Sealed it with a kiss

967 51 9
                                    


Narda pov



"Damn Mondays" inis kong sabi habang pilit na kinakapa ang cellphone ko upang patayin ang alarm. Nang ito ay aking mahanap agad ko naman pinatay ang alarm at nakitang 5:30 am na ng umaga.




Kailangan ko nang maghanda dahil maaga pa ang pasok ko sa work. Isa akong EMT at sa company ni Regina ako nag wo-work. Sya rin ang nag insist na huwag ko sya tawagin na Ma'am or kahit anong formalities dahil nga Malapit kami sa isa't isa or 'f' word para sa kanya. Yep! 'Friend' hanggang friend lang talaga ako para sa kanya at araw araw nya iyon pinaparamdam sa akin.





Hayst! Nakakatamad bumangon lalo na't alam ko na papasok ako sa work at sasalubong sa akin ang ngiti ng babaeng minamahal ko. Don't get me wrong masaya akong makita syang masaya pero yung hindi ako ang dahilan Aba! Malamang masaket konting konti na lang talaga malapit ko nang ipaligpit 'tong si Brian na laging kausap ni Regina.




Simula kasi noong dumating si Brian lagi kong nakikitang nakangiti si Regina at sa tuwing papasok ako sa office nya lagi syang nakatulala habang nakangiti na parang ewan. Sa sobrang laki ng ngiti nya ako yung napapagod para sa pisngi nya. Kaya naman automatic na sumasama ang mood ko tuwing bumibisita si Brian sa office nya lalo na sa tuwing tinitignan nya ako with smirk jusko! Napakayabang tsk kung hindi ka lang talaga mahal ng babaeng pinapangarap ko baka matagal na kitang nasaktan.


Sa totoo lang hindi naman ako mapanakit na tao pero dahil sa lalaking to gusto ko mag try ng new things na hindi ko pa nagagawa.


Sa sobrang inis ko kay Brian at pag-iisip sa mga nangyari ngayon month hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng company. Napabuntong hininga na lang ako dahil kabisado ko na kung ano ang mangyayari buong araw, syempre hindi mawawala si Brian.



Papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. "Narda!" Napahinto ako at hinanap kung sino iyon, bigla naman sumakit yung tyan ko nang makitang si Noah lang pala. Help! May allergy yata ako sa mga lalaki huhu

Tumakbo naman papalit sa akin si Noah

"Hi! Uhm, Good morning, Narda" hingal nitong pagbati sa akin



"Easy lang pre nahabol mo nga si Narda pero baka yung hangin naman ang hindi mo mahabol mahirapan ka pa huminga" tuyaw ni Brian na hindi ko namalayan dumating na pala sa kompanya.


"Hala sya mas maaga pang dumating kesa sa may ari" pabulong kong sabi na sinabayan rin ng pag irap ng aking mga mata.



Yes, po! buong pagkatao ko at katawan ko ay ayaw sa kanya. Ewan ko ba, Nabibigla rin naman ako sa mga pinaggagagawa ng katawan ko sa tuwing nakikita ko si Brian. Minsan nga nabigla ako nang makita ko nakataas na pala yung middle finger ko habang sya ay nakatalikod.

"HELLOOO! NARDA PAYAG KA BA?" luh, nandito pa rin pala 'tong lalaking to


"Uhm, sorry ano yun?" Tanong ko naman sa kanya. "I said kung g ka ba para mamaya?"

"Para saan?" Kumunot naman ang noo ko dahil kung ano ano pinagsasabi nito na hindi ko maintindihan

"Sa date natin, hindi ka ba free?" Luh, dati yata tong baliw. Nagyaya hindi naman sya nanliligaw




"Ahh, sige sige free naman ako mamaya. What time ba para makahanda ako?" Pumayag na rin ako kasi alam kong wala naman akong gagawin mamaya at siguradong wala ako sa mood pag-uwi ko. Mabuti na rin to para makapagisip-isip ako sa mga pinaggagagawa ko sa buhay. At sana kahit isang gabi lang sumaya ako.




DarLentina One Shots StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon