Chapter 9

167 7 4
                                    

"Pare, pag may naghanap sa akin sabihin mo wala ako."bilin sa kanya ni Luke habang tumatakbo papunta sa loob ng opisina niya sa gym. Naging magpartners na sila. Mga two years after umalis ni Zyana. Naisipan ni Luke mag-invest sa business niya hanggang sa dumating yung point na binitiwan ng ate ko ang shares niya na binili naman ni Luke. Kaya kaming dalwa ang namamahala dito. Kadalasan sa opisina ko siya nagtatago dahil didiretso ang mga babaing naghahanap sa kanya sa opisina nito.

"Itigil mo na kasi yan pare,"payo ko sa kanya.

"Tsss. Ba't ako titigil eh di naman ako nagsisimula. Basta sabihin mo wala ako."yamot na sabi nito.

"Okay."sabi niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may isang magandang babaing palapit sa kanya. Bilib nga naman siya sa mga babaing nilalapitan ng kaibigan niya. Kulang ang salitang perpekto para ilarawan ang mga tipo nito.

"Yes?,"tanong niya sa babae ng nakangiti. Agad naman na ngumiti ang babae sa kanya. Revealing those white teeth and dimples on her cheek. Parang isang anghel tong chick na to ah.

"Hi. I'm Dorothy."pagpapakilala nito. "Andito ba si Luke? May nakapagsabi kasi sa akin na he go this way."

Umiling siya. "Hindi ko siya nakitang dumaan. Kanina pa ako dito but Luke did not go this way. Hindi pa siya dumadating."

"Tinatago mo ba ang kaibigan mo?"may himig pang-aakusang sabi nito.

"And why should I do that?"tanong ko.

"I don't know. Maybe because he doesn't want to see me so he made excuses himself."sagot nito.

"Oh Dear, you'll know when he doesn't want to see you anymore."makahulugan kong sabi.

Biglang naging matalim ang tingin ni Dorothy sa akin. Nakuha yata ang ibig kong sabihin. Umirap ito at agad na nagmartsa palayo. Saka naman lumabas sa pinagtataguan nito si Luke ng makalabas na ng pinto si Dorothy.

"And now, ano na naman ang kwento ng isang yon?"tanong ko.

"Nevermind her pare. Nakilala ko lang sa isang event yon."sagot ni Luke. "Wooh!Iba talaga pag gwapo."

Natatawa na lang siya sa kaibigan at agad na inasikaso ang mga benta ng araw na iyon. Kakaalis lang ng cashier niya para magbakasyon sa probinsya kaya pansamantala siyang nakatoka sa trabahong iyon.

Samantalang si Luke ay agad na kumuha ng barbel at nagsimula na sa session nito. Tuwing gabi na ito nagsisimula kung kelan wala ng mga customer.

Leandra's POV

Galing siyang school pero hindi hadlang ang pagod niya para mag online agad at magfacebook. Iyon na lang kasi ang communication nila ni Zyana for three years that passed. Ilang beses na niyang tiningnan kung ilang mutual friend meron sila pero wala. Ibig sabihin hindi sila friend ni kuya at ni Lance sa fb. At iilan lamang ang friends ni Zyana. Siguro ay yung mga kaklase lang nito. Zyana is a fashion designer student. Minsan nakikita niya ang mga designs nito na pinipicturan nito at sinisend sa kanya through messenger. Ngayon ay may mga uploads itong bago at agad niyang tiningnan. Zyana has changed. Her curly hair is now wavy and is chestnut brown in color which suit her fairly smooth skin. Yung mga mata niya ay naging kulay green dahil sa contact lens na suot nito. Her eyelashes are long and thick and her cheeks are pinkish. She had also change the way her fashion goes. From being kikay to a fashionable lady.

Tiningnan niya kung naka online ito. Wala pang kulay green sa gilid ng pangalan nito kaya nagleave na lang siya ng message.

'How are you today, Zyana?'

Bumaba na muna siya para kumuha ng kukutin at iniwan ang laptop sa kwarto. Pagbalik niya ay nakita niya ang kuya niya na hawak ang laptop niya at nagscroll down.

"May facebook pala si Zyana?"tanong nito.

"Malamang kuya,"sagot ko. Kinuha ko ang laptop at nakita ko kung ano ang tinitingnan niya. Nakatitig siya sa picture ni Zyana kung saan nakangiti ito at nakayakap sa beywang nito ang isang gwapong lalaki. Kilala niya ang lalaking iyon. Naipakilala na ito ni Zyana sa kanya through skype. Gwapo ang lalaki. Isa itong french-german at nakabase sa Canada. Kaklase ito ni Zyana at ayon kay Zyana ay isa itong bakla. Pero hindi halata sa kilos at pananamit nito.

"Sino yang lalaki na nakahawak sa beywang niya?"tanong ng kuya niya na inaasahan naman na talaga niya.

"Well, boyfriend niya siguro. Di naman kasi makwento si Zyana sa lovelife niya kaya siguro. Why?" Bigla niyang tanong habang nilalapag ang pagkaing nakuha sa ref sa side table niya at tumabi sa kuya niya na ngayon ay nakaupo na sa kama niya habang hawak ang laptop niya.

"Nagbago na pala taste niya?"sabi ng kuya niya na agad naman ipinagtaka niya.

"At bakit?"tanong niya.

"Mahilig na siya sa mukhang babae." Saad ng kuya niya na ikinabunghalit ng tawa niya.

"What?"tanong sa kanya ng kuya niya.

"You are funny. Ayaw mo lang matanggap na Zyana has finally moved on from having crush on you. Abd now she have already a boyfriend who's more handsome than you."tugon niya.

"More handsome? San banda?"sinipat pa nito ang picture ng lalaki.

"Whatever kuya! Akin na nga yan."bawi niya sa laptop.

Agad naman nitong binigay sa kanya iyon at lumabas na ng kwarto niya.

Poop! May tumunog. Tanda na may nagmessage sa kanya.

I'm fine Leana. Galing akong school and it was so tiring. Marami kaming iniuwing schoolworks. How 'bout you?

Napangiti siya. Kahit kailan talaga napaka reklamador ng babaing ito. Pero ginagawa naman pagkatapos magreklamo. Hay, nakakamiss.

I'm doing fine. I miss you a thousand times Zyana. My kuya already knows you had facebook.

Pagkasend niya ng message ay may kumatok sa pinto.

"Bukas yan!tugon niya habang hinihintay matapos tumipa si Zyana.

"Kakain na sabi ni Yaya."dungaw ng kuya niya.

"Yeah. Give me five minutes."saad niya.

Ohh, really. I hope he won't send me friend request. Di ko siya iko-confirm.

Halatang may something pa rin si Zyana sa kuya niya.

Ang bitter mo pa kay kuya ah! Di ka pa maka move on.

Tukso niya dito. Nagtipa siya ulit para magpaalam. Mamya na lang niya babasahin ang reply nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He Want Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon