Kabanata 7
"So ang sinasabi mo ay hinalikan ka niya dahil binantayan mo ang kapatid niya?" tanong ni Patricia.
"Ganun na nga." Kinikilig na sabi ko.
Nandito kami nila Vien at Patricia sa student lounge. Naikwento ko sa kanila iyong nangyari nung sabado. Sinabi ko rin sa kanila na si Phoebe ay kapatid ni Zach at hindi anak.
"Mygosh! Gurl! Magkakajowa ka na ata!" mahinang tili ni Patricia.
"Ano ba! 'Wag mo akong paasahin. Kinikilig ako!" pabalik na sagot ko.
"Kawawa naman 'yong isang lalaki... bakit kasi ayaw pang umamin. Mauunahan na tuloy ng iba." narinig sabi ni Vien.
"Sinong lalaki?" takang tanong ko.
Humarap si Vien sa amin pagkatapos niyang magtipa sa cellphone niya.
"'Yong kaklase ko. Nanghihingi ng advice. May gusto kasi siyang babae kaso may gusto namang iba yung babae." paliwanag niya. Ipinakita niya pa yung conversation nila ng kaklase niya. Hindi ko nakita kasi ang bilis lang rin iharap pabalik sa kanya.
"Isla!"
Sakto naman na dumating si Eleis at Arzeus dala iyong binili nilang pagkain.
"Nako! Sabihin mo diyan sa kaklase mo na umamin na agad. Siya rin ang magsisisi sa huli kapag hindi umamin." sabi ni Patricia.
Nakakunot ang noo ni Arzeus habang umuupo sa tabi ko. Ibinigay niya sa akin ang chichiryang hawak niya.
"Anong pinag-uusapan niya, gurls?" tanong ni Eleis na umupo naman sa tabi ni Patricia at Vien.
"Iyong kaklase ni Vien na lalaki, nanghihingi ng advice sa kanya. May gusto raw na babae kaso 'yong babae naman may gustong iba." paliwanag ni Patricia.
"Pogi ba 'yan? Sabihin mo sa akin na lang siya."
"Oo." sagot ni Vien.
"Ay! Gorabels na yan! Angkinin ko na siya kung ayaw nung gurl! Gusto ko na magka-jowa!" sabi ni Eleis na ikinatawa ko ng bahagya.
"Gusto mo?" alok ko kay Arzeus na nakakunot ang noo. Tinignan niya ako kaya ang ginawa ko ay kumuha ng isang piraso chips at isinubo sa kanya.
"Para kayong magjowa!" sabi ni Patricia.
"Ang sweet! Nakakainggit kayo. Lumayas nga kayo sa harap ko." pagtataboy ni Eleis sa aming dalawa ni Arzeus.
Nahihiyang napatingin ako kay Zeus na ngayon ay maaliwalas na ang mukha. Wala na ang kunot sa kanyang noo at napalitan na ito ng mumunting ngisi.
"Huwag nga kaya. Magkaibigan lang kami ni Zeus." sabi ko sa tatlo.
"Friendzone agad. Hahaha" natatawang sabi ni Vien.
"Hindi pa nga nanliligaw, na-friendzone na." dugtong ni Patricia.
"Ako, Zeus, hindi kita ife-friendzone." saad naman ni Eleis.
Natawa ako sa kanilang tatlo. Ginagawan kasi nila ng issue kami ni Zeus kahit wala naman dapat. Friend lang talaga ang turing ko sa kanya. Tsaka... may gusto na akong iba, kahit cold at ang sungit non sa akin ay gusto ko pa rin siya.
Again, I remembered the night where both of us shared heat, moans and kisses. That night was really a memorable gift. Even though it is pure lust... but I hope the next time we do that, hindi lang lust ang mararamdaman ko.
"Tara na." pag-aaya ko sa kanila.
"Bakit namumula ka? Sobrang pula ng pisngi mo!" sabi ni Vien.
Napahawak ako agad sa pisngi ko at naramdaman nga na parang ang init ng pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Stranger In Paradise
RomanceAt the age of eighteen, Isla Anastacia Acuesta lost her virginity to the stranger she met in paradise. Date Started: October 05, 2022 Date Ended: Written in Filipino Credits to the real owner of the book cover.