Yana's POV:
"Narito na tayo, Hija.."
Kaswal akong napainat ng braso kasunod ng mahabang paghikab matapos marinig ang boses ni Lolo.
"Ang ganda.." sipat ko sa bintana ng kotse.
Kakaiba sa nakasanayan ko ang tanawin ron. Halos berde lang ang makikita dahil napapalibutan kami ng matataas at malalaking puno. At wala ni isang bakas ng komunidad.
Nang makalabas ako ng sasakyan ay tahimik na ibinaba ni manong driver ang mga bagahe ko. No'n ko lang ito nakita. Hindi ko na naitanong ang pangalan nito at kung bakit si Lolo nagpalit ng driver.
"Ito na po ba lahat?" usisa nito.
"Ah, yes po, salamat." ngiti ko.
Sinadya kong wag magdala ng marami dahil balak kong balikan nalang ang iba kong gamit para may dahilan akong bumisita sa mansion kapag may free time ako.
"Kung ganon.. maari na po kayong tumuloy."
Napalingon ako sa direksyon na nilingon nito.
"C-castle?!" bulalas ko sa utak nang makita ang mataas na gusaling natatakpan ng mayayabong na puno at steel gate.
Halos malula ako nang marealize kung gaano kalaki at kalawak yon. May kalumaan na ang exterior non kung kaya't nasisiguro kong matagal na yong naitayo.
Walang tao sa gatehouse nang silipin ko at puno rin iyon ng mga gumagapang na damo. Sa loob ay makikita ang malawak nitong bakuran. May ilang sasakyan pa na nakaparada. Luma at bagong modelo.
"Hindi na dapat ako magulat dahil mayaman talaga ang pamilya ni Lolo.." isip-isip ko habang nakatutok ang mata sa marmol at batuhang daan sa loob.
"Miss Bri," basag ni manong driver sa pagkamangha ko, "May importante pa pong lakad si Lord Bertoldo."
Lord Bertoldo?
That was the first time I heard someone addressed Lolo in such manner kaya nagtaka ako. Binalikan ko ang ilang pagkakataon na nakasama ko siya dahil baka na-miss ko lang ang detalyeng yon pero sigurado akong "Don" ang tawag sakanya ng lahat.
Natauhan lang ako nang marinig ang biglang pag-arangkada palayo ng kotse, "T-teka, manong! Sandali!" habol ko, "May itatanong pa 'ko kay Lolo! Manong!"
Nagliparan ang mga ibon sa pag-alingawngaw ng boses ko. At sa kung anong dahilan ay nakaramdam ako ng kakaibang lamig.
"Nananaginip lang ba 'ko? Bakit nila ko iniwan ditong mag-isa?" mukmok ko sa utak habang nakatanaw sa kotse, "A-anong gagawin ko dito?!"
Nilamon ng pagkabahala ang utak ko nang manaig ang katahimikan. Mumunting huni ng ibon, kalmadong alon ng dagat at sanga ng puno nalang ang naririnig ko.
"You must be, Briana-
-Ay, kamote!" sa pagkabigla ay natalapid ako paurong at napaupo sa damuhan.
"My apology.." Mabilis niyang luhod, "Ayos ka lang ba?"
Napatda ako.
BINABASA MO ANG
Silver's Thirst [ Revising ]
VampirREAD AT YOUR OWN RISK!!! R-18 Silver, a vampire knight of royal blood, uses Yana's unique bloodline to gain immense power and infiltrate the lawbreaker's organization. This group, led by his grandfather, Lord Bertoldo, is entangled in conspiracies i...