10: the copy cat and it's 'trophies'

4 1 0
                                    



----------------

Rave



Para bang may mina ng katanungan kaming nahukay. Imbes na may masagot, dagdag pang katanungan yung nakukuha namin ni Tres.

"May nakita ka rito pero di mo sure kung sya. Pero kung ganyan ang nangyari, kahina-hinala naman yang lalaki. Ang baduy pa ng dating. Mask, cap, T-shirt, tas pants. Gets kong baka tintago nya muka nya pero habang iniimagine ko, parang tanga lang. Ang init-init ng panahon!" Tuloy-tuloy kong sabi nang matigilan, masyado na yata akong maraming sinabi.

"Totoo, di man lang naging unique yung pagtatago." Sang-ayon nya habang tumatango-tango pa.

Naalala ko bigla yung suot nya kahapon na cap at mask para itago ang muka nya. Ipinilig ko kaagad sa isip ko yon, exempted si Tres sa paggamit ng mask at cap dahil wala naman syang ibang magagamit bukod don.

"Tingnan pa natin yung next---" natigilan ako nang malakas na mag-ring ang cellphone ko. "Hello?"

"H-Hello, sir!" Nanginginig ang boses ng babaeng sumagot.

Chineck ko ulit pero ang manager nga iyon ng La Crema.

"What happened, Sherly?"

"S-Si Emery po..." banggit nya sa pangalan ng isang waitress namin doon. Halos di ako humihinga habang hinihintay ang sasabihin nya. "P-Patay! Sir, may kukunin sana sila Joen at Patrick sa stock room pero n-nakita nila si Emery... y-yung bangkay po ni Emery."

"The fùck?"

Mula sa background, narinig ko ang tunog ng lumalakas na sirena ng pulis. Pinatay ko ang tawag bago hinarap si Tres.

"What happened?" Napansin siguro ni Tres ang lahat ng reaksyon ko, mahina lang kasi ang volume kaya imposible ring narinig nya.

"Yung isang server sa La Crema, natagpuan yung bangkay sa stock room ngayon." Tumayo kaagad ako at nagmamadaling nagsuot ng jacket na nakasabit sa tabi ng pinto ng kwarto ko.

Natutuliro ako at kinakabahan. Nalulungkot rin ako syempre dahil sa nangyari.

Magpapaalam sana ako pero nakita ko na syang tumayo saka kinuha nya na ang cap at facemask sa drawer.

"Tara na!"

----

Pagdating, naglalagay na ng yellow tape ang mga pulis, sa labas ng stock room. Maraming mga tao sa paligid pero nagpasya kaming magsara para hindi na rin sila makalapit pa. Nakikiusyoso lang naman ang mga iyon.

Nagpakilala ako sa mga pulis na may-ari pero hindi pa rin ako hinayaan sa silid dahil on-going ngayon ang imbestigasyon at ayon sa naririnig ko sa paligid kanina, mukang murder daw ang nangyari.

"One day palang akong hindi pumapasok---" natutuliro ako habang pinagmamasdan ang buong paligid, pilit hinahanap ang manager.

Lumapit kaagad saakin si Sherly na nanginginig ngayon. Kasunod nya rin ang dalawa na siyang nakakita sa bangkay.

"Sir---"

"What exactly happened?"

"Inutusan ko sila... Joen at P-Patrick na buhatin yung mga kahon mula sa stock room para may paglalagyan ang mga darating na deliveries, sir. P-Pero bigla silang nagtakbuhang dalawa palabas k-kaya sumama ako at--- nakita ko si Emery... p-patay na sya, sir. Bukas yung tyan tapos... may laslas sa leeg."

Napapikit ako.

"May napansin ba kayong dalawa?"

"Sobrang daming dugo, sir." Nanginginig pa ang boses ni Patrick. "N-Nakamulat yung mata nya---"

Detective's Diary Where stories live. Discover now