Chapter 6: Sunset

5 1 0
                                    


-—————-

Nakaupo si Daughny kasama si Sheldon na kung saan si Sheldon ay nakatingin sa tanawin.

The sky looks warm and the color of it is orange and the sun is about to set.

Pinapanood ni Sheldon ang papalubog na araw, habang si Daughny ay nakatingin kay Sheldon.

"Alam mo, lumubog man ang araw na nakikita natin ngayon, hindi magbabago ang hiling ko na ikaw ay magkaroon ng masaya at mapayapang buhay. I will never stop hoping you a good and peaceful life, simple man at hindi perpekto, basta ang hiling ko lang ay maging masaya ka habang buhay." Aniya Sheldon, nilingon ni Sheldon si Daughny na ngayon ay nakatingin sa kaniya at saka ito nginitian.

Nginitian din ni Daughny si Sheldon. Alam ni Daughny na parehas sila ng nararamdaman, ang nararamdaman nilang kalungkutan at pait sa matamis na ngiti na kanilang ibinigay para sa isa't-isa.

Tumingin silang dalawa sa magandang tanawin. Isinandal ni Daughny ang ulo niya sa balikat ni Sheldon at dinama nila ang kanilang pagmamahalan sa sandaling sila ay magkatabi at magkasama.

"Gaano man kapait ang mahaluan sa matamis inumin, hindi pa rin naman mawawala ang tamis kahit na mahaluan ito ng pait kung ito ay aalahanin." Aniya Sheldon.

Ipinikit ni Daughny ang kaniyang mata dahil gusto niyang damdamin ang bawat sandali na kanilang nararamdaman at pati na rin ang mga salitang binibitawan ni Sheldon.

"Sheldon, naniniwala ka ba na lahat ng bagay ay may hangganan?" Tanong ni Daughny.

"Oo naman, pero wala naman masama kung lahat ng bagay ay may hangganan, dahil hindi naman p'wedeng habang buhay iyon nag-eexist. Tulad nalang ng kalungkutan, hindi naman p'wedeng lagi kang malungkot, tulad nalang din ng galit, hindi naman p'wedeng lagi kang galit, tulad nalang din ng pagiging masaya, hindi naman p'wedeng lagi kang maging masaya. Alam mo kung bakit? Mahihirapan tayong mamulat sa realidad kung mananatili lang tayo sa isang lugar. Isa pa may tamang proseso para makamit ang tunay na kasiyahan sa buhay, simple lang ang proseso pero ang hirap gawin. Ang komplikado ng buhay 'di ba? Pero ayos lang 'yan, hindi ka naman nag-iisa.

Isa pa, sa bawat paglubog ng araw, senyales 'yon na tapos na ang kabanata mong iyon, at kapag naman tumaas na ang araw, iyon na ang senyales sa bago mong kabanata sa buhay." Sagot ni Sheldon habang nakatanaw pa rin sa tanawin at may ngiti sa labi.

Tumango-tango si Daughny habang nakasandal pa rin siya sa balikat ni Sheldon nang nakangiti.

"Sa wakas ng bawat istorya ito'y palaging may pait ngunit may tamis, at 'yon ang reyalidad ng istorya sa buhay natin."

"Magwakas man ang istorya natin, hinding-hindi naman matatapos ang pakikipagsumpaan ko sa Diyos at ang mga hiling kong walang hangganan." Aniya Sheldon. At sa pagkakataong iyon, nilingon ni Daughny si Sheldon. Nakangiti si Sheldon sa kaniya ngunit bahid sa mga mata nito ang kalungkutan, at bakas naman sa ngiti nito ang pait at tamis na nararamdaman niya. Napaawang na lamang si Daughny dahil sa hindi niya alam ang kaniyang sasabihin o gagawin lalo na sa kaniyang nararamdaman ngayon.

Hinalikan ni Sheldon si Daughny sa nuo nang matagal at naramdaman pa ni Daughny ang basa at mainit, na tumulo sa kaniyang nuo. Bigla na lamang din naramdaman ni Daughny ang kaniyang mga luha na bumabagsak na ngayon, pagkatapos halikan ni Sheldon ang nuo ni Daughny ay inilapit nito ang sariling mukha sa mukha ni Daughny, nagmala magnet ang labi nito sa labi ni Daughny. Parehas silang pumikit upang damdamin ang kanilang pagmamahalan, ngunit hindi pa ganoon na katagal na nakapikit si Daughny ay inilayo na ni Sheldon ang mukha nya at ngumiti ito nang matamis.

Hanggang ngayon ay lumuluha pa rin si Daughny, kaya pinunasan ito ni Sheldon gamit ang kaniyang hinlalaki at hinaplos ng kaniyang kamay ang pisngi ni Daughny. Tinignan niya nang mabuti si Daughny at ngumiti, "Alam kong maganda ka na pero, hindi bagay sa 'yo ang lumuha nang ganito.

Mas bagay sa 'yo na masaya kang nakangiti, kasi pakiramdam ko sobrang dilim at ang ginaw sa pakiramdam kapag ganiyan ka na lumuluha. At pakiramdam ko naman ay ang liwanag at nawawala ang ginaw ko sa pakiramdam kapag masaya kang nakangiti. Ang tunay na ngiti mo ang nagsisilbing liwanag at kumot ko sa madilim at maginaw na lugar." Aniya.

At sa huling pagkakataon, hinalikan muli ni Sheldon si Daughny sa kaniyang nuo at hinalikan din nito ang luhang babagsak na sa ilalim ng mata ni Daughny, at sa pinaka huling pagkakataon, onti-onting naging mala-abo ito na naglaho.

Nagbabadya na naman na tumulo ang luha ni Daughny, pakiramdam niya ay napaka bigat ng kaniyang nararamdaman kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib habang ang luha ay nagbabadyang bumagsak. Hindi niya alam kung saan niya hahanapin muli si Sheldon. Gusto niya itong hanapin ngunit pakiramdam niya ay hindi niya na ito mahahanap at makikita pa.

Habang hawak niya ang kaniyang dibdib dahil sa sakit at bigat na kaniyang nararamdaman, may nakita siya sa upuan na isang piraso ng papel na may nakasulat. Kinuha niya iyon at binasa.

"Dapit-hapon ang nagsasabi na ang panibagong kabanata ay paparating na. At ang kasalukuyang kabanata ay patapos na."

...
——————

My Myriad LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon