Mahigit isang taon akong naghintay sa kanya kahit wala siyang paramdam sa akin. Naghintay parin ako tapos ito ang balitang matanggap ko? Ako Ex-girlfriend niya? Tapos yong tumawag sa akin ay ang girlfriend niya. Tangina naman! Ang lupet mo Ken. Sobra!
Nagpalit kaagad ako ng number pagkatapos kong patayan ng tawag yong babaeng nagpakilala na girlfriend ni Kenneth. Pota! Ang sakit. Naghintay ako. Umasa ako na baka isang araw bumalik siya sa akin at maging maayos na ang lahat pero hindi ko naman akalain na may tatawag sa akin at magpakilala na girlfriend niya. Tangina! Inaasahan ko naman na mayroon siyang ibang girlfriend pero pota ang sakit lang na kailangan niya pang ibigay sa babae na yon ang number ko.
Para ano? Para kompermahin na break na kami? Gago siya. May pangako pa siyang nalalaman tapos ang ending ipangalandakan niya sa bagong girlfriend niya na hiwalay na kami. Ni hindi nga siya tumawag para makipaghiwalay sa akin e. Ginost pa nga ako .
Ilang taon na naman ba ang hintayin ko para bumalik siya akin? Lagi na lang bang ganito? Lagi nalang ba akong maghihintay sa kanya? Pesteng puso naman to o. Sinaktan na nga pero siya parin ang tinitibok at inaasam. Kailan ka ba mapapagod, kapag durog na durog kana?
"Ate Ri, ang ulan sunog na."
"Ay! Pusang gala. Santisima. Jusko po."
Taranta na usal ko at pinatay ang kalan. Santisima hotdog na nga lang ang niluto sunog pa. Kung saan-saan kasi lumilipad ang isip.
Haist! Ang sakit sa damdamim. Kailan pa ba ito mawala.
________
2 years passed.
Im lying in my bed. Scrolling my cellphone. And reminiscing the past. Dalawang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa parin sa aking isipan noong panahon na umalis siya para magtrabaho. Noong panahon na namiss ko siya. Noong panahon na para na akong tanga sa kakahintay kung kailan siya muling magparamdam sakin. Well, hanggang ngayon parin naman. Hanggang ngayon umaasa parin ako.
"Shit! Baka may facebook siya. Wait. Try ko nga isearch ang pangalan niya."
'Bakit ngayon ko lang to na isip? '
Nanginginig ang kamay ko habang tinitipa ang pangalan niya. Bakit kinakabahan ako? Napabangon ako ng makita ko ang pangalan niya. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Muntik na akong tumili ng malaman kong online siya. Tiningnan ko ang facebook niya.
"Sana all private ang account."
Imbes na i-stalk ko ang account niya nag message nalang ako sa kanya.
"Bawal mag cellphone habang may klase." mensahe ko.
Ka kasend ko palang tapos typing na agad siya. Sana all mabilis mag reply.
"Hehe. Wala kaming pasok."
Ah ok. Napahiya ako.
Hindi na ako nag reply. Umurong ang kamay ko na mag tipa ng mensahe. Bakit guguluhin ko pa ang isang taong nananahimik. Bumuntong-hininga ako at patalon na bumaba sa kama mabuti pa at kumain na lang. Lalabas na sana ako ng kwarto ng muling tumunog ang cellphone ko.
"Miss na kita bhe."
Nag unahang pumatak ang mga luha ko sa mensahe niya.
"Miss na miss din kita. Subra." bulong ko at tahimik na umiiyak dahil sa tuwa.
Kahit ilang beses niya akong sinaktan, lokohin at paasahin, mahal ko parin siya. Hindi parin nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero isa ito sa mga rason kung bakit lalo akong nahulog sa kanya. Na sa tuwing saktan at iwan niya ako ay mas lalo ko lang siyang minamahal at ninanais na mapasaakin ulit siya. I hate myself for being this. Kulang nalang manlimos ako ng pagmamahal at atensyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED)
General FictionAng palagi kong sinasabi sa aking sarili, kapag ako umibig ayoko sa lalaking babaero, sa lalaking hindi makontento. Ngunit ang mga sinabi ko ay hindi ko napanindigan when Kenneth Jhon Jabilona the ultimate playboy in our campus confess his feeling's...