Chapter 2 | Flashback

701 64 4
                                    

Yana's pov

"WHO the hell are these people?!" tanong ko sa sarili.

Compared to Lorcan at sa pervert na kasama ko mas sharp ang features nang bagong dating. Ngunit kahit pareho pang may hitsura ang dalawa, nangingibabaw pa rin ang takot sa'kin. I can't be wrong, I'm hundred percent sure na bigla nalang lumitaw ang ikalawa sa tabi ko ngayon lang! Like how is that even possible?

"S-sino ba talaga kayo?" The first guy smirked at me, "M-maligno ba kayo hah?!" The second laughed, "Paano ninyo nagagawa na lumitaw nalang sa ere? At anong kailangan ninyo sa'kin?!"

"Well, well.. what do we have here? I just arrived and you have the audacity to yell at me? Wala ka na ngang galang pinagkamalan mo pa akong maligno, dxmb human." tumingin ito sa una, "Zero what is this? Nagdala ka ng dinner na hindi mo kayang paamuin? Pasaway ka talaga."

"Kung pwede lang sanang angkinin siya kanina ko pa ginawa.." he paused, "But just like you, naabutan ko lang siya rito sa kwarto ko.." kibit-balikat nito. "I didn't bring that human here." Zero casually went back to sit down in bed.


"Human? His room? Then there must be a little misunderstanding here?" napaisip ako, "Still, what happened earlier.. he attacked me and.." tiningnan ko ang ikalawa, "And this another guy appeared out of nowhere? Sigurado akong hindi sila normal!"

"Cat got your tongue?"

Napakisap ako sa sinabi ng huli at napakuyom ng palad, "Then what kind of a monster are you, kung hindi kayo maligno?! Magagawa ba ng ordinayong tao na bigla nalangㅡ

ㅡI'll show you then." diin nito.

"Brendan, kung ako sa'yo hindi ko na itutuloy yan. I believe she's someone'sㅡ

Before I could even react, Brendan pinned me down the floors. Kinulong niya sa isa niyang kamay ang mga pulsuhan ko sa may ulunan ko habang nakadagan sakin.

"B-bitawan mo 'ko! Ano ba?! Tulong! Tulungan ninyo ko?!!"

Nilingon ko si Zero, hoping he's gonna help me somehow. Subalit wala akong nabasang expression mula sakanya. Umiiling siyang nakatingin sa amin na para bang normal lang ang lahat.

"Let go of me! Urgh!!!" protesta ko, "You jerk!" nagawa ko siyang sampalin.

"D*amn it!" muli niyang huli sa kamay ko at mas hinigpitan ang hawak don.


"Bitiwan mo 'ko!"

"Shut up and stay still." hawak niya sa panga ko, "Hindi ako pervert katulad ni Zero pero nangangagat ako.." he said teasingly in my ears, "Ugh, your scent, it's thousand times better this close.." as he licked my neck, "Bon apetit..."

Nahintakutan ako nang rumehistro ang sakit sa leeg ko. Agad nagsink-in sa'kin na kinagat niya ako! Oo, hindi ko rin alam na posible pero kinagat niya ako! It was that painful I groaned clenching my fist as my eyes welled up.

Naramdaman ko ang pagsipsip niya ng isang beses kasunod ng malakas na paglunok. Then he quickly let go of me wiping the blood off his mouth. Katulad nang kasama niya para rin siyang nakakita ng multo nang muli akong titigan. May kung ano sa akin na bigla nilang kinatakutan o nagbigay sakanila ng alinlangan para ituloy ang balak nila.

Silver's Thirst [ Revising ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon