chapter 4.

7 0 0
                                    

Maxwell sayson POV

" boss, nakuha na namin siya " atas ng tauhan ko at napangisi ako, kinuha ko ang mga armas ko at saka ko pinuntahan ang lugar na kung saan dito kami nangbubugbog, nagpapahirap at kung saan dito nagkakaroon ng maduguang organisasyon, sa bawat Tao na sasali sa gang namin.

Umaalingasaw ang amoy ng mga alak dito sa 'red area' namin, na kung saan Yung ang tawag namin sa lugar na ito, umaalingasaw ang amoy ng alak, malalansang amoy ng dugo, at mga nagamit na Marijuana sa bawat lagayan, napangiti ako dahil sa amoy na gusto ko, na nakasanayan ko, na kung saan ito ay matatawag ko na 'impyerno'

Napangisi ako dahil andito ang babae na humadlang sa Plano ko, ang babae na kinakainitan ng dugo ko sa di malamang dahilan, ngunit isa lang ang sigurado ako, at yun ay ayaw Kong may nange-nge'alam ng Plano ko.

Nakaupo siya sa isang silya at nakadekwatrong panglalaki, isa-isa niya kaming tinignan at saka siya tumingin ng deretso sakin, pinalibutan siya ng mga tauhan ko upang di siya makatakas, pero kung ako ang tatanungin walang bakas ng takot ang mga Mata niya, at parang tinitignan kami na parang mga bagay lamang.

" kung sweswertehin ka nga naman," panimula ko, " kinuha ka na nga lahat-lahat di ka parin natatakot?! HAHAHA Tao ka ba? O nagpapanggap ka Lang na di ka takot? " atas ko at nanatili lamang siyang ganong posisyon at nakatingin sakin, bahagya akong nainis at nilapitan siya saka pahablot na hinawakan ang panga niya at inilapit sa mukha ko, ngunit wala parin siyang reaksyon!!!

" wag na wag mokong binibigyan ng ganyan tingin, babae, dahil walang kung sino 'man ang nagtatangkang bigyan ako ng ganyang tingin, dimo ba ako kilala ha?! " galit na sigaw ko sa mukha niya at napakunot naman siya ng noo, taka ko siyang tinignan at saka niya tinapik ang kamay ko at binugaw pa ang hangin na animo'y may naaamoy siyang mabaho.

" HAHAHAHA, Yan ang gusto ko, nakikita ko ang itsura mong nangangasim dahil sa malaimpyernong amoy ng lugar na ito, HAHAHAHA!" natatawang atas ko at patuloy na tumawa na parang demunyo, ngunit natigilan ako dahil sa diko inasahang sasabihin niya.

" oum, literal na mala-impyerno angbaho kasi ng hininga mo."

Nagtawanan ang mga tauhan ko at tinignan ko sila ng masama, agad naman silang nagsitigil at sumeryuso ang mga mukha, tinignan ko ule ang wirdong babae na ito at saka ko siya sininghalan, at saka ako naglakad paalis sa sitwasyon na iyon.

" babalik ako, kayo na bahala Dyan."

Atas ko at naglakad ng pasiga pabalik sa office ko, pagbalik ko ron agad Kong kinuha ang mouth wash ko, toothbrush ko at toothpaste, saka ko inamoy and hininga ko at napakunot ako ng noo.

Di naman mabaho ha? E-eh ano bang paki ko?! Siya naman tong nakikiamoy!?

Pabato Kong hinagis ang mga hawak ko at saka lumabas, napaigtad ako dahil sa iniasta ko, wala na dapat siyang paki ron! At ano bang paki ko kung nabahuan siya?! Tsk!

Paglakad ko pabalik sa red area namin, ay nadatnan ko ang mga tauhan ko na hinahawakan ang pisnge niya at mukhang pinagdidiskitahan, " ano bang ginagawa niyo?! At pinagtritripan niyo Yan?! Ako lang dapat hahawak Jan! " atas ko ng pasigaw at nagulat naman ang mga tauhan ko, mismong ako ay nagulat sa iniasta ko ngunit diko na pinansin iyon, at lumapit sa babaeng wirdo na ito.

" tapos ka na ba magsipilyo? " blanko ang mukha na tanong ng babaeng ito, at saka ko naman inilapit ang mukha ko sa kanya, " tss, hindi mabaho ang hininga ko, " matamang atas ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga Mata, yun na naman ang nakakainis na ekspresyon ng mukha niya at pakiramdam ko ay nasusuya akong tignan dahil parang sa paningin niya ay mukha lang akong BAGAY.

LOVE BETWEEN THE LAW.Where stories live. Discover now