9

1.6K 36 0
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

__________

Nasa likod ako ng bahay nila Uno at hinihintay ko s'ya dala ang regalong aking dala-dala.

"What do you need?" malamig na boses mula sa'king likuran dahilan para lingunin ko 'yon.

Nakita ko si Uno na nakatayo at may seryosong aura.

"May gusto lang akong ibaymgay sayo. Nabigay kona kasi sa mga kapatid mo iyong kanila at gusto ko rin na ibigay sayo yung regalo ko ng personal."

"Okie."

"Uno, regalo ko sayo." naka-ngiting wika ko saka inabot sa kanya ang isang malaking painting ng lalaki na faceless.

Nasa loob pa iyon ng gift wrapper ng iabot ko sa kanya.

Hindi nito kinuha ang regalong inaabot ko kaya nawala ang ngiti ko sa labi ng tumingin sa kanta ng deretsyo habang may pag-tataka.

"Thanks, I already told you na layuan mo na 'ko. Hindi kita gusto at ayokong umasa ka." saka ako nito tinalikuran at hindi pinansin ang regalong inabot ko sa kanya.

Tanaw ko ang likuran na papalayo sa' kin. Tila isa akong tuod na walang nagawa at nasabi.

Unti-unting tumulo ang luha sa'king mga mata kasabay ang pag-bagsak ng ulan mula sa langit. Tatlong buwan bago ko natapos ang pininta ko para iregalo sa birthday nya akala ko kasi tatanggapin nya pero hanggang ngayon si Ate parin pala.

Wala na si Ate pero tangina hanggang ngayon sya parin ang gusto ng lahat.

"I always paint about him, but his not into art." nakangiting aniya ko habang nag-lalakad.

Matagal kong pininta at sinubukang ibigay ang regalong ito kay Uno pero hanggang ngayon ay bigo parin ako.

Umiiyak akong nag-lalakad palabas ng mansion yakap ang regalong punit at basa dahil sa ulan.

TANAW ni Fourth si Sunflower palabas ng mansion nila kaya sinundan nya ito kahit walang payong ay lumabas sya ng bahay.

Mabilis na hinabol ng binata si Sunflower hanggang sa huminto ito sa dulo ng kanilang village at umupo sandali sa kalsada habang hawak ang isang regalo na halos wala ng balot dahil sa ulan.

Lunapit ito kay Sunflower ngunit napa-hinto sya sa pag-hakbang ng marinig ang hikbi ng dalaga.

"Huli nato! Ayoko na. Pagod na pagod na'kong ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga mapapa-sa'kin. Pagod na pagod nakong ipilit na pwedeng maging tayo." bagsak ang balikat habang umiiyak na ulanang wika ng dalaga.

Lumapit si Fourth sa dalaga at hinawakan ito sa balikat at niyakap ang dalaga.

Bumitaw si Sunflower mula sa bisig ni Fourth at pinigilan ang sariling hikbi.

" akin nalang yan birthday korin naman." nakangiting wika ni Fourth saka hinablot ang regalong para dapat sa kapatid nya. "I can appreciate your effort kahit hindi para sa'kin ang regalong ito." dagdag pa ng binata dahilan para muling lumuha ang dalaga dahil sa pag-gaan ng nararamdaman nito.

"Sana ikaw nalang ang minahal ko. Sana ikaw nalang at hindi si Uno." bulong ng dalaga habang umiiyak.

Ginantihan ni Fourth ang yakap ng dalaga at napangiti sya dahil sa winika nito.

"Sana nga ako nalang."

SA dulo ng daan ay may isang bulto ng lalaki na kuyom ang kamao na nakatitig sa dalawa. Basa ng ulan ang binata dahil sa pag-habol sa dalaga ng malaman nyang hindi bumalik sa loob ng mansion ito.

Rivera Series1 : Bad Romance  (COMPLETE ✅ )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon