CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Tumagilid ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya nagising ako. Napaatras naman ang mukha ko ng makita mo ang mukha ni Hyun sa harapan ko. Naalala ko naman ang ginawa niya kagabi, niyakap niya ako papalapit sa kanya.

Mabuti naman at walang nangyari sa aming masama. Naramdaman ko naman ang kamay ko na parang may nahawakan na matigas don ko lang naalala na nasa dibdib pala niya ang kamay ko. Arghh! Bakit na punta ang kamay ko dito sa dibdib niya? To think na di na nakabukot sa kumot ang katawan niya meaning nagkalantaray ang katawan niya sa mukha ko.  Agad kung kinuha ang kamay ko at inilagay sa gilid ko.

Napatingin naman ako sa mukha niya, ang amo amo parang hindi suplado. Parang anghel na nahulog mula sa langit dahil demonyo pala ang ugali. Sana lage siyang tulog para mukha siyang mabait. Ang gwapo niya kahit nakapikit ang mata. Napatingin naman ako sa katawan niya, wow ang abs ang laki, at ang tigas pa ng mahawakan ko kanina. Nagtaas baba naman ang abs niya dahil sa paghinga niya.

My husband is handsome and has a gorgeous eyes wait du-dumilat siya. Oh no!

Napatingin nalang ako sa ceiling. Nakakahiya nakita niya akung nakatitig sa kany. Arghhh! Kasi naman eh. Kinuha niya ang kamay niya na nakalagay sa likod ko. Ay oo nga pala nakalimutan kung tanggalin ang kamay niya nako naman o. Napatingin naman siya sa bandang tyan ko kaya naman napatingin ako doon sa tinitigan niya.

'Shit'. Nakataas pala ang jacket ko at damit kaya makikita ang tyan ko. Aissh! Ang aga aga napapahiya ako. Tumikhim siya at tumayo na.

"Mauna na akung maligo". Sabi niya at  Dumiritso siya sa banyo at doon ko lang namalayan pagpasok niya sa cr na nagpipigil pala ako ng hininga.

Tumayo nalang ako at inayos ang damit ko. Ilang minuto lumabas siya sa banyo na naka topless na naman. Hay dapat ata masanay ako sa ganito. Kinuha ha ko nalang ang tuwalya ko at susuotin pagkatapos pumasok na ako sa loob ng banyo.

Paglabas ko sa banyo pagkatapos maligo wala na akung makitang Hyun sa loob ng kwarto. Asan kaya ang lalaking yun? Nakita ko naman ang isang note na nakalagay sa kama.

'Psst, pagkatapos mung maligo dumiristo ka na dito sa restaurant ng hotel'

Nagsuklay muna ako at pumunta na sa baba.

.....

"Bilisan mong kumain dahil may pupuntahan pa tayo". Binilisan ko naman ang pagkain ko. Ang luko di man lang ako hinintay at kumain na agad siya. Napakaselfish talaga ng lokong to tapos sasabihin niyang ubusun ko lahat ng inorder niya. Eh ano ako malaki ang tyan para maubos ko lahat? May limit din ako nu.

"Eh bakit ba kasi ang dami mung inorder tapos ipapaubos mo to lahat sa akin. Nahihibang ka na ba? Di ko to mauubos nuh". Sabi ko sa kanya at uminom ng tubig.

"Busog na ako saan ba tayo pupunta?". Sabi ko.

"Basta malalaman mo din pagnakarating na tayo doon".

"Eh di pumunta na tayo". Tumayo ako pero hinarangan niya ang kamay niya.

"Before we go ubusin mo muna yan".

"What?! Hoy nasa rule na bawal makialam nuh". Sabi ko sa kanya at nauna nang maglakad.

"Bahala ka". Sabi lang niya. Masarap naman ang pagkain eh kaso nga lang busog na talaga ako.

Lumabas na kami sa hotel at may huminto namang limousine sa harapan ko. May nag open ng pinto at sumakay naman ako doon, sumunod naman si mokong.

"Hoy Hyun asan ba tayo pupunta?". Tumingin lang siya sa labas sabay sabing basta. Di nalang ako nagtanong at baka masagutan na naman ako ng "basta" niya.

.........

"Wow". Ang ganda. Sulit ang dalawang oras naming byahe para lang makarating sa lugar na to.

"Hoy bilisan mo diyan". Napatingin naman ako sa likod ko. Ang loko iniwan ako. Tumakbo nalang ako papalapit sa kanya pero di ko parin naiwasang  mapatingin-tingin sa buong lugar. Ang ganda, di ko inaasahang may ganito pala sa London akala ko kasi puro building lang dito may ron pa palang magandang tanAwin.

"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Catching my Heart for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon