Streetfoods

3 0 0
                                    

Yumi's pov

akala ko ba gustong mamasyal nang lalaking to.. (tinignan si Kyle habang tulog)  I can't deny the fact na magandang lalaki talaga si kyle.. Kung may Sleeping Beauty, sya naman ang Sleeping Handsome..  His (not so) chinito eyes, pointed nose and everything.. Kahit tulog ay parang model parin ang dating.. Effortless position kumbaga.. kahit anong angle, perfect to capture..

I decided na pumunta ng kitchen para magtimpla ng hot choco.. Nadatnan ko sila lola at Mommy na nag uusap pero natigil nung nakita nila ako..

Lola: Gising kana pala apo..

Yumi: Good morning po Lola,  Mommy..

Lola: Sulitin nyo ang bakasyon nyo dito apo.. mamasyal kayo mamaya at maraming paninda kayong mabibili sa bayan..

Yumi: Plano nga po yan ni Kyle Lola.. eh kaso, tulog pa po sya.  hehe

Lola: Talagang namangha ako sa itsuta ng batang yun.. Ang layo naman kasi ng itsura nya dati kumpara ngayon.. napaka gwapo na..

Yumi: Haha. baka lumapad ang tenga nun pag narinig kayo lola..

Lola: Sinasabi ko lang naman ang totoo.. Kamusta naman ang pag aaral nyo?

Yumi: Maayos naman po Lola..

Lola: Dapat lang.. Ipapahatid ko kayo mamaya sa tiyo arman mo sa bayan..

Yumi: Naku lola, may kotse pong dala si Kyle.

Lola: Mag tricycle nalang kayo.  Mamaya mapag tripan pa ang kotse nya.. mahirap na..

Mom: Oo nga naman Yumi.. Mas maganda rin mag tricycle para makita nyo ng maigi ang paligid.  

Yumi: Sige po..

Kyle: Good morning!!

Lola: Halika dito at para makapag kape kana..

Kyle: (tumingin kay Yumi) Please?

Yumi: Oo na po. .. (tumayo para magtimpla ng kape)

Lola: Kung alam ko lang na wala kang boyfriend ay iisipin ko talaga na kayo ang magsyota nitong si Kyle apo.. (kay Yumi)

Mom: Masyado lang po silang close Ma.

Lola: Simula bata ay parang di na kayo mapaghiwalay... Tignan mo nga naman at ang bilis talaga ng panahon.. Ikaw ba ay may girlfriend na?? (Kay Kyle)

Kyle: Wala pa po Lola..

Lola: Bakit naman wala? Sa gwapo mong yan?

Kyle: Gusto ko po kasi yung pang matagalan Lola,  ayoko yung panandalian lang...

Lola: hahaha.. May punto ka dyan apo..

Kyle: Ayoko nang masyadong matamis na kape..  (Kay Yumi)

Yumi: Don't worry.. Hindi talaga matamis to dahil asin ang nilagay ko..

Kyle: Lola oh.. (kunwari nagsusumbong)

Lola: hahaha.. ganyan na ganyan kayo dati..

Yumi: (inabot ang kape kay Kyle)

Kyle: Thank you.. (give her a smile)

Lola: Umalis kayo dito ng medyo maaga mamaya para mag enjoy kayo sa pamamasyal..

Kyle: Opo lola..

Lola: Sinabi ko na kay Mayumi na ipapahatid ko kayo mamaya sa bayan..

Kyle: Po?

Lola: Mas maigi na mag tricycle nalang kayo papunta doon.. Hindi naman ganun kainit ngayon..

Kyle: Okay po..

****************

Carl: You think it will work?

Mike: Syempre naman.. yan yung napanood ko dati sa tv..

Jake: basta ako, labas ako dyan ah..

Mike: Panong labas eh nandito ka sa loob..

Jake: (sigh)

Carl: What do you think?

Mark: I'm not sure but let's give it a try..

Carl: What time are we going to start it?

Mark: I'll inform you guys later..

**************

Kyle: Ano pa gusto mong bilhin?

Yumi: May nakita akong magandang pangtali sa buhok doon banda kanina.. Balik nalang tayo dun..

Kyle: San mo gustong kumain pagkatapos.. ?

Yumi: Ayoko na sa mga fast food.. hehe.

Kyle: Street foods nalang??

Yumi: Game ako dyan.. Bili lang muna ako ng mga panali sa buhok tapos punta na tayo dun sa mga nagtitinda ng ihaw or tusok tusok.. hehe

Kyle: Mauuna na ako dun..  baka maraming nakapila eh.. Hintayin nalang kita dun, okay?

Yumi: Ikaw na bahala pumili ng pagkain.. Puntahan nalang kita pagkatapos..

Kyle: Ok.

***********

Yumi's Pov
ang daming magagandang panali sa buhok.. mamimili narin ako para kina Casey.. I'm sure magugustuhan nila ang mga ito..

*************

Tindera: Ang gwapo naman ang customer natin.. hihihi

Kyle: Pabili po ako nung kwek-kwek at fishball..

Tindera: Sige, lulutuin ko muna iho.. Maupo ka muna dyan habang naghihintay.. ahm. may kasama ka ba?

Kyle: Actually meron po..

Tindera: Ah sige.. sandali lang naman ito..

Kyle: Ahm. babalikan ko nalang po yan.. Bibili lang po ako nang ihaw-ihaw..

Tindera: Ah sige..

************

Yumi's Pov

Papunta na ako ngayon kung saan bumili ng mga makakain namin si Kyle.. nagpalinga linga pa ko dahil di ko sya agad nakita.. At sa wakas, nakita ko syang nakatayo sa harapan ng nag iihaw.. I don't know what's happening, kasi nakikita kong kinakausap sya ng nagtitinda.. Pero mukhang tulala lang sya.. Kaya naman lumapit ako sa kanila..

***************

Tindera: Ano pa ang bibilhin mo?

Kyle: Magkano po yung isaw?

Tindera: Nasa harapan ang presyo.. tignan mo nalang..

Kyle's Pov
Maraming pagpipilian pero parang masarap yung isaw dito.. kaso napatulala ako dahil sa karatula na nabasa ko sa harap ng tindahan na binibilhan ko..

"Limang piso na ngayon ang Isaw!!
Wala nang Mura ngayon!!
Kaya Ikaw, Mag Mahal kana rin!!"

Tindera: Bibili ka ba?

Kyle: P-po?

Tindera: Tinatanong ko kung bibili ka ba??

Kyle: O-opo.. Pabili po nang Isaw.

Tindera: Nabasa mo ba ang presyo dyan sa harapan?

Kyle: Opo.. Nabasa ko po ang nakasulat..

Tindera: Nagmahal kana rin ba?

Kyle: P-po??

Tindera: Haha.. kanina kapa nauutal..

Kyle: Ahh.. (napakamot ng ulo)

Tindera: Ahh. Sa tingin ko,  nagmahal kana nga.. Sya ba? (Tinuro si Yumi gamit ang nguso)

Kyle: (tumingin sa likuran nya at nakita si Yumi)

Yumi: Anong binibili mo??

Tindera: Isaw iha..

Kyle: Ikaw, anong gusto mo??

Tindera: Bagay na bagay..

Yumi/Kyle: P-po???

Tindera: Hahaha.. Wala.

***************

Miss Nerdy Girl meets Mr.SunGlassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon