Chapter 13 Cells

25 0 0
                                    


"Humanda ka sakin!" sugod ko sa likuran nito na agad kong pinagsisihan dahil nabitawan nito si Yana.

"Sh*t, Yana.. naririnig mo ba 'ko?" nag-aalala kong dalo sakanya ngunit wala na itong malay, "Pagsisihan mo ang ginawa mo, g*go!" nanggagalaiti kong baling sa nanghihinang kalaban.

Marahan ko muna siyang inihiga ron bago binalikan ang aking katunggali. Nagpambuno kaming dalawa, palitan ng suntok, kalmot at kagat. Kahit pa nga hinang-hina na ito ay nagagawa pa ring pumalag sa'kin. Nauubos na rin ang pasensiya ko sa patuloy nitong pagtakbo at pag-iwas. Wala na akong sapat na oras upang makipaglaro pa rito kaya nang makatyempo ay sinakmal ko na ito sa leeg at pinunit ang laman non gamit ang bibig ko.

"Arrrrgghhhh!?!!!?!!!" palahaw nito na pilit pa ring lumalaban.

"Matigas ka hah?!" Baon ko nang matutulis kong kuko sa mga mata. Bago pa man siya muling makabawi ay mabilis kong binutas ang kanyang likuran na tumagos palabas sa tiyan nito. Masaganang bumulwak ang dugo nito.

Sa sobrang inis ay hinila ko palabas ang mga laman loob nito pati na ang tumitibok pa nitong puso, "Bakit ba dumarami pa ang mga lintang gaya mo?" isinampay ko ang patay nitong katawan sa na kinatatayuan ko. Nakabitin na rin don ang mga organs nito na unti-unti na ring pinapalad ng hangin dahil sa pag-aabo. Kumpara sa mga pureblood mas matagal mag-abo ang mga halfblood o human-turned-vampire na tulad nito.

Nagkamalay na si Yana nang balikan ko ngunit umuungol ito sa iniindang sakit. Sa taas ng hinulugan niya ay hindi malabo na mabalian siya ng buto. At base na rin sa paraan ng reaksyon niya habang sinusubukang igalaw ang sariling katawan natitiyak kong nasa ribs ang kanyang injury.

"Yana stop moving! Mukhang nabalian ka ng ribs-agh!" napangiwi ako nang di niya sinasadyang masagi ang sugat ko sa braso. Saka ko palang din naalala kung gaano kalala iyon,"That f*cking b*stard.." tukoy ko sa kumagat sa'kin, "Nakakapikon talaga ang mga lintang yon, argh, kung pwede lang na patayin ko sila ulit!" hubad ko sa suot kong polo. Pinilas ko yon sa dalawa upang punasan ang sugat at gawing gasa pansamantala ang kalahati.

Binalingan kong muli si Yana. I can heal her injury. But will she allow me to?

"Yana.." tapik ko sa pisngi niya, "We need to head back, siguradong marami pang ligaw na bampira rito."

Nakapikit na ulit siya ngunit alam kong gising ang diwa niya dahil tinanguan niya ako.

"Arghh, B-brendan.. no!" Angal niya at mariing napakapit sa pantalon ko kasabay ng pag-iling. "M-masakit!" Mukhang hindi na maganda ang lagay niya dahil ayaw na niyang ipagalaw ang katawan niya.

Napahilamos ako habang pinagmamasdan siya. Nag isip ako saglit and came up with a decision.

"Yana let me bite you. That's the only way we can get rid of the pain.." bulong ko sakanya.

I must admit I'm taking advantage of the situation. Dahil takam na takam ako sa dugo niya but at the same time I genuinely wanted to help her. The other option is to knock her unconsious ang bring her to a hospital but it would be a waste of time. I was about to ask her when she suddenly nodded her head. I didnt expect her to agree that quick.

Huminga ako ng malalim sa magkahalong excitement at kaba para sa magiging consequences ng gagawin ko. But it's now or never. Impit na ungol ang pinakawalan niya nang kagatin ko ang leeg niya. Di naman nagtagal ay tuluyan na siyang nawalan ng ulirat.

"D*mn her blood is the best..." tanging nasambit ko matapos punasan ang dugo sa gilid ng aking labi.

/Silver's POV/

Silver's Thirst [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon