Nanatili akong naka-upo sa gilid ng daan pagkatapos naming mag-usap, si Lian ay bumalik sa kanila ni Mabel. Lalo akong nanghina, subrang bigat sa loob na pati si Lian ay sinukuan ako. Pero ayos lang tama rin naman ang ginawa niya. May gusto ako sa kanya pero hindi kasing lalim na katulad ng pagkagusto ko kay Kenneth.
Huminga ako ng malalim para maibsan ang bigat ng loob ko. Nawalan na ako ng gana na umuwi, ngunit ng makita ko si Kenneth kasama si Adelah ay agad akong napatayo at nagmadaling bumalik sa kanila ni Mabel.
Hindi ako pinansin ni Mabel pagkarating ko. Pati si Lian ay dumistansya rin pinanindigan ang kanyang sinabi sa akin kanina. Kahit mga kaibigan nila kahit sulyap ay hindi ako binigyan. Parang hindi nila ako nakikita kahit nandito ako sa kanilang harapan. Nahiya ako, umalis ako dahil hindi naman ako parte ng kanilang grupo.
Pait akong ngumiti pagkapasok ko ng kubo kung saan nag-usap kami ni Kenneth kanina. Nakita ko ang kwentas na tinapon niya. Sira na ito. Silver siya na customised infinity name necklace. KJ at IYA ang nakalagay, hinaplos ko ang pendant at isa-isang pumatak ang luha ko hanggang sa napahikbi na.
Bakit pinaramdam niya pa sa akin na espesyal ako? Na mahalaga akong tao sa kanya, na mahal ako kung ibang babae naman pala ang gusto? Bakit kailangan niya pa akong sanayin sa lahat ng bagay pagkatapos ay iiwan lang din. Ang hirap niyang intindihin. Ang hirap niyang basahin. Ang masakit pa nito hindi man lang sinabi sa akin ng mga pinsan ko na ang babaeng gusto ni Kenneth ay si Adelah pala ang babaeng pinagselosan ko. Ang masaklap ex-girlfriend pala niya, kaya pala ganoon nalang ang sweetness nilang dalawa kapag magkasama sila. Ang hindi ko lang maintindihan bakit kailangan pa ako gamitin ni Kenneth.
Isinilid ko sa aking bag ang kwentas at nagpasyahang umuwi nalang. Wala rin naman akong gagawin dito. Simula bukas ay sem-break na namin. Isang linggo na walang pasok at isang linggo na hindi ko makikita si Kenneth. I will missed him.
________
Hindi na kami nag-usap ni Kenneth simula nung insidenteng yun. Wala rin akong lakas na loob para kausapin pa siya. Nabalitaan ko na naging sila ulit ni Adelah. Kahit masakit sa akin ang ginawa niya, masaya ako para sa kanya dahil nasa kanya ulit ang babaeng mahal niya.
"Huminto daw ng pag-aaral si Kenneth. Alam niyo ba kung ano ang rason niya?" rinig kong tanong ni Analyn.
" Si Homer tanungin mo classmate sila e," sagot ni Mabel.
" Bakit ako? Si Fahrhiya tanungin niyo siya ang girlfriend e," sagot ni Homer at bumaling ang tingin sa akin.
Hindi niya siguro alam na wala na kami ng gago niyang kaibigan. Kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang rason niya bakit siya huminto kung saan malapit na mag end ang school year.
Bakit siya huminto, dahil ba sa akin? Pero imposible naman baka dahil kay Adelah? Ewan ko, hindi ko alam, walang nakaka-alam kahit sina Homer na kaibigan niya ay walang alam. Hindi rin ma contact ang number niya.Noong naghiwalay kaming dalawa doon ko nalaman na hindi lang pala si Adelah ang karibal ko, marami pala. Isa na doon si Edzel na naging kaibigan ko. Nakakatawa no, yung naging karibal ko kay Kenneth naging kaibigan ko na.
"Ano na naman ang binabalak niyong dalawa?" nakapamaywang na tanong ko kina Edzel at Mae.
Founding Anniversary ngayon at may palabas kami dito sa school, itong dalawa kong kasama panay hila sa akin hindi ko alam kung saan kami pupunta tapos ang ending sa tindahan lang pala dito sa harap ng gate 2 ang punta nila. Sa pagka-alam ko kamag-anak ni Lian ang may-ari ng tindahan na'to at kakilala rin ni Edzel.
"Samahan mo ako, Ri, mag cr ako sa loob," saad ni Edzel at hinila ako sa loob ng bahay.
Nagulat ako ng makita ko si Lian na naka-upo sa ratan na upuan. Nakayuko at nakatukod ang dalawang siko sa kanyang hita. Babalik sana ako ngunit nakasarado na ang pinto wala na rin si Edzel at kami nalang ni Lian ang nandito sa loob. Dumadagundong sa kaba ang puso ko, pinipilit kong buksan ang pintuan ngunit naka lock ito. Traydor ka Edzel!
"Ri..."
" Ano na namang pakana ito, Lian! "
Nanatili akong nakatalikod sa kanya, hawak ko parin ang door knob nagbabakasali na mabuksan ko ito.
"Maupo ka. Mag-usap tayo," mahinahon na saad niya.
"Ayoko! Palabasin mo ako dito!"
"Lian, sa likod ka na lang dumaan ni-lock ko ang pinto may pupuntahan ako."
Laglag ang balikat ko sa narinig sa sinabi ng may-ari nitong bahay. Kasalanan mo 'to Edzel! I had no choice but to sit next to him. Nakatalikod ako sa kanya. Dinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga.
"Ano ba ang gusto mo at dinamay mo pa si Edzel?" mariin na tanong ko, potek bakit ba ako kinakabahan?
" Isa lang naman ang gusto ko simula pa noong una, Ri... Ang maging akin ka. Ang gustuhin mo rin ako kung paano mo siya nagustuhan noong una. "
Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot, nakayuko lang ako na nakatalikod sa kanya.
" Naririnig mo ba yung kanta? " biglang tanong niya.
'𝘠𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘤𝘰𝘶𝘳𝘴𝘦. 𝘛𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘢 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘣𝘳𝘦𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘰𝘯𝘨.' sagot ko sa tanong niya sa aking isipan.
"Ako na lang gustuhin mo, Ri... promise I'll do my best to make you happy. I will not make you feel that you are alone. Gagawin ko ang lahat huwag mo lang maramdaman na may kulang sayo. Gagawin ko ang lahat para masabi mo na karapat-dapat ako para sayo. Ako na lang, Ri." He pleaded.
" Sana nga ganoon lang iyon kadali, Lian. Alam ko bata pa ako, hilaw pa ako pagdating sa usapang pag-ibig pero alam mo ba kung ano ang sinasabi nito?" turo ko sa aking puso. "Si Kenneth parin ang gusto ko, pero ang sinisigaw nito," tukoy ko sa aking isip," pagbigyan kita sa nais mo pero natatakot ako na sundin ito. Natatakot ako na baka sa ikalawang pagkakataon ay masaktan na naman ako. Na trauma na ako sa ginawa ng pinsan mo. Ayoko ng maulit iyon dahil sa iyo. "
BINABASA MO ANG
Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED)
General FictionAng palagi kong sinasabi sa aking sarili, kapag ako umibig ayoko sa lalaking babaero, sa lalaking hindi makontento. Ngunit ang mga sinabi ko ay hindi ko napanindigan when Kenneth Jhon Jabilona the ultimate playboy in our campus confess his feeling's...