"Ang crush nagsimula sa MATA, pumasok sa DIBDIB, tumambay sa ISIP, naging BUKAMBIBIG, kaya sa huli, naging PAG-IBIG."
Angie POV
Maingat akong pumasok sa kanyang kuwarto. Nang makitang mahimbing pa itong natutulog ay mabagal at maingat ang mga hakbang na lumapit ako sa kama kung saan siya nakahiga. May pilyang ngiti sa labi ko ng mapansin ang itsura niya habang natutulog. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kanyang kama. Natatawa ako sa naisip pero gusto ko itong gawin. Napatakip ako sa bibig para pigilan ang paghagikgik ng bahagya siyang gumalaw sa kama habang napapakamot pa sa leeg.
Naghintay muna ako ng ilang segundo bago isagawa ang plano ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Happy birthday!" Malakas na sigaw ko sa kanya dahilan para mapabalikwas siya ng bangon.
Tawang-tawa ako sa itsura niya.
"Angelina naman!" Lukot na lukot ang itsura niya habang naiinis na nagkakamot ng ulo.
"Hoy! Bumawi lang ako sa ginawa mo sa akin noong isang taon!" Natatawa pa ring depensa ko.
"Hmp! Bruha ka talaga!" Tsaka ako pabirong sinabunutan.
Tatawa-tawang umiwas ako sa kanya. Natanggal tuloy ang kumot niya kaya may nakita akong di ko dapat makita.
"OMG, bakla!" Natatawang bulalas ko. "Nakatayo!" Tsaka napahalakhak.
Mabilis niyang kinuha ang unan tsaka tinapkan ang ibabang bahagi ng katawan. "Gaga! Tumatayo talaga 'yan lalo na paggising!" Depensa niya. "Kaya kung ako sayo, lumayo-layo ka ng konti baka tuklawin ka!"
Natatawa pa ring napailing-iling ako. "Happy birthday, Lino!" Tsaka siya niyakap.
"Salamat, sis!" Tsaka niyakap din ako. "E, nasaan ang regalo?" Sabay lahad ng palad niya nang kumalas kami sa yakap.
Bigla ko siyang hinalikan sa pisngi. "O hayan!"
Nalukot na naman ang mukha niya tsaka naiiritang pinunasan ang pisngi. "Palagi ko sinasabing huwag mo ako hinahalikan e!" Reklamo niya.
"Hmp!" Nakangiting sambit ko. "Pasalamat ka nga may magandang humahalik sayo!" Bumaba na ako ng kama. "Tsaka mag-tootbrush ka! Ang baho ng hininga mo!" Biro ko tsaka naglakad na papuntang pinto.
Binato niya ako ng unan dahil doon. Pero ibinalik ko din ito sa kanya muntik na siyang masapul sa mukha kaya tawang-tawa akong lumabas ng kuwarto niya.
"What was that?"
Mabilis akong nagbaling ng tingin sa bandang kanan ko nang maisara ko ang pinto. Naghihikab pang Erich ang bumungad sa akin. Halatang kakabangon lang niya. Napalunok ako ng mapansin ang suot niyang pantulog. Naka-cowl neck satin mini silk dress lang naman ang suot niya. Di pa yata umabot sa kalahating hita niya ang haba nito. Lalo na't bahagya pa itong tumaas dahil sa pagtaas ng kamay niya. Kinukusot-kusot pa niya kasi ang mga mata.
Ang ganda-ganda naman niyang gumising! Kung ganito ang bubungad lagi sa umaga ko, hay naku! Palagi akong naka-charge!
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning!" Nakangiti kong bati.
Natigilan siya. "A-angie." Parang tuluyan na siyang nagising. Napatakip siya sa bibig. "W-what are you doing here this early?" Nauutal niyang tanong.
Kahit na nauutal ka, mahal, ang cute-cute mo pa rin. Ani ko sa isipan. Mas lalo tuloy akong napangiti sa naisip.
"Birthday ni Lino." Sagot ko.
Napakunot-noo siya. "When?"
"Ngayon!" Tugon ko.
BINABASA MO ANG
ABKD Mahal Kita
RomancePuppy love? True love? Paghanga only? Haist ang hirap naman ng ganito. Di ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing kaharap kita. Minsan napapaisip ako, in-love na ba ako sayo? Pero papaano? Estudyante mo lang ako...