lahat.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong inaasar si Aya. Natutuwa lang siguro ako kapag napipikon siya. She want herself to be called 'Aya' but I kinda miss calling her 'Maya'. Maya Martinez kasi ang full name niya.

Hindi ko maikakaila sa sarili ko na matagal na akong may gusto sakanya. But I know to myself that she won't feel the same about me. So I stayed low as her annoying childhood friend.

Love is... I don't know. Is this Love?

Napapangiti ako nang maalala ko noong mga Elementary pa kami. Madalas siyang nadadapa dahil sobrang clumsy niyang bata. Madals ko siyang tinutulongang tumayo at ako mismo ang pumapagpag sa damit niyang nadudumihan.

Minsan pa nga ginagamot ko ang mga bruises niya resulta ng pagiging malikot niyang bata.

Kapag natatapos na akong gamotin siya, tulongan o patahanin ay aasarin ko nanaman siya hanggang sa hahabolin niya ako para gantihan ng batok o di kaya kikirotin niya ako ng pagkalakas-lakas sa pisngi. Name-miss ko na ang mga araw na yon.

Tumayo akong kuya niya at parati kaming magka-klase noong Elementary pa lang kami, hindi kasi ako pumapayag na hindi siya kaklase. Madalas kasi siyang binu-bully dahil may mga batang naiinggit sa kanya dahil mayaman at sikat na politico ang pamilya nila.

Ayoko na may bumu-bully sa kanya dahil ayokong nakikita siyang umiiyak. Parang nadudurog ang puso ko kapag nakikita kong may mga luha sa maamo at cute niyang mukha. At least ako kapag inaasar ko siya naiinis lang siya pero di ko siya napapa-iyak.

Napapangiti ko pa nga siya eh. Pero hindi ko alam kung na-a-appreciate niya yon hanggang ngayon, o mas nakasanayan nalang niyang ituring ako bilang isang malaking Unggoy, Kapre (dahil sa katangkaran ko), Monggoloid at nakakaasar na nilalang sa buhay niya.

Bata pa lang ako ay pinangako ko na sa sarili ko na po-protektahan ko siya hanggang sa makakaya ko. Malaki ang utang na loob ko sa Papa niya. Ang pamilya Sarvante, ang dalawang matandang mag-asawa na umampon saakin ay dating business partner ni Mr. Martinez, ang Papa ni Aya.

Siya ang nag-udyok sakanila na amponin ako. Isa kasi siya sa malaking pulitiko na sumusuporta sa Orphanage kung saan ako nanggaling.

Limang taon pa lamang ako noon nang isang beses ay bumisita siya sa orphanage na iyon. Naglalaro ako sa bakuran malapit sa isang maliit at mababaw na fishpond, siguro'y mga hanggang leeg ko lang ata iyon ng mga araw na yon. Nakita ko si Mr. Martinez na kausap ang ilan sa dalawang Madre habang akay niya ang isang cute at malusog na batang si Aya.

My Bad Hero and My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon