--------
Rave
Halos ikaskas ko sa bawat hakbang ang nasa sapatos ko. Hindi naman gaanong karami ang dumikit pero nakakainis pa rin kahit hindi ko man nararamdaman iyon.
Medyo malapit na kami sa bahay nang may dumaang ambulansya. Tumakbo ang ilang tao papunta sa direksyong dinaanan nito kaya naman mukhang may nagaganap sa malapit.
Kaagad natigilan si Tres, sinundan ng tingin ang mga dumaan saka tumango saakin. Mabilis syang naglakad pabalik sa dinaanan namin at tahimik namang sumunod lang ako.
Isa sa sinabi nya saakin ay kailangan nyang magpunta sa lugar kung saan may mga nangyayari dahil baka iyon ang maka-trigger sa memorya nya. Mukang eto na yon.
"What's happening---"
"Pwede ka nang mauna pauwi, Daine, meron lang kaming titingnan---"
"Hindi, sasama ako---"
Tumigil kamin nang tumigil din sa di kalayuan ang ambulansya saka lumabas ang respondents. Lumagpas pa kami nang kaunti sa coffee shop.
Napatingin ako sa harap ng isang malaking bahay kung saan namin sinundan ang respondents at mga usyoso. Kadarating lang din ng mga pulis dahil may nangyari palang krimen. Ayon yon aa mga bulungan na naririnig ko. Meron daw batang namatay.
Sinimulan na nilang lagyan ng yellow tape ang gate pero nakapasok pa rin kami sa loob, salamat sa card ni Tres na ngayon ay balot na balot na naman ang mukha.
Bago sumapit sa front door, nakita ko ang kahindik-hindik na sinapit ng isang batang babae. Sa histura nito ay mukang patay na ito ngayon.
Nakatihaya ito, umaagos ang dugo sa buong katawan at partikular na sa ulo nito. Kinilabutan ako nang matindi hanggang sa tumingin sa mataas na palapag kung saan merong balkonahe.
Naramdaman ko ang biglang hawak nang mahigpit ni Daine sa braso ko habang hindi makatingin. Si Tres ay seryoso ang mukha nyang tiningnan ang bata nang malapitan. Lumuhod pa sya sa harap mg bangkay, wala na ang kakulitan ko kaninang Tres. His aura is different now. It is full of confidence and authority.
"She fell from the third floor..." bulong ni Tres gaya ng iniisip ko. "Don't move the body, we need to further investigate about this murder."
Suminghap ang mga nakarinig, maging ako. Murder? May pumatay sa bata at hindi lang basta-bastang nahulog?
"Mr. C, what do you mean that this is a murder?" Tanong ng pulis na nagpapasok din saamin rito.
"Look at this kid's neck part," itinuro nya ang leeg nito, nakasuot kasi ang bata ng white sando kaya naman kitang-kitang ang pula sa tinuturo ni Tres. "Bakas to ng daliri--- ng kamay. Maputi ang bata kaya naman kaunting contact lang sa skin nya ay bumabakat."
Meron nga roong bakas ng tila tatlong daliri.
"At mukang imposible nga ring malaglag ng aksidente sa balkonahe ang bata dahil merong harang yon. Unless, kusa syang tumalon o umakyat sa harang dahil sa paglalari. Pero ayon sa mga kasama ng bata dito sa bahay, matalino ang batang to. Katunayan, genius nga sya."
"Victim's info?"
"Jenaia Urbana, female, 8 years old, genius. She took an exam and accelerated so... she's now graduating in highschool. Today, at 12:18 pm," tumingin ako sa wrist watch, it is 12:42 already. "A loud sound was heard by Mr. Ronel Arculito, their gardener. Inaayos nya ang mga halaman sa tabing gate kaya paglingon nya, nakita nya kaagad ang bata saka sya tumawag ng ambulansya. Buhay pa raw si Jenaia kanina pero mukang naghihingalo na---"
YOU ARE READING
Detective's Diary
Gizem / Gerilim"I already know everything. . . you chose to lie." ----- One man without memory. One diary. A detective's diary. [This is the unedited version of this story]