Chapter 9

235 4 0
                                    

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inasahan. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang naramdaman ko. Ngunit may kaunting disappointment dahil biro lang pala iyon. Pwede naman iba ang rason niya bakit iyong biro pa ang binanggit niya.Hmmp!

"Ang bilis mo naman maglakad," reklamo niya.

"Nagmamadali ako, e. Bakit ba!?"

Humarap siya sa akin at palalikod na lumakad. Pinisil niya ang kanang pisngi ko. "Huwag mo akong tarayan. Naging cute ka lalo."

Imbis na mainis ay pinamulahan ako ng mukha. Yumuko ako at nilampasan siya upang itago ang aking namumula na pisngi. Hindi talaga ito pumalya na pakiligin ako kahit sa maliit na dahilan. Hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ako. Nagmamadali talaga ako dahil gutom na ako. Pero dahil sumama itong gwapong asungot na'to ay matagalan ako marating sa bahay nito.

"Hanggang dito kana lang," wika ko ng makarating kami sa kanto paliko sa aming barangay.

Hindi niya iyon pinansin at nilampasan pa ako. Naiinis na sinundan ko siya. Napatigil siya ng humarang ako sa dinaraanan niya. Kengenang ngiti na 'yan. Parang may mahika na para ako ay manlambot at manghina. Seryoso ko siyang tiningnan, hindi ako ma akit sa ngiti na 'yan. Hmmp!

"Hanggang dito ka lang, please."

Gustuhin ko man na ihatid niya ako ay hindi pwede. Pagod siya at malayo pa ang amin. Panigurado pagbalik niya ay madilim na ang daan, mag-isa pa naman siya. Baka pagalitan pa ito ng mama niya.

"Hindi mo naman ako kailangan ihatid may kasama naman ako. At tsaka pagod kana. Umuwi ka na at magpahinga," pangumbinsi ko.

" Baka may sasabay sayo sa unahan kaya ayaw mong pumayag na ihatid kita, e. "

" Wala a, " tanggi ko kaagad dahil wala naman talaga. "Meron pala, " hindi naka ligtas sa aking paningin ang pagbago ng reaksyon niya. "Sina Analyn," sabi ko agad.

"Okay."

"Wala naman kasi talaga," ulit ko pa.

"Mmmm," tumango siya at blangkong nakatingin sa akin.

Hindi ko mabasa kung anong emosyon ang nakikita ko sa kanyang mata. Hindi naman malabo na hindi niya malaman ang tungkol sa amin ni Jayvee. Baka ito ang nais niyang iparating dahil iisang daan lang kami ni Jayvee. Hindi naman siguro. Asyumera ko naman.

"Sige. A-ano... Uuna na ako," paalam ko ng hindi na siya muling nagsalita pa. Tumango lang siya bilang sagot. Nasaktan ang puso ko pero slight lang.

Mabigat ang  loob ko na tumalikod at umalis palayo sa kanya. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko iyon ginawa. Pwede pa naman siguro bawiin. Paglingon ko ay siya ring pagtalikod niya at lumakad pabalik. Hindi ko naituloy ang dapat kong sabihin. Gusto kong sabunutan ang  sarili, gusto naman pala pa ayaw pa at ngayon magsisi. Ang gulo mo self. Naglakad akong muli, ngayon ako nalang mag-isa. Malayo na sila Analyn at iba ko pang kasama ngunit natatanaw ko sila. Binilisan ko ang aking lakad dahil na gutom na ako kanina pa.

Nasa bukana na ako ng aming barangay ng makita ko ang babae na siyang dahilan ng pagkasira nang aming pamilya. Tumatawa ito habang nagkwentuhan sila ng kanyang kasama. Ayoko man na sisihin siya pero hindi ko magawa dahil pareho silang may kasalanan ni papa. Ang hindi ko matanggap, bakit si papa umalis at iniwan kami habang siya ay nandito parin kasama ang kanyang pamilya? Ang unfair lang, kasi pareho naman sila may ginawang kasalanan ni papa pero bakit kami lang ang nagdusa? Bakit sila ng pamilya niya buo parin? At nagawa pa niyang tumawa kahit may pamilya siyang sinira.

May asawa at pamilya na siya ganon din si papa. Ano ang pumasok sa isip nila at ginawa ang bagay na ikasira ng kanilang mga pamilya? Kung saan matanda na sila. Kung saan may mga anak na. Doon pa nila naisip na sumiping sa iba at hindi inisip kung ano ang kahinatnan ng kababuyan na ginawa nila.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si mama kasama sina auntie, nag-uusap. Nanikip ang dibdib ko at hindi ko napigilan ang pagpatak ng  luha ko habang nakatingin sa kanya. Ang masayahin kong ina ngayon ay hindi na. Hindi ko na rin ito nakitang ngumiti at tumawa. Kung ngumiti man ay pilit lang ito hindi katulad dati. Ang laki narin ng pinagbago ng katawan niya. Payat na ito at halata ang stress, emosyonal at pisikal. Kaya ginawa ko ang lahat upang hindi makadagdag sa kanyang iniisip na problema.

Na alimpungatan ako ng marinig ang isang hikbi. Hikbi ni mama na ramdam ko ang sakit. Gabi-gabi umiiyak si mama ayaw niyang ipakita sa amin na mahina siya. Kahit ganito ang nangyari ay hindi sumuko si mama, hindi nagreklamo kahit alam kong pagod na siya sa pagsalo ng responsibilidad na iniwan ni papa. Minsan ayoko siyang iwan dahil iiyak lang siya. Maalala lang niya ang kasalanang ginawa ni papa. Pero ito lang ang kanyang paraan para mailabas ang hinanakit na nararamdaman niya dahil hindi niya iyon mailabas kapag nariyan kami sa harap niya.

"Ma, ang lamig," usal ko at sumiksik sa kanya. Lumingon siya sa aking gawi at kinumutan ako ng kumot na gamit niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Iba man ang dinahilan ko upang makayakap sa kanya ngunit ito ang paraan ko upang iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa. Gumanti siya ng yakap sa akin, yakap ng isang ina na magparamdam sayo na ligtas ka.

Walang sino man sa pamilya namin ang nagtangka na pag-usapan o banggitin man lang ang pag-alis ni papa alang-alang kay mama. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit umalis noon si papa, nagtanong ako kay mama at ang sagot niya ay nagbakasyon sa Bukidnon si papa.

Hanggang sa nakarinig ako ng tsismis sa kababuyang ginawa ni papa. Nagulat ako. Hindi ako naniwala dahil alam ko hindi iyon magagawa ni papa. Ngunit nang marinig ko iyon mismo sa mga kapatid ko ay nanlumo ako. Subrang na disappoint ako kay papa pero lamang ang pagmamahal ko sa kanya. Pero noong nakita ko si mama na umiiyak ay napalitan iyon ng galit at pagkamuhi sa kanya.

Hindi ko matandaan kung ilang minuto ang pag-iyak ni mama, nagising na lang ako na umaga na pala. Nakita ko si mama na naghahanda ng agahan namin. Mugto ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak kagabi. Hindi ko na iyon pinansin at umupo sa harap ng hapag kainan.

"Maayos na ba iyang kamay mo?" tanong nito.

'𝘈𝘬𝘰  𝘥𝘢𝘱𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘺𝘰, 𝘮𝘢, 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘬𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢. 𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘬𝘰 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢 𝘰𝘬𝘢𝘺, 𝘮𝘢.' Nais ko sanang isatinig .

"Opo. Nanibago lang kahapon. Matagal na kasi ako hindi nakalaro."

"Talian mo ng panyo kapag maglaro ka mamaya para hindi 'yan ma maga, " tumango ako bilang sagot dahil kumakain ako. "Nilabhan ko ang panyo na ginamit mo pangtali sa kamay mo kahapon, tuyo na siguro iyon."

Nabulunan ako ng banggitin ni mama ang panyo. Ramdam ko na namula ang pisngi ko ng maalala ko ang pagtali ni Kj ng panyo sa kamay ko kahapon. Matapos kumain ay naligo na ako . Pag-alis ko ng bahay ay wala si mama. Sa bukirin na siguro iyon. Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang nagyari kagabi.

"Malampasan rin natin ito, ma. Darating ang araw na maghilom rin ang sugat sa puso mo, sa buong pagkatao mo dahil sa ginawa ni papa."
mahinang usal ko sa kawalan.

Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon