Chapter 3- A Decoy

32 5 0
                                    

Edited: 11/03/19
- Bb. A

Chapter 3 - A Decoy

There's nothing more important than seeing that special someone safe and smiling beside you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

There's nothing more important than seeing that special someone safe and smiling beside you.
-PS.

♥♣♥♣

Third Person's POV

Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga police sa pinangyarihan ng isang di pa matukoy na krimen kung saan sangkot ang magkaibigang Aya at Paul.

Patuloy parin ang pag iimbestiga ng mga police, ang ibang taong nakatira sa boarding house ay naki usyuso na rin at di naman magkamayaw sa pag aalala ang land lady na si Mrs. Reyes dahil maaaring makaapekto ito sa mga nakarent sa boarding house niya na malaking pinag kakakitaan niya ng negosyo.

May mga dumating na ring mga reporters ngunit kagaya ng ibang mga tao ay pinipigilan mona silang makapasok pansamantala.

Samantala, tahimik naman sa isang sulok ang magkaibigan. Tulala parin si Aya at di makapaniwala sa nangyari habang seryosong nag mamasid si Paul sa paligid.

Naging tahimik ang ilan nang dumating ang isang itim na kotse. Nilowa nito sa front seat ang isang Seryosong Matandang lalaki na naka black coat na nakasuot ng ID ng isang Detective. Mga late 40's na ito.

Sa backseat naman ay lumabas ang isang sexy, morena, maganda at sopistikadang babae. Nakaputing polo ito naka tucked-in sa itim nitong slacks.

Base sa kanyang itsura ay nasa Late 20's na ito pero mahahalata mo na isa siyang rookie na detective base sa kanyang suot na ID at ang matandang kasama niya ay ang kanilang sergeant.

"Sir!" Saludo ng mga police na nauna sa pinangyarihan ng hindi pa matukoy na krimen.

"At ease." Matigas naman itong sagot sa kanila.

"Report to me. Nasaan ang mga batang sinasabi mo?" Hindi pa rin nag iiba ang seryosong mukha nito pati na rin ang lamig ng kanyang boses. Habang ang detective naman nitong kasama ay nakikipagusap na sa iba pang mga police na nag iimbestiga din doon.

"Narito po sila Sergeant." Sinamahan naman nito ang detective papunta sa isang sulok ng maliit na sala na kinaroroonan ng magkaibigan.

Halata ang malakas na awtoridad nito base na rin sa pinapakitang respeto sa kanya ng lahat. "Sinabihan ko na po sila na mag steady mona para sa gaganaping imbestigasyon."

Napahawak si Aya sa braso ni Paul nang makita nila sa malayo na papalapit sakanila ang detective. "Paul, natatakot akong maakusahan." marahang sabi ng dalaga.

Sandali siyang tiningnan ng kaibigan at hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Wala kang kasalanan kaya wala kang dapat na ipag-alala. They have no solid evidence to point this out to you." sabi nito upang mapagaan ang loob ng dalaga.

My Bad Hero and My SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon