Doon lang ako nakaramdam ng hiya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat. I was about to unwrap his hand around my waist pero natigilan ako nang yakapin niya ako at pakalmahin. Imbis na kumalma ay lalo akong na iyak. Ngayon ko lang naranasan na may handang dumamay sa akin sa oras na ako ay nangangailangan ng masasandalan.
Hindi ako gumanti ng yakap sa kanya. Nakasandal lang ang aking noo sa kanyang dibdib habang yakap niya ako. Pakiramdam ko ligtas ako sa pamamagitan ng kanyang yakap.
"Basta lagi mong tandaan, nandito lang ako kapag kailangan mo ng maka-usap," wika nito habang hinahaplos ng marahan ang aking buhok.
Tumango ako bilang sagot at kumalas sa yakap niya. Inayos ko ang aking sarili at muling naglakad. Masyado naman yata akong ma drama ngayong araw.
" Huwag mong isipin na mag iba ang tingin ko sayo dahil lang sa sinabi mo sa akin, hindi mangyari 'yon. Huwag kang mahiya na mag sabi sa akin ng mga problema mo, kasi hindi mo lang ako boyfriend, best friend mo rin ako na anumang oras ay handa kang damayan at samahan sa problema na kinakaharap mo."
I can't help but to smile for what he said. Isa lang ang masasabi ko.. ang swerte ko sa kanya.
" Thank you."
He is a caring type of boyfriend, kaya lang hindi siya marunong mag suyo sa isang tulad ko na malakas ang tuyo.
"Okay ka na ba?"
Tumango ako, "Ahm. Okay na ako. Salamat sa paghatid."
Inayos niya ang hibla ng buhok ko na naka tabon sa aking mukha. "Text mo ako o di kaya ay tawagan kapag may kailangan ka o kahit wala kang kailangan, sasagot ako. "
" Opo. Sige na bumalik ka na at baka maabutan ka ng dilim sa daan. "
Nabigla ako nang yakapin niya ako. This time, I hug him back. Katamtamang yakap lang para naman hindi niya maramdaman na gusto ko ang yakap niya.
" Hindi pa nga ako umalis pero namimiss na agad kita, " wika nito sa malungkot na tono.
" Tatawag ako, promise," tumingala ako sa kanyang mukha habang niyayakap ko siya.
Kapwa kaming na bigla nang maglapat ang tungki ng ilong naming dalawa. Natulala ako. Pakiramdam ko biglang tumigil saglit ang oras at subrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kakapusin ako ng hininga. Nang makabawi sa pagkabigla ay umiwas ako ng tingin at bumitaw ng yakap sa kanya. Aatras sana ako upang bigyan ng distansya ang isa't isa ngunit humigpit ang kanyang yakap sa aking beywang. Naiilang ako sa aming posisyon. Bahagya akong nakaliyad at naka suporta ang aking dalawang kamay sa kanyang balikat upang hindi mag tama ang ilong namin.
"Kapag pwede na, ako mismo ang magdala ng sarili ko sa bahay niyo at magpakilala sa pamilya mo na ako ang boyfriend mo."
"Ken..."
"Pwede ba kitang halikan?"
Nakatulala lang akong naka-tingin sa kanya, pinoproseso ang huling sinabi niya. Hindi pa naka buka ang aking bibig para sumagot ay agad niya akong hinalikan ng mabilis sa labi. Ramdam kong umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha at may kung anong kiliti sa aking tiyan na hindi ko matukoy. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
"Bhe...."
"Ha?"
Nahimasmasan ako mula sa pagkatulala ng kumalas siya ng yakap at hawakan ang dalawang kamay ko.
"Galit ka ba? Sorry... Sorry kung padalos-dalos ako. Bhe sorry," nataranta sa sabi niya.
" Hindi... Ano. Ahm okay lang hindi ako galit."
Shit ka self. Baka isipin niya nagustuhan mo 'yong halik. Bobo mo naman self.
"Sige na, bumalik ka na at gabihin ka sa daan."
" Sorry," nasa tono nito ang pagsisi. Wala ng hiya-hiya niyakap ko siya.
"Hindi ako galit, nagulat lang ako," tumingin ako sa kanya at ngumiti. " Umuwi ka na. Tatawagan kita mamaya."
"Sorry..."
"Ang kulit mo naman e. Hindi nga kasi ako galit," natatawa na wika ko dahil halatang hindi siya kumbinsido. "Sige na, bumalik ka na."
Tumango siya. "Balik na ako."
"Ingat ka."
Humalik pa siya sa aking noo at kumaway. I waved him back and mouthed thank you. Nang maka-alis siya ay naglakad na rin ako.
Napahawak ako sa aking labi. Oh my god, I can't believe that he kissed me. That was my first kiss. He is my first kiss. Kyahhhh! Para akong nakalutang sa ulap sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi ko namalayan na naghihintay pala sa unahan sila Archie at Homer.
"Ang tagal mo," reklamo agad ni Homer ng makalapit ako. "Nangalay na ang paa ko sa pagtayo at uminit na ang puwet ko sa pag upo ngayon ka lang dumating."
" Sino ba ang nang blackmail para magka-usap kami? Ha? At saka mabilis lang talaga kayo mag lakad kaya na una kayong nakarating."
" Nag break kayo?" Sabat ni Archie.
" Break mo mukha mo!" singhal ko at kinuha ang libro ko sa kanila at nagpati-unang lumakad.
"Kaya hindi ka tumatangkad e," si Homer.
Sinamaan ko sila ng tingin at nagmadali. Ayoko sirain ang magandang mood ko dahil lang sa kanilang dalawa. Muli akong napangiti nang maalala ang nangyari. Ngunit agad ko ring binawi ng maalala ko ang sinabi ni Analyn. Sana hindi niya malaman, hindi naman siguro ganon ka proud si Kenneth na ikwento niya kay Analyn ang paghalik niya sa akin.
"Kanina pa dumating sila Analyn, bakit ngayon ka lang? " bungad na tanong sa akin ni kuya Wayne. As usual naglalaro na naman ng billiard.
"E, sa na huli ako e. Bakit ba?" Pabalang na sagot ko at dumiritso sa loob ng bahay.
"Kapag nalaman ko na may boyfriend ka bugbogin ko 'yon."
"Edi bugbogin mo!"
Mabait si kuya pero hindi malabo na hindi niya bugbogin si Kenneth kapag nalaman niya na may boyfriend ako. Una, dahil bata pa ako at dapat pag-aaral ang uunahin ko.
" Wala naman sigurong magtangka na manliligaw sayo dahil pangit ka."
" Kung alam mo lang kuya", mahinang usal ko baka marinig ako at isumbong pa ako kina mama.
Hinayaan ko na lang siya na tumalak. Basta ako kinikilig parin hanggang ngayon. Tumunog ang aking cellphone, patalon akong sumampa sa kama at binuksan kung sino ang nag text.
Tumambol ng malakas ang dibdib ko at para akong sinilihan sa kina-upuan ko ng makita na galing kay Kenneth ang mensahe.
:Miss you.
:Text mo ako kapag hindi ka busy.
:Sana hindi ka galit dahil sa pag halik ko sayo kanina. Pero maintindihan ko kung magalit ka akin. Sorry bhe.
: Sorry talaga bhe. Hindi ko sinasadya.
:Hindi na po mauulit, basta huwag ka lang magalit sa akin.Sunod-sunod na mensahe niya. I was about to call him but I remember nasa labas pala si kuya Wayne baka marinig ako.
:Hindi ako galit. Promise.
: Huwag ka ng mag overthink kung galit ba ako. Nasabi ko na sayo kanina na hindi ako galit at sasabihin ko ulit HINDI AKO GALIT, caps lock na yan para dama mo.
:Biro lang. Hindi talaga ako galit bhe, promise.
:I miss you too.
:Ingat ka. Text mo ako kapag nakarating ka na sa bahay niyo.Reply ko sa kanya. Saktong tapos na ako mag bihis ng mag reply siya.
:MAHAL KITA. TANDAAN MO 'YAN. Caps lock yan para dama mo.
Impit akong sumigaw sa kanyang mensahe.
For the first time he said I love you to me.
BINABASA MO ANG
Madly In Love With Mr. Playboy(COMPLETED)
General FictionAng palagi kong sinasabi sa aking sarili, kapag ako umibig ayoko sa lalaking babaero, sa lalaking hindi makontento. Ngunit ang mga sinabi ko ay hindi ko napanindigan when Kenneth Jhon Jabilona the ultimate playboy in our campus confess his feeling's...