"PALAGING sinasabi ni Lord Bertoldo na maswerte siya dahil nakilala niya kami ni Papa. Hindi ko alam kung bakit nasabi nya yon pero, sa tingin ko mas maswerte kami na nakilala namin siya.."
"I know why at kaya ka nandito ngayon dahil yon ang gusto ng Don na makita ko.." makahulugan niyang sabi. "Ihahatid na kita sa kwarto." dalo niya rito.
Inalalayan niyang tumayo ang dalaga ngunit naoutbalance na naman ito dahilan para pareho silang bumagsak sa sahig.
Nagsalubong ang tingin nila. At dahil sa pagkakalapit nilang yon ay lalong nasiguro ni Silver ang kanina pa niyang kutob. SHE'S A RAREBLOOD!
Nanginginig niyang napisil ang baywang nito. Sa sobrang bango ng dugo ng dalagita ay nakaramdam siya ng matinding pagnanasa na kagatin ito. Ngunit pinigil niya ang sarili at marahas na lumayo.
"Aray.." Napasubsob ito sa sahig.
Kuyom palad niya itong pinagmasdan habang nagtatalo ang diwa kung anong dapat gawin. Wala itong kamalay-malay na malaki ang epekto non kay Silver.
Saglit siyang naghabol ng hininga para kalmahin ang sarili. Hindi iyon ang tamang lugar para pag interesan niya ang isang inosenteng bata. Maraming bampira sa baba, kapag nagtangka siyang kagatin ito maaring magkagulo. Nang macompose ang sarili ay binuhat na niya ito at dinala sa kwarto.
ALAS tres na nang madaling araw natapos ang party. Nagising si Yana sa malakas na buhos ng ulan kapanabay ng malalakas na kulog at pagkidlat. Masamang-masama na ang pakiramdam niya.
Kasabay ng nagngangalit na langit ay ang matinding sakit ng ulo at bigat ng kanyang katawan. Pinilit niyang tumayo upang puntahan ang ama at ipaalam na may sakit siya.
Nagtaka siya dahil malakas naman ang kanyang resistensya at madalang siyang mgkasakit.
Isa pa hindi siya halos kumain sa party, bukod sa tubig at baso ng wine na binigay ng Don sakanya wala na siyang ibang nakain o nainom. Kaya palaisipan sakanya kung bakit bigla siyang nagkasakit.
Maingat siyang lumabas ng kwarto. Bumabagyo man ay tahimik pa rin sa loob ng mansion. Kahit pa nga hindi na niya kayang balansehin ang sarili. Sinikap niyang tahakin ang pasilyo. Marahan ang hakbang niya habang napapayuko sa bawat pagkulog.
Madilim ang nilalakaran niya pero sa tuwing kumikidlat ay lumiliwanag ang paligid.
Nang masapit niya ang hagdan. Isang anino ng lalaki ang nakita niyang nakatayo mula sa kabilang dulo ng pasilyo na animo'y nakamasid sakanya. Subalit binalewala niya yon at ipinagpalagay na nahahallucinate na siya.
BINABASA MO ANG
Silver's Thirst [ Revising ]
VampiroREAD AT YOUR OWN RISK!!! R-18 Silver, a vampire knight of royal blood, uses Yana's unique bloodline to gain immense power and infiltrate the lawbreaker's organization. This group, led by his grandfather, Lord Bertoldo, is entangled in conspiracies i...