Kabanata 13

118 60 25
                                    

Chapter 13

Important



Isang linggo na ang lumipas matapos ang birthday ni Yasu. Noong makauwi ako ng araw na 'yon ay nagpasya na lang akong i-text si Isagani upang makapagpaalam naman ng maayos sa biglaang pag-alis namin.

To: Isagani

Hello, this is Zara. I apologize for not saying goodbye properly. Yet again, happy birthday to Yasu. Your food is delicious as well!


Ilang minuto lamang ang lumipas, nag-reply agad siya.


From: Isagani

It's okay, and I'm sorry for what Yasu did. I'm glad that you like the food :)


I couldn't reply anymore because I remembered what he said again. My cheeks immediately warmed up. My heart skips a beat faster also.


Ano ba itong nararamdaman ko?


Sa ilang linggo ng nakalipas ay hindi ko pa muling nakikita si Isagani o hindi kaya ang mga kaibigan nito. Ang balita ko ay lumalaban daw ito sa isang swimming competition sa Manila kasama ang buong team niya.


Hindi ko alam kung bakit may parte sa puso ko ang nakakaramdam ng lungkot. Bakit naman ako malulungkot kung hindi ko siya nakikita?


"Sussie naman, kumain ka na nga. Lalaki lamang 'yan, bakit ba iniiyakan mo?" Ani Dorothea nang mapansin niyang hindi ginagalaw ni Sussie ang pagkaing nasa harapan niya.


Isang linggo ng laging tulala si Sussie. Pati na rin sa klase namin ay hindi na siya sumasagot sa mga recitation. Minsan ay nakahalumbaba o nakatulala lamang siya sa bintana.


"Ang tanga ko. Bakit ba ako umamin?" Pinukpok niya ang ulo sa kaniyang libro. Agad naman siyang pinigilan ni Dorothea.


"Bakit kasi sa lahat pa ng lalaki, si Yasu pa ang magugustuhan ko?" Muli niya sanang ipupukpok ang ulo niya nang hablutin na ni Dorothea ang libro.


"Tigilan mo nga 'yan! Hayaan mo na 'yon, sinayang ka niya."


Ang kwento sa amin ni Sussie ay matagal na niya raw na gusto si Yasu no'n pa bago nila kami turuan sa swimming class. Pati na rin daw ang pagsira niya sa sasakyan ni Yasu ay parte ng plano niya upang mapalapit sa lalaki.


Sobra ang pagkamangha ko noong ikwento niya 'yon dahil hindi ko kailanman inisip na magagawa ni Sussie 'yon. Ang akala ko talaga ay ayaw niya sa mga lalaki kaya naman ay puro pag-aaral ang inaatupag niya.


I had no idea she had a long-standing crush on Yasu.


Kaya naman ay nagkalakas loob siya upang magtapat sa lalaki. Ngunit, nagalit daw ito sa kaniya dahil sa ginawa nitong plano. Ang mas nagpapaiyak nga lamang kay Sussie ay ang sabihin daw ni Yasu na kahit kailan ay hindi niya magugustuhan ang kagaya ni Sussie, na desperada.

Fall Into His Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon