Kabanata 21

113 50 8
                                    

Chapter 21

Promise



Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang pinatay ang T.V. I could see him shutting his eyes and forcing himself to be calm. Narinig ko pa ang ilang pagkawala niya ng buntong hininga.


Humarap siya sa akin ng kalmado na ang mukha. Na parang wala siyang narinig kanina.


For pete's sake, my father was accusing him of kidnapping me! Which isn't even true! Tapos, 'yong kompanya pa nila ay pinababagsak ni Dad. Hindi malabong mangyari 'yon dahil ang pinagmulan ng negosyo niya ay nasa lupang pinamamahalaan ni Dad ngayon.


Natatakot ako... Natatakot ako sa kung ano pa ang pwedeng gawin niya kay Isagani. Much worse will be, he could put him to jail, which I cannot let happen. It was all my fault! Kagustuhan kong lahat ng ito, itong paglayo ko! Pinakausapan ko lamang si Isagani, wala siyang kinalaman dito!


Hindi ko na napigilang mapaupo sa sofa at humagulgol. Tinakpan ko ng dalawang palad ang aking mukha upang itago sa kaniya ito. Ngunit hindi 'yon sapat dahil taksil naman ang aking mga hikbi.


I felt him hugging me and his hand on my back soothing me down. Inihilig ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib upang do'n ilabas ang luha ko.


"Shush, it's okay. I know you're blaming yourself right now. It's not your fault, stop crying." Umakyat ang kamay niya sa aking buhok, patuloy niya akong pinapatahan.


Umiling ako. "It's m-my fault! H-hindi ko inisip na pwede i-itong mangyari... ang s-selfish ng desisyon ko." Humihikbi kong sambit.


Naramdaman ko ang baba niya sa aking ulo. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Wala kang kasalanan, Tazara. Parehas nating hindi alam na ganito ang mangyayari. Hindi rin selfish ang desisyon mo, kusa akong sumama sa'yo... hindi mo ako pinilit. Without hesitation, I'll always be there for you... kahit hindi mo na ako tanungin ay sasama ako sayo. Sabay tayong lalayo sa ayaw mong mundo."


Lalong lumakas ang paghugulgol ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko upang maging akin siya. I don't know what I did to deserve him. Do I really deserve him? Hindi ko ba siya nasasaktan sa mga padaos-daos kong desisyon?


I hope not. 'Cause it would be the end of me... hindi ko siya hahayaang manatili sa akin kung nasasaktan ko lamang siya. He was too nice to be wounded by a girl like me.


"U-umuwi na kaya tayo t-tapos ipaliwa–"


Iniharap niya ang mukha ko sa kaniya, "Tumahan ka muna, okay? Then, we'll talk about what to do. I can't talk if you're crying." Pinunasan niya gamit ang kaniyang daliri ang patuloy kong bumabagsak na luha.




Sa paghaplos ng kaniyang mga daliri sa aking buhok ay unti-unti akong kumakalma. Halos kalahating oras ang iniyak ko bago ako tuluyang tumahan. Ngayon ay nasa kwartong tinutuluyan ko kami. Nakahiga ako dibdib niya habang nakasandal siya sa pader. Patuloy ang pagpapatahan niya sa akin.

Fall Into His Waves Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon