Simula

658 19 7
                                    

Simula

Naglalaro ako sa dagat ng Club Paradise isang beach resort na pagmamay-ari namin.

Today is my eighteenth birthday. Legal age na ako. Pwede na akong uminom at manlalake.

Natawa na lang ako sa sarili kong naisip. Pero totoong gusto ko na makatikim ng alak, hindi ng lalaki.

Kaya ang goal ko bago matapos ang birthday ko ngayong araw ay makainom ng alak.

"Isla!" Sigaw nung kung sino man iyon.

Nilingon ko iyon at nakita kong papalapit sa akin ang mga kaibigan ko.

Si Vien, Arzeus, Patricia at syempre hindi mawawala ang bakla sa circle of friends namin, Si Eleis.

"Kanina ka pa namin hinahanap gurl!" Sabi sa akin ni Eleis.

"Ang daming gwapo dito!" Kinikilig na dagdag ni Eleis.

"Satru! May nakita nga akong gwapo banda doon. Nakita kong nakatingin siya sayo. Kaso nawala rin agad kasi may kumausap sa kanya." Sabi naman Patricia. Itinuro niya pa ang pwesto nung sinasabi niyang lalake na nakita niya.

"Anong lalake? Tigilan niyo nga si Isla." Seryosong sabi ni Arzeus.

"Ito naman ang kill Joy! Nasa tamang edad na si Isla kaya pwede na yan manlalake!" Reklamo ni Patricia.

"Kahit na! Hindi pa yan pwede magkaboyfriend hangga't di pa tapos sa pag-aaral!" Sabi ni Arzeus.

"Ano ba Zeus, ikaw ba ang magulang ni Isla para pagbawalan siyang magkajowa?" Inis na tanong ni Eleis.

Sus. Kunwari naiinis, gusto niya kasi si Arzeus. HAHAHA

"Bakit ang tahimik ni Vien?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Kasama kasi nila si Vien papunta rito, ako lang nahiwalay dahil kasama ko ang magulang at kuya ko papunta rito.

"Nag-away ata sila ng jowa niya." Sagot ni Patricia.

"Nanaman?" Kunot noong tanong ko rito.

Napapansin ko lang na madalas na silang mag-away ng boyfriend niya. Bakit di niya pa balakin na hiwalayan yon? Red flag naman kasi boyfriend ni Vien. Nakita na nga niyang may kasama at kahalikang babae, pinatawad niya parin.

"Oo, nakita niya kasing nagmamake-out yung boyfriend niya tsaka yung babaeng dala non." Paliwanag ni Patricia.

"Nakipaghiwalay na ba siya?" Tanong ko. Tumaas baba lang ang balikat ni Patricia, ibig sabihin ay hindi ito sigurado.

"Vien! Tara sa club, inom tayo!" Aya ko dito.

Dahil gabi narin naman. Why not we enjoy this night?

Alam narin naman ng parents at ni kuya na kasama ko ang mga kaibigan ko ngayong gabi at matutulog muna ako sa cottage nila Vien.

Kumuha kami agad ng alak. Inabot lang sa amin ito ng waiter pagkaupo namin sa pwesto namin.

Hindi ko alam kung anong brand ng alak ito, pero sigurado ako na tequilla itong iinomin ko. May alam naman kasi ako sa mga klase ng alak kaso sa brand wala.

Noong una ay nag-aalangan pa ako pero tinuloy ko parin dahil gusto ko.

Achievement ito bilang legal age kapag nakainom ako ng alak.

Itinunga ko ang alak, inubos ko iyon. Isinunod ko ang asin pagkatapos ay sinipsip ko ang lemon. Shet! Ang sarap pala.

"Dahan-dahan lang!" Sabi ni Arzeus.

Tumango naman ako sa kanya.

"Bakit hindi mo iniinom iyong sayo?" Tanong ko rito.

"Kapag pareho tayong nalasing, walang maghahatid sayo pauwi sa cottage mo." Seryosong sabi niya.

Stranger In ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon