Speak or Forever hold your tears

217 4 6
                                    


Jane Florence Dion Narvaez

A.Y 2022-2023

June 2022

Ilang kanta na ang inalay sayo
Tula na pamagat ay pangalan mo
Tatlong liham sa ilalim ng lamesa mo
Nalaman mo kaya ang pag ibig kong ito

Unang araw ngayon ng pasukan sobrang saya ko sapagkat isang taon na lang mararanasan ko na ang college life. Excited na ako dahil konting kembot na lang makakatuntong na ako sa pinapangarap kong university, ang sarap siguro mastress bilang college student kapag lahat ng room may aircon. Hindi lang yan excited din ako kasi nasa huling taon na ako ng Senior high ngayon at ramdam ko ang pagiging superior namin sapagkat kami na ang nakatatanda dito sa school. Kitang kita ko sa mga mata ng mga junior students ang pagkamangha lalo na't naiiba rin ang uniform naming mga senior high sa kanila. Kaya taas noo akong naglalakad at parang isang karangalan ang makatungtong sa ganitong baitang.

Hindi ako makapaniwala na huling taon ko na dito parang kahapon lang lapis pa ang ginagamit ko. 6:40 am ako pumasok sa school 5 minutes bago mag flag ceremony at mag exercise. Mahigpit ako sa oras kaya hindi ako nalelate pero ayaw ko rin naman masyadong maaga kaya 5 minutes before flag ceremony nandito na ako. Nag diretso na rin ako sa covered court at hindi na hinanap sa room mga kaibigan ko dahil alam kong nanduon na sila.

Ganyan talaga pag mga morning ferson.

Nakita ko naman ang mga kaibigan ko at classmates ko na naka line na. Hindi pa ako nakakalapit ng biglang tumakbo si Julia papunta sa direksyon ko at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Kaibigan ko sya mula ng noong grade 7 mas kilala bilang ang dakilang rich kid ng grade 7 section Barreto. Sya lang kasi ang bukod tanging rich kid sa section B. Hindi ko rin alam kung bakit section B ako pero ang hinala ko galit pa rin sa akin ang adviser ko noong grade 6 dahil sa pag suka ko sa room.

Tsk nilinis ko rin naman yon kahit na may lagnat ako sadyang ang arte lang nya.

Nakalapit na rin kami sa apat pa naming kaibigan na sina Mara Jade Wilson, Ding De leon, Joshua Torres, at Liza Hanley Soberano. Pagkatapos naman namin mag yakapan ay saktong nag simula na rin ang flag ceremony. Hindi naman mawawala ang morning exercise namin na pagsasayaw sa kantang Girl in the Mirror ni Sophia Grace. Natapos naman ito ng may mga ngiti ang mga BATA at pawis na pawis. Napa-irap na lang ako dahil umay na umay na akong pakinggan ang kanta. Noong una na-enjoy ko naman ang steps pero kalaunan ay pakiramdam ko para kaming baliw na sumasayaw lalo na't araw-araw naming ginagawa.

Hayss.. Magsisimula na naman ang klase na amoy araw ang mga students hehehe ewws.

Nag k-kwentuhan kaming magkakaibigan papunta sa room namin ibinahagi nila ang mga pinaggagawa nila noong bakasyon. Hindi na kami nakipagsiksikan sa pintuan at hinintay na lamang ang lahat na makapasok nasa loob na rin naman mga bag ng mga kaibigan ko at sure ako na may upuan na ako katabi nila. Nang makapasok na ang lahat ay pumasok na rin kami ako ang huling papasok dahil nasa hulihan kami ni Julia at nagchichika pa rin sya patungkol sa bakasyon nila sa L.A.


Kitang kita ko ang mga classmates ko na nakatayo pa rin nang biglang nahagip ng aking mata ang bagong student. Kahit na nakatalikod ito alam kong bago lang sya dito sapagkat hindi ko kilala at hindi pamilyar ang physique nito sa akin. Nakapasok na kami nang biglang lumingon ito sa likuran dahilan upang makita ko ang natatangi nyang kagandahan.

DarLentina One Shots StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon