Yanmo deguzman POV
Nagising ako dahil sa init ng araw na dumungaw mula sa bintana ko, masyado akong napagod sa nangyari kagabi, nakaramdam din ako ng sakit sa pangangatawan dahil sa natamo Kong sipa, suntok at hampas, aminado naman na masakit Yung ginawa nila. sinubukan ko lang ayusin ang emosyon ko at di nagpakita ng sakit upang hindi sila mahibang sa ginagawa nila saakin.
' Parang mga tanga amp.'
Bumangon ako at saka inunat ang katawan ko, umalingasaw sa hangin ang niluluto ni rose at tiyak Kong bacon yun at itlog, dumeretso akong banyo, naligo at nagbihis, saktong pagbaba ko ay bumungad sakin si rose na nakabusangot na nagbigay sakin ng dahilan upang magtaka ako.
" oh? Bat ka nakasimangot? " takang atas ko at inismiran niya lang ako, napataas naman ako ng kilay sa inasta niya at dere-deretsong umupo sa lamesa, habang andon din siyabat tinitignan ako ng may panlilisik sa Mata na Mas lalong ipinagtaka ko.
" woi, ano ba yon?" Muling atas ko at saka niya hinampas ang lamesa sabay ng dalawa niyang kamay, di kalakasan ngunit sapat na upang makalikha ng ingay. " akala mo hindi ko narinig yon ha?! Na mag magaganap na rambulan sa inyong dalawa ng maxwell na yon?! Or sam ba?! Kala mo diko narinig yun ah! Itigil mo yang kalokohan mo yanmo." Atas niya na may halong pangangaral, nagkibit balikat na lamang ako at inumpisahang magsandok ng kanin, samantalang siya ay nakatingin parin sakin.
" Alam mo," panimula ko " diko ugaling pumasok sa isang gulo kung hindi ko kaya, maaaring pinagbigyan ko sila nung una, pero di na ako tumatanggap ng pangalawa lalo na't sinaktan ka 'niya'. " atas ko at tinuro pa siya ng tinidor, nagulat naman siya sa inasta ko, pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko at ganun din siya, tahimik lang siya habang kumakain at tanging nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa amin, ngunit di pa nagiinit ang pwesto ko sa upuan ay diko inasahan ang susunod niyang sasabihin.
" mahal mo pa ba si James? " biglaan niyang tanong na nakapagpabitaw ng kutsara at tinidor ko, masyadong diko inaasahan ang naging tanong niya at Mas nakakagulat pa'ron ay seryuso siya, napabuntong hininga ako at tinignan lamang siya. " hindi Ganon kadali ang wag na siyang mahalin rose, dahil hindi biro ang dalawang-taon at anim na buwan." Malamig na atas ko at tinuloy na ang pagkain, hindi pa siya naging sapat sa sagot ko at Alam Kong magtatanong na naman siya. " Alam Kong kaya ka nagkaganyan ay dahil don sa ginawa niya sayo, pero please naman yanmo, move-on ka na, " pagpupumilit na atas niya, na animo'y nagmamakaawa na kalimutan ko na si James. " hindi na okay Yung nangyayari sayo eh, malayong-malayo na sa yanmo na kila-"
" at kung ang pagmamahal ko sa kanya ay parang libro lamang na may nilalaman sa bawat pahina, Mas pipiliin Kong punitin at umpisahin muli na ako nalang na magisa" Pagputol ko sa sasabihin niya ng may halong kapaitan, ramdam Kong nagiinit ang pisngi at mga Mata ko dahil sa gustong kumawala ng mga luha ko. " pero hindi eh," pagtuloy ko " hindi Ganon kadali na kalimutan ang isang taong minsan mo na'ring minahal ng sobra, at sa sobrang pagmamahal mo sa isang taong yon nakalimutan mo na'ring mahalin ang sarili mo." Tugon ko pa, naramdaman ko ang panandaliang pagbago ng emosyon ni rose, na Tila ba'y sana di niya nalang sinabi yon at may halong pagsisisi ang kanyang reaksyon, base'y sa kung ano ang natutuklasan niyang emosyon na nailalabas ko ngayon.
" oo, nagbago ako dahil sa sakit at sa pighati na pinaramdam niya. Oo, aaminin ko, nang dahil sa sakit na iniwan niya naging ganito ako, naging barumbado, gago, siraulo pero di niyo maaalis sakin ang katagang pinasaya niya rin ako at don ko naramdaman kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal " Naluluhang sambit ko, diko na napigilan ang emosyon na gustong kumawala sa dibdib ko na tinago ko sa mahabang panahon, naramdaman ko ang pagiging alarma ni rose at bigla akong nilapitan at niyakap, at diko na napigilan ang sarili Kong humagulgol ng malakas. " gusto Kong mainis! Magalit! Maghigante! " hagulgol na atas ko, at pilit akong kinakalma ni rose sa pamamagitan ng paghagod sa likod ko. " pero wala akong lakas, dahil hanggang ngayon Mas lumalamang parin ang pagmamahal ko sa kanya, na naging isang dahilan, kung bakit hindi ko magawang magalit sa kalapastangang ginawa niya." Huling Atas ko at tuluyan na akong tumahan, nanatili lamang akong nakatulala sa kawalan habang patuloy parin hinahagod ni rose ang likod ko, makalipas ng ilang minuto ay naging okay na ako at saka siya bumaling sakin habang hawak ang magkabilaan Kong braso saka mataman akong tinignan sa Mata, " Alam Kong kaya mo yan" atas niya ng may halong sinseridad " bagama't hindi ko man Alam kung gaano kalalim Yung pagmamahal mo sa kanya pero, umaasa ako na isang araw ay malagpasan mo lahat ng 'to" atas ni rose at saka ako niyakap, niyakap ko siya pabalik at at don ako muling nakaramdam ng gaan dahil nailabas ko ang mga bagay na nakakulong sa damdamin ko sa loob bg maraming panahon.

YOU ARE READING
LOVE BETWEEN THE LAW.
Mistero / ThrillerPaano mo mamahalin ang isang Tao kung mahal mo rin ang pangarap mo? Pano kung mahal mo siya, pero ang maguudlot nun ay ang katungkulan mo sa mamamayan? Mamahalin mo parin ba siya kahit Alam mong Mali na? O aalis ka nalang na parang wala? Love betwe...