Chapter 3 | Stay

759 63 38
                                    

  Yana's pov

"OH, the stubborn kid's finally home!" Sarkastikong banat ni Brendan.

Naglaho si Zero sa pwesto at isang kisap mata nakaakbay na siya sa bagong dating. Iritado namang umirap si Brendan sa mga ito.

"Kyran good to see you back after decades!"

"I was here the other day."

"Still a long time ago." Ngiting-ngiti si Zero na ginulo ang buhok nito.

"Ugh, I'm not a kid anymore, stop treating me like one. May LQ ba kayo ni Brendan at ganyan ka makadikit sa'kin?" tila galit-galitan nito.

"Cut that off, let's talk about this sa Great Hall.." Sabat ng panganay, "You know Silver hates waiting."

"Siya ba ang dinner natin?" Turo sakin ng pinakabata, "Are we allowed to feed on her?"

"Huh!? A-anong ako?!" react ko agad.

"Oh wait, she's talking?" sounds more like a tease from him. "Hi the, I'm Kyran Bladimir..." lahad niya ng kamay pero di ko yon tinanggap.

Napailing na lang siya at ngumisi.

"Everyone, at the dining area, NOW." Utos ni Lorcan, "Remember she's our special guest."

Napakamot ang bunso sa ulo, "I was just being nice..."

"Tch, tara na nga!" kawit ni Zero sa leeg nito, "Tabi tayo sa hapunan."

Nilagpasan ako ng dalawa. Gusot pa rin ang mukha ni Brendan nang sumunod sakanila. Napaurong naman ako nang ilahad ni Lorcan ang kamay niya sakin.

"Come with me. I'll treat your wound first. Masyadong matapang ang aroma ng dugo mo."

"I-I dont trust you.."

"I know. But you see, you're weak and leaving your wound in the open can only worsen the situation. So it's either you do as I say or you're dead?"

"Nagbigay ka pa talaga ng option?"

"It's not that fatal. Your wound will heal itself in a bit later. But for now, much better to cover it. Follow me..." He paused, "Or you'd rather stay there.. alone?"

Effective naman ang pananakot niya dahil ayokong maiwang mag-isa.

Naglaho na ang tiwala ko sakanya pero base sa mga nasaksihan ko, maaaring siya lang ang pinakamadali kong lapitan. Bukod sa siya ang una kong nakilala, siya rin ang pinakamatanda sakanila kaya siguradong siya ang pinapakinggan ng lahat.

Sumunod ako sakanya papunta sa isang library. Ang sabi niya don siya madalas magpalipas ng oras kaya kung may kailangan ako pwede ko raw siyang puntahan doon anumang oras.

"Listen.." sabi nito nang buksan ang drawer at kumuha ng first aid kit mula ron, "Since nandito ka na, you need to survive."

"As if naman magtatagal ako rito?"

"You will.." he's certain. "And what you did was  reckless." patuloy pa niya, "Clinging on me like that won't help you."

Napahiya ako.

Silver's Thirst [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon