Chapter 26

8.2K 263 177
                                    

KUNOT na noo at paniningkit ng mga mata ang agad na sinalubong ni Santillan kay Vel nang lumabas siya ng silid ng mama nito. Naikiling pa nito ang ulo sa kanan nito. Para itong nalilito at parang nawawala sa hitsura nito.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Sino ka? Saan ang Vel ko?" Malakas na pinalo niya ito sa braso. He flinches and grimaces saka siya siya binitiwan. "'Langya!" Doon ito tumawa.

"Para kang tanga," asik niya rito.

Ngiting-ngiti naman si Tita Sarah sa tabi niya. Proud na proud sa ginawang makeover sa kanya. Hindi lang outfit ang nabago. Inayos din ng ina ni Santillan ang buhok niya at may floral clip pa siya sa isang side ng buhok niya.

"Ganda ni Vel, 'di ba, anak?"

Itinaas ni Santillan ang isang kamay para bigyan ng thumbs up ang ina nito. "Galing n'yo, Ma."

"Matagal na akong maganda," singit ni Vel.

Parehong natawa ang mag-ina. Ibinalik naman ni Santillan ang tingin sa kanya. She studied his face and compared it to the child she saw earlier. Vel couldn't find any resemblance. Magkaiba talaga ang Word na nakilala niya sa batang Word na nakita niya sa photo album. Those thoughts will live in her mind rent free hanggat hindi niya nahahanapan ng sagot ang lahat.

Pilyong ngumiti si Santillan. "Kailan ka ba pumangit sa mata ko?"

Nayakap ni Vel ang sarili at umarteng kinilabutan. "Manahimik ka na at kinikilabutan na ako." Mas naging buhay pa ang tawa nito saka siya biniglang yakap. May gigil ang yakap nito sa bandang balikat niya pero may distansiya naman ang sa bandang tiyan niya. She always appreciate Santillan's effort pagdating sa baby nila. "Bitiwan mo nga ako," pagtataray niya.

Arte mo Vel! Kunwari ka pa. Gustong-gusto mo namang nilalandi ka ni Santillan.

Tinutulak niya ito palayo sa kanya pero ayaw siya bitiwan ng walangya.

"Hoy, Santillan!"

"Buti na lang akin ka na talaga," bulong nito sa kanyang tainga.

Pinalo niya ulit ito sa braso pero tinawanan lang ulit siya nito. "Gago -" Natigilan lang siya nang halikan siya nito sa pisngi. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya pagkatapos. Nakangiting inabot nito ang mga kamay niya. He give it a little squeeze before lifting his face to meet hers.

It was no longer the sweet gesture that caught her offguard for the second time. Bakit hindi niya napansin ang kakaibang lungkot sa mga mata ni Santillan noon kahit nakangiti? Hindi niya maipaliwanag ang lungkot na biglang dumaan sa mga mata nito kanina. At that moment, he was looking at her as if she was his answered prayer.

Ramdam niya bigla ang pag-iinit ng kanyang mga mata. The hell if it was her problematic hormones that makes her sad. Wala na siyang pakialam doon. Walang luha dapat na lalagpas sa mga mata niya sa harapan ni Santillan at ng ibang tao. She will not let them see her vulnerable state. Marahas na niyakap na lang ulit niya si Santillan. Ramdam niya ang pagkagulat nito.

Anak ng - 'di ko alam ang sasabihin ko. Yawa! Lusutan mo 'yan Maria Novela Martinez! Ah, basta!

"Nagugutom na ako," bulong niya rito.

Pumulupot ulit ang mga braso nito sa kanya, tawang-tawa sa sinabi niya. "Hungry for food or hungry for me?" malanding bulong nito sa kanya.

"Kung sikmuraan kaya kita ngayon?"

Lalo itong natawa. "I'll make you some sandwiches before we go," anito, hinalikan siya nito sa sintido.

He was unwilling to let her go but he did, smiling like an idiot. Natawa siya na nandidiri sa pagiging cheesy ng walangya. Sobrang tagal pa nitong bitiwan ang kamay niya.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon