Maxwell Sayson POVNakakagago, makukuha na sana namin Yung target, lintek na babae na yun! Umepal pa ang kingina!
" pano Yan sam? Di natin napuruhan lumandi sa ex mo? "
Geh paalala mo pa takte ka!
Nagsindi ako ng sigarilyo at binuga yun ng may halong Sama ng loob, kung di lang sana umepal Yung kingina na yun, edi tapos!
" oo nga sam, Diba dapat si Rica sisihin mo? Kasi nagpakagat siya sa landi ng lalaki eh, edi san-"
" pwede ba Mar? Tumahimik ka! piste ka! Diko kelangan ang opinion mong bulok!!"
Nagsitungo naman silang lahat at nagsitahimik, wala akong pake-alam kung humarot din si Rica, ang mahalaga mabugbog ko ang lumandi sa gf ko.
At ganyan ko Yan kamahal, kahit nakakagago na, diko magawang magalit sa kanya.
Nanatili akong naghahabol ng hininga dahil sa galit na gustong kumawala sa dibdib ko, Hindi ko maintindihan at kung bakit kelangan maki-alam non.
" babalik tayo don." Malamig na atas ko at taka nila akong tinignan.
" para saan? Eh, hindi na dadaan yun don, lilipas muna ng mga ilang araw bago dumaan ulit ang target mo sam,"
Napangisi ako sa sarili Kong naisip.
" sa ngayun hindi muna, pero ang naging rason kung bat hindi natuloy ang pagbugbog ko kanina, siya ang pupuntiryahin ko."
Yanmo de guzman POV.
Umaga.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school, as usual andon parin ako sa estadong kasama ko si rose, nagiingay parin Syempre, maraming bumabagabag sa isip ko ngayun at lalo na sa graded recitation na ibibigay ng aming prof. Sa Introduction to criminology(ITC.)
" oy, ano may sasabihin ka ba mamaya sa graded recitation ni prof. Vibar? Alam mo naman yun, kelanggan makarecite tayo lagi." Nagaalalang atas ni rose, napabuntong hininga lamang ako at napatingala sa langit, napakahirap pala ng 1st year, major sub palang halos ikakamatay mo na kakaisip.
" Hmm, Ewan ko, kung sakaling meron akong masagot, e'di yun nalang." Nawawalang ganang sagot ko, napailing na lamang si rose at pinagpatuloy naming naglakad hanggang sa makarating na kami sa mismong harap ng gate. Sakto namang andon ang mga senior or sod's kaya kelangan namin magsalute sa kanila bilang pagrespeto.
" ready up, " atas ko at nagpugay kaming dalawa ni rose, " ma'am, goodmorning ma'am." Sabay naming atas ni rose at nagsaludo narin ang senior saamin, chineck nila ang mga bags namin at itinuro ang attendance area na kung saan ilalagay ang names namin at oras na pumasok kami sa eskwelahan.
' daming etcetera ng school namin, pero Mas mainam na yun. Tss.'
Saktong pagdating ko sa classroom nagiingay sila, pangatlong araw palang ng klase pero sobrang gulo na, balita ko ay sila sila rin lang ang magkaklase last year back their way on senior high-school, kaya ganyan sila kabarumbado.
Tahimik kaming naupo ni rose sa dulo at nanatili lamang kaming ganung posisyon ng biglang pumasok ang tatlong mga S.A's
Sila ang mga student assistant ni prof. Vibar. Sila ang nagchecheck samin kung may magulo or may pagkukulang ang section namin.
YOU ARE READING
LOVE BETWEEN THE LAW.
Bí ẩn / Giật gânPaano mo mamahalin ang isang Tao kung mahal mo rin ang pangarap mo? Pano kung mahal mo siya, pero ang maguudlot nun ay ang katungkulan mo sa mamamayan? Mamahalin mo parin ba siya kahit Alam mong Mali na? O aalis ka nalang na parang wala? Love betwe...