Chapter 6

153 4 1
                                    

Hinayaan niya lang si Luke na isayaw siya sa saliw ng mabagal na sayaw na iyon. Naaamoy niya ang gamit na pabango nito. It's very masculine. She can feel his broad shoulders. His chest against her. And his hands on her waist. Ang init na nagmumula sa mga kamay nito ay nanulay sa mga ugat niya. Capturing her heart. Halos di na siya makahinga. Naramdaman niyang nag-iinit na ang pisngi niya kaya naman ay agad siyang bumitaw. Nagtatakang tiningnan siya ni Luke. Alam niyang sinayang niya ang pagkakataong pwede silang maging okay ni Luke kahit saglit lang. Nag-iba agad ang ekspresyon ni Luke.
"Ikaw na nga itong ginagawan ng pabor ikaw pa itong maarte,"sabi nito sa kanya. Di niya alam kung narinig iyon ng mga kaklase niya na malapit sa kanila. Ang alam lang niya ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya kasi kahit na anong gawin niya di pa din sila magkaayos ni Luke. Lagi na lang mainit ang ulo nito sa kanya. Lagi na lang nitong pinapakita sa kanya na wala siyang kwentang tao. Na kahit kailan never as in never silang magkakaron ng chance na maging okay. Ayon na yon kanina eh. Sinayang niya lang.

Tumalikod na si Luke at hindi niya alam kung saan ito pupunta basta ang alam niya maiiwan siyang mag-isa dito sa prom. Gusto na niyang maiyak. She turn around and find herself being hug by someone. Hindi niya alam kung sino pero parang gumaan ang pakiramdam niya. Mayamaya pa ay nag-angat na siya ng ulo at nakita niya si Lance.

"Don't cry. I don't want to see someone cry,"sabi ni Lance sabay hagod sa likod niya. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam. Inalalayan siya nito patungo sa mesa nila. Nakita niyang malungkot si Leandra. Maaaring nakita nito ang ginawa ng kuya nito sa kanya. 

"I'm sorry, Zyana."hinging paumanhin ni Leandra sa kanya. 

"It's okay. I'm fine. I can be happy without an escort, right,"sabi niya. Kahit alam niyang hindi.

Biglang nag-announce ang speaker kung sino ang Prom Queen. Natahimik ang lahat. Hinintay kung sino ang mapalad na mapipili. Narinig niya ang pangalan niya at biglang nagsigawan ang tao sa paligid niya. Sunud-sunuran lang siya sa pag-alalay ni Lance sa kanya sa stage. Pagdating nila sa stage ay tinanong ng speaker kung asan ang escort ko, nagdahilan na lang si Lance na umuwi na. Dapat ay si Luke din ang Prom King dahil siya ang escort ko. Ganon kasi ang rule sa kanila. Kung sino ang babae na mapipili, yung escort niya ang Prom King. Pero dahil wala si Luke, naghanap ng paraan ang speaker. Si Lance ang in-announce nitong Prom King. 

Nakita niyang tuwang-tuwa si Leandra. Pumalakpak ito at kulang na lang ay magtatalon. Napailing na lang siya sa pagiging down to earth ni Leandra. Kumaway siya dito at ngumiti. Kumaway din ito at umakyat ng stage para magsabit ng sash ni Lance. Ang dating prom Queen ang nagputong ng korona sa kanya. The rest ay sayawan na. 

Natapos ang sayawan na hindi siya natayo sa kinauupuan niya. Nakuntento na lang siya sa panonood sa mga kaklase na nagsasayaw. May mga kaklase siyang lumapit para makisayaw sa kanya pero sadyang umaayaw siya dahil ayaw niyang makipagsayaw. Mayamaya pa ay kailangan niyang magpunta ng cr. Medyo nahihilo na kasi siya sa wine na ginawa na yata niyang juice. Sa hallway papuntang cr ay may nakita siyang naghahalikan na pareha. Bigla siyang nandiri sa mga ito. Kung makahawak sa pwet ang lalaki ay kala mo wala ng bukas. Pero ng mag-angat ng mukha ang lalaki at tumingin sa kanya ay biglang gusto niyang umiyak. 

It was Luke. He was kissing that slutty girl that was her classmate. Bumuka ang bibig niya pero wala siyang maapuhap na salita. Bigla ay nahilo siya at masusuka. Hindi niya napigilan ang suka niya kaya nasukahan niya ang mahaderang babae na nasa harap na niya ngayon. Alam niyang mang-iinggit na naman ito sa kanya. Well, it serves your right. Naisip niya bigla. 

"You bitch!"hiyaw ng babae. Nandidiri itong napatingin sa may bandang dibdib nito na nasukahan niya. Mayamaya pa ay umangat ang kamay nito para sabunutan siya. 

"Stop it, Sandy,"sabi ni Luke. Pinigilan nito ang babae sa akmang pagsabunot sa maayos niya pang buhok. Di tulad nito na halatang fake ang kulot na sumabog na sa mukha nito. Hinila na ni Luke palabas si Sandy. Siguro ay para tulungan itong mag-ayos. 

Pumasok na siya sa cr para umihi at maghilamos. Inayos na rin niya ang sarili dahil alam niyang medyo nawala siya sa poise kanina. Paglabas niya ng cr ay abala siya sa pagtext sa mommy niya. Mamyang madaling araw pa siya makakauwi dahil aasikasuhin niya pa ang mga pictures na pwede niyang ipalathala sa school paper nila. 

Bigla niyang naramdaman na may nakamasid sa kanya kaya agad siyang nag-angat ng tingin. Isang baabe na matangkad at balingkinitan ang katawan ang nakasandal sa dingding at nakaharang ang mahabang biyas nito sa daraanan niya. 

"Excuse me,"sabi niya. Kailangan niya ng makabalik sa table nila para itransfer ang mga pictures sa camera niya sa laptop ng president ng club nila. 

"You are Zyana, right?"walang kaabog-abog na tanong ng babae sa kanya. 

"Yes,"sagot niya kahit naguguluhan man kung bakit siya kilala ng babaeng ito. 

"So, you are the main reason why Luke cancelled our date. Do you know that Luke is in love with me? At pagkakataon na niya sana na i-date ako but he cancelled that date because of you." Hindi siya nakaimik dahil totoo naman iyon. Hindi na niya kailangan sumagot. Silence means yes. 

"You BRAT!"sikmat nito sa kanya. "Do you think you can manipulate everyone around you? Well not me. Kung sa tingin mo okay lang sa akin na nanira ka ng araw ng iba, nagkakamali ka,"bigla itong umayos ng tayo at lumapit sa kanya. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang palad nito sa pisngi niya. 

"I will ruin this night for you,"singhal nito at agad siyang sinabunutan. Di pa nga siya nakakabawi sa pagkakasampal nito sa kanya. Bigla ay parang nagising siya. Ramdam niya ang sakit sa pagkakasabunot sa kanya kaya naman itinulak niya ito. Inabot niya rin ang may kahabaan nitong buhok at agad hinila. Napaaray ito at kinalmot siya. Naramdaman niya ang hapdi sa may braso niya kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahila sa buhok nito. Pero sadyang malakas ang babae. Itinulak siya nito at dinaganan. Pagka dagan sa kanya ay pinagsasampal siya. 

"You silly BRAT! Lalagyan ko ng pasa yang mukha mo ng pumangit ka at hindi magkakagusto sa yo si Luke. Akin lang si Luke!"di pa ito nakuntento at inabot ang buhok niya. Halos maiyak na siya sa hapdi ng pisngi niya at ng anit niya. Iyon ang tagpong naabutan ni Leandra at ni Luke. 

"ANIKA!!!"biglang tumakbo si Luke sa pwesto nila at agad na pinigilan yung babaeng tinawag niyang Anika. Pinalayo ni Luke sa kanya ang babae at agad siyang dinaluhan. Lumapit din kaagad si Leandra sa kanya at tinulungan siyang bumangon. 

"That girl ruin my day, Luke,"sabi ni Anika. "No one ever try to ruin my day."

"You're a psycho!"sikmat ni Luke kay Anika. Bigla naman ay parang pusang natahimik si Anika sa gilid. Binuhat siya ni Luke. Lumapit naman si Anika kay Luke para pigilan ito. "Get away from me!"

Agad siyang dinala ni Luke sa parking lot. Nakita ng mga kaklase niya na buhat siya ni Luke. Sumunod naman agad si Lance sa sasakyan. 

"Lance, dalhin mo sa pinakamalapit na ospital si Zyana. She needs to be medicated. Baka magpasa ang mga sampal sa pisngi niya. I'll handle this."tukoy nito sa babaeng umatake sa kanya. 

Hanggang dito na lang muna readers! :)

Yudzladhy

He Want Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon