Chapter 8

119 4 0
                                    

Moving on is hard. Lalo na kung sa simula pa lang ay alam mong dapat sa una pa lang moving on ang una mong naisip na hakbang. Pero dahil nagtapang tapangan ka, pinili mong masaktan at pikit mata mong minahal ang taong sa una pa lang ay imposible na mahalin ka pabalik.

Nakasakay ako ngayon sa taxi. Ang taxi na maghahatid sa akin sa airport. Oo, pupunta na akong America. Ngayon ang araw ng graduation namin. Pero mas pinili kong wag ng magmartsa. Ni hindi ko na nagawang magpaalam sa ninang ko at kay Leandra. Mula ng mangyari ang incident na yon sa prom ay never ko ng kinausap si Luke even if how many times he asked my mommy about it. Mahigpit na ibinilin ko kay mommy na ayoko ng kausapin si Luke.
Oo na. Ako na ang maarte pero iyon ay dahil naramdaman ko at narealize ko na kailangan ko ng umalis sa lugar na kinatatayuan ko. Napagod na ang mga binti ko sa kakatayo at kakahintay sa taong ayaw naman dumating sa buhay ko. O mas tamang sabihin na ayaw naman pumasok sa buhay ko.

Di na ako nagpahatid sa mommy ko. Malaki na ako at kailangan ko ng masanay na maging independent. She insisted to go with me to the airport but I said no. Susunod na lang si mommy sa America once everything is settled down. Aasikasuhin niya pa kasi ang mga papers ko sa school.

Pagbaba ko ng taxi I look back to the city I'm leaving behind. The city lights were shining like stars. Enchanting party goers to enjoy the night 'til dawn. Hindi ko na experience magparty. I was never a party goer. Siguro dahil school-bahay lang ako. Si Leandra lang ang kasundo ko at siya lang ang lagi kong kasama sa school. Silang dalwa ni Luke. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kailan ba ako masasanay na hindi banggitin o isipin ang pangalan niya? Siguro darating ang time na yon someday. That time were I will no longer feel the same feeling I am feeling right now.

'Ma'am, pila na po kayo don sa entrance."sabi ng gwardiya. Naputol ang pag-iisip ko at agad na tiningnan ang haba ng pila sa pagpasok ng entrance. Napailing na lang ako. Pilipinas nga naman. Hinila ko ang trolley bag ko papunta sa carts at kumuha ng isa para ilagay doon ang mga dala ko. Tinulungan ako ng guard sa paglalagay ng gamit ko.

"Thank you,"pagpapasalamat ko sa guard. Nakapasok naman ako agad sa loob. Mabilis lang naman pala. Pagpasok ko sa loob ay tuloy tuloy na ang proseso. Nakasakay ako ng eroplano ng walang aberya.

Luke's POV

Another day had passed with no bubiwit pestering me. Nakakamiss din pala. Tuwing umaga pagbababa ako ng hagdanan, wala ng bumabati sa akin ng 'good morning' or 'hello' with matching sweet smile on the face. Napabuntung-hininga na lang ako. Dumiretso ako ng kusina para maghanap ng makakain. Nakita ko si Manang Delia na nagluluto sa dirty kitchen. Ngumiti siya sa akin at tinanong ako kung ano ang gusto kong ulam sa tanghalian. Nagkibit balikat na lang ako dahil wala akong ideya. Binuksan ko ang ref at kumuha ng butter at isang loaf ng bread. Dinala ko iyon sa sala at binuksan ang tv. Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagpunta ng gym para sa everyday session ko.

"Hi,"bati sa akin ni Gywnneth. Isa itong daily customer ng kaibigan niya sa gym na iyon. Si Lance ang may ari ng gym. Nong una ay puro lalaki lang ang pwede mag gym dito but since Lance deal with her older sister they became partners. Dalawa na silang namamahala ngayon ng gym na iyon. Their business is running smoothly. Unti unti na iyong nagiging successful. Knowing that they are just beginners. Nasa lahi na siguro ng mga ito ang galing sa pagpapatakbo ng negosyo.

"Hey, very stunning,"he give her the smile she wanted to see. Alam niyang may gusto ito sa kanya kaya naman ay pagbibigyan niya ito. Palay na ang lumalapit sa manok. At isa pa, wala siyang karelasyon ngayon. He was single and everyone knows that. It was been two years since he had his last relationship. And it was with someone he didn't want to talk about. No one knows about the relationship that he went through with that girl. Isang buwan lang yata ang itinagal ng relasyon na iyon. And she had me fooled.

Ngumiti si Gywnneth sa akin ng ubod tamis. Araw araw akong kinakausap nito pero ni hindi ako interesado sa mga topics na pinag-uusapan namin. Masyado kasi itong sosyal. Lahat yata ng pinag-uusapan namin ay tungkol sa fashion shows at events na pinuntahan niya.

"Do you have anything to do on this coming Saturday?"tanong nito habang nagpupunas ng pawis. Aaminin niya na maganda ito at maganda ang hubog ng katawan. Naakit siya, oo. Pero ayaw niya sa ganitong uri ng babae.

"Nothing,"sagot niya habang nailing. Bigla itong napangiti.
"Actually, I want to ask you to be my date."diretsang yaya nito. Naisip niya, wala naman siyang gagawin, bakit di na lang siya sumama.

Tumango siya bilang tugon. Lumaki pa ang mga mata ng dalaga na parang di makapaniwala.

"Really!"tili pa nito na nagpalingon sa lahat ng tao sa gym. "Thank you,"dagdag pa nito na ngayon ay nakahawak na sa braso niya at hinalikan siya sa pisngi at lumingon siya kaya nagkagulatan sila ng maglapat ang labi nila.

Napakagat labi si Gywnneth na may kasamang ngiti. Bago humingi ng paumanhin. "Ooopss! Sorry,"apologetic na sabi nito. Ngumiti lang siya para sabihing it's okay.

At yon ang simula ng araw ng pagiging playboy ni Luke. Ika nga niya 'palay na ang nalapit sa manok.'

Nakita ni Lance ang pagbabagong iyon ni Luke. Simula ng umalis si Zyana patungong America na hindi man lang nagpaalam sa kanila ay kabi-kabila na ang babae ni Luke. Nariyang may magsabay na maghahanap na tatlong babae sa gym. Nagpapang-abot sa sobrang dami. Naalala niya nong umiiyak na lumapit sa kanya si Gywnneth, halos isang linggo itong naka date ni Luke, na kesyo iniiwasan daw siya ni Luke, na iniwan sa ere. Don din siya bilib sa kaibigan. Di ito nanliligaw. Pinapalagay lang ng babae na may something pero sa kaibigan niya ay wala lang. Sa loob ng tatlong taon ay ilang babae na kaya ang nabiktima ni Luke. Di na niya mabilang sa dami at lahat yon ay naging customer niya sa gym. Buti na lang ay di nalulugi yong gym ko dahil sa kagagawan ng maloko kong kaibigan.

ITUTULOY....

He Want Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon