Kabanata 11

124 61 16
                                    

Chapter 11

Falls



"Nakaalis na ba sina Mom at Dad?" I asked Yaya Ging who was busy wiping the coffee table.


"Kaalis lang po, Ma'am. Ang bilin po ni Gov kung may pupuntahan daw kayo ay kay Esteban kayo magpasama."


"Kuya Esteban? He's here?"


As far as I remembered, Manong Bonnie was the one who drove us here. Kaya, anong ginagawa dito ni Kuya Esteban?


"Opo, kakarating niya lang po." Just at that moment, Kuya Esteban who was wearing his usual driver's uniform come out of the kitchen holding a cup of coffee in his right hand.


"Kuya Esteban!" Nakuha ko ang kaniyang atensyon. Lumapit agad ako sa kaniya. "Ang sabi ni Dad busy ka raw."


"Nagkasakit ang anak ni Manong Bonnie kaya umuwi agad ng Lucena. Dahil tapos na naman ang gawa ko, pinaluwas ako ni Gov dito." Hinipan niya ang kaniyang kape bago sumipsip dito.


Kuya Esteban became my personal driver after his father died. Ang pagkamatay ng kaniyang tatay ay naging isang malaking usapan sa buong bayan ng Lucena sapagkat ang pinagkakamalang may sala ay ang mga Villacorta, isa sa pinakamayamang haciendero/as sa buong bansa. Ngunit dahil nga mayaman ang angkan ng mga Villacorta, ang sabi-sabi ay binayaran daw nila ang kaso upang mawalang sala sila.


Subalit, pansin ko pa rin hanggang ngayon ay gusto pa ring makamit ni Kuya Esteban ang hustisya ng kaniyang ama kahit ilang taon na ang lumilipas.


"Mamamasyal ka ba ngayon?" Tanong ni Kuya Esteban.


Agad akong tumango.


Kahapon pa ako nakagayak ang aking mga gamit sapagkat ngayong araw ay napagdesisyunan kong dalawin at mamasyal sa buyaburin falls. One of the most glamouring waterfalls in Beunavista.


Sinabi ko kay Kuya Esteban kung saan ko gustong pumunta kaya naman nagpalaam na siya upang ihanda ang sasakyan.


Kumain muna ako nang mabilis bago maligo sapagkat sayang naman ang inihandang pagkain ni Yaya Ging. Inaya ko ring sabayanan ako ng mga kasambahay ngunit kumain na raw sila kanina pa.


Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis nang inihanda kong susuotin ko kagabi pa. Wearing a white loose-fitting dress covered my red monokini. It was below my knee but I still choose to wear a soft swim short in case some strong wind blow offs.


I also added some light make-up into my rosy lips and soft cheeks. Nang matapos kong isuot ang aking sandals ay bumaba na rin ako habang dala-dala ang aking straw beach bag.


As I come out of our house, I immeadiately saw Kuya Esteban leaning in our silver Cross 06 MW. He was talking to someone over his phone. Nang makita niya akong papalapit ay ibinaba niya rin ito agad. Pinagbuksan niya ako ng pintuan na agad ko naman siyang pinasalamatan.

Fall Into His Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon