Chapter 3

234 4 0
                                    

Zyana's POV

Maaga siyang nagising para pumasok. Ayaw naman niyang ma late ulit. Naisip niya ang sinabi ng mommy niya sa kanya kagabi. Ayaw man niya ay kailangan niyang umalis ng bansa para samahan ang ama. Kasama man niya ang mommy niya ay hindi pa rin siya magiging masaya sa kadahilanang hindi na ulit mabubuo ang pamilya niya. 

Yeah, her father is a married man now. Masaya man ito sa bagong pamilya nito ngayon, hindi pa rin maiiwasan ang gulo kapag ina na niya ang pinag-uusapan. 

Paano nga ba nagkahiwalay ang mommy niya at ang daddy niya? Pilit man niyang alalahanin ay hindi niya maalala dahil bata pa lang siya nong mga panahong iyon. 

Sumakay na siya sa kotse na maghahatid sa kanya papuntang school. Oo, may kotse ng naghahatid sa kanya. Ayaw na rin naman niyang sumabay kay Luke. Simula ng maramdaman niyang gusto niya ito ay umiwas na siya. 

Naku! Inis pa naman yon sa kanya. Lalo na ngayon na alam na nitong ito ang magiging escort niya. 

-----

Luke's POV

Damn! Hindi ito pwede. Matagal na niyang niyaya si Anika na makipag-date. At sa araw pa mismo ng JS ng kapatid niya at ni Zyana ito pumayag. Anong gagawin niya? Hindi naman kasi pwedeng ayawan niya ang mommy niya dahil magtatampo ito sa kanya. 

Kinuha niya ang cellphone at di-n-ial ang number ni Anika. 

"HI, Anika,"bungad niya sa dalaga. Medyo paos ang boses nito kaya mas lalo siyang naakit. "Do you mind if I move our date to the next day of the supposed date? May nangyari lang kasing changes sa schedule ko. Okay lang ba?"

Matagal bago may sumagot sa kabilang linya. Akala nga niya eh wala na siyang kausap. 

"Okay.. But I think I'll be very busy after.. "sagot nito sa kabilang linya.

"Okay, I'll just find time for us. So sorry Anika."hinging paumanhin niya. 

"It's okay."sabi nito at nagpaalam na sa kanya dahil may gagawin pa daw ito. 

Naku kasalanan talaga to ng bubuwit na yon. Kung hindi dahil sa kanya, matutuloy sana ang matagal na niyang plano. Napakamot na lang siya sa ulo. Dumiretso na siya sa kwarto niya para tingnan kung anong pwede niyang suotin. 

Nang wala siyang makita ay naisipan niyang pumunta ng mall para makabili ng bagong damit. Naku, dagdag sa gastos tong babaing to. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Lance. Magpapasama siya dito sa mall. 

Pagdating sa mall ay kumain na muna siya since wala pa naman si Lance. KAhit kailan talaga lagi iyong late sa usapan. Pumasok siya sa isang restaurant at nag-order sa menu. Five minutes niyang hinintay yung order niya. Nang dumating na ay nagsimula na siyang kumain. Ngunit natigilan siya sa pagsubo dahil sa napansing grupo ng babae na papasok ng restaurant na kinakainan niya. 

Zyana's POV

Pagkatapos ng pangalawang subject niya ay wala na siyang klase dahil nga wala ang tatlo niyang prof. Kaya ng yayain siya ng mga kaklase ay hindi siya nag-atubili. Minsan lang siyang makagala kasama ang mga ito kaya naman naisipan niyang magsaya ngayong araw na ito. Saka ayaw pa niyang umuwi sa bahay nila dahil sobrang aga pa. Alas diyes pa lang ng umaga samantalang ang usual niyang uwian ay alas kwatro ng hapon. Saka wala rin siyang makakasama sa bahay nila dahil nasa trabaho ang mommy niya. 

Pagdating sa mall ay nag- ikot ikot na muna sila. Pumasok sila sa isang shop at naghalungkat ng damit. Buti na lang may dala siyang pera kaya naman nabili niya ang bagay na gusto niya. Pero dahil kung saan saan siya dinala ng mga kaklase niya ay napilitan siyang damihan ang mga binili dahil marami siyang nagustuhan. Saka hindi siya mag-aalalang maubusan ng cash dahil dala niya ang credit card niya. 

Matapos makapamili ng damit at sapatos na sabi na rin ng mga kaklase niya ay para sa JS Prom ay sabay sabay silang nakaramdam ng gutom. 

"Guys,,"sabi ni Rowena. Ang mataba niyang kaklase. "Hindi pa ba kayo nagugutom?"tanong nito na hinimas pa ang tiyan. 

"Ahm, medyo gutom na ako Rowena. Kayo ba?"tanong ko sa iba pa naming kasama. 

"Sige, kumain na tayo. Tutal, alas dose na rin naman."sabi ni Jaja. Isa sa pinakamatangkad na kaklase niya. Isa itong modelo kaya kung makapamili ng damit ay kala mo wala ng bukas. 

"Ay may alam akong masarap kainan."presinta ni Rowena. "Tara, dito tayo."

Pumunta sila sa isang mukhang fancy restaurant. Ang ingay nila pagpasok at nakaagaw pansin pa sila dahil marami sila at nagpalit sila ng damit. Damit na mga pinamili nila. 

Inikot niya ang paningin sa loob ng restaurant at may napansin siyang lalaki na nakatingin sa kanya. 

"Oh sh*t!"nasambit niya na nagpalingon sa mga kasama niya. 

"Bakit?"sabay sabay namang tanong ng mga ito. 

"Andito si Luke."sabi niya at tumungo. 

"Asan?"tanong ni Rowena at inikot din ang paningin sa restaurant. At ng makita ay biglang kinilig na ewan. 

Tapos ay pinili ng mga ito na umupo malapit sa inuupuan ni Luke. Nainis siya dahil pinapahalata ng mga ito na kinikilig ang mga ito kay Luke. Nag-unahan sa pag-upo ang mga kasama niya at ang iniwang upuan ay iyong katalikuran ni Luke. Napailing na lang siya sa ginawa ng mga ito. 

Nag-order na sila at lahat sila halos ay tig tatlo ng order ng food. Mukhang nagutom nga ang mga kasama niya sa kakaikot sa mall. Saktong pagdating ng order nila ng mapansin niyang pumasok sa loob ng restaurant yung kaibigan ni Luke na si Lance. 

Ngumiti ito sa kanya. Tinanguan niya lang ito. Pagtingin niya sa mga kasama niya ay nakatunganga ang mga ito at naghihintay ng kwento. 

"Naku! Mga chismosa. Kain na nga muna tayo,"sabi niya at sinimulan na ang pagsubo. 

Tapos ng kumain si Luke. Ramdam niya dahil nakikipag-usap na lang ito kay Lance. Siya naman ay tahimik lang at nakikinig sa kwentuhan ng mga kaibigan niya. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagtayo ni Luke at ang pagtapik nito sa balikat niya. 

"Mauna na kami, bubuwit,"sabi nito. 

Nanlaki ang mata niya sa pagtawag nito sa kanya ng bubuwit. Hanggang ngayon pala ay yun pa rin ang tawag nito sa kanya. Hindi siya umimik at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. 

O ayan na ang update ko sa HE WANT HER BACK. May nagrequest na kasi ng update kaya ako nag-update. :D Thanks for reading guys.. 

VOTE

COMMENT

Be a FAN kung sino lang naman may gusto,. :) 

Hanggang sa muli mga kaibigan.. :) 

YUDZ______

Sorry sa typo.. 

He Want Her BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon