Chapter 5: Morning Coffee

17 4 4
                                    


- back to present -

Napahiga na lamang s'ya habang s'ya ay basang-basa dahil sa malakas na ulan. Napapikit na lamang s'ya at dinama ang matinding emosyon na kaniyang nararamdaman.

Maya-maya pa'y, may biglang nagsalita na pamilyar ang boses, kaya naman ay napaangat siya ng tingin at pag-angat niya ng tingin, doon nakita niya ang kanina pa'y kaniyang hinahanap. Napatingin siya sa paligid, at nag-iba nanaman pala ang lugar, hindi na rin basa ang kaniyang katawan at suot, maayos na at hindi siya giniginaw.

Parehas silang nakaupo sa upuan at may mesa sa harapan nila, ang mesa at upuang inuupuan nila ay sakto para sa dalawa. Kaharap niya ngayon si Sheldon na umiinom ng kape.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Sheldon nang may pag-aalala. Mabagal na tumango si Daughny bilang sagot. Ngumiti nang tipid si Sheldon at hinawakan ang kamay ni Daughny. "Sabihin mo lang sa akin kung ano yung problema mo, makikinig ako." Aniya. Ngumiti lang si Daughny at tumango, ngumiti naman pabalik si Sheldon.

"Hindi ko alam eh.. walang pumapasok sa isip ko ngayon." Aniya.

Napatango nalang si Sheldon at humigop nalang ng kape.

"Alam mo, hindi kita kayang mawala. 'Yon siguro ang magiging malaking problema ko." Biglang sabi ni Daughny.

Ibinaba ni Sheldon ang tasa ng kape sa lamesa at tiningnan si Daughny. "Bakit?" Tanong nito.

Ibinaba ni Daughny ang tasa sa table at tiningnan siya pabalik. "Dahil ikaw lang naman ang dahilan ko kung bakit pa ako nananatili sa mundong 'to. Wala na akong ibang bagay o kahit na ano, kundi ikaw na lamang." Sagot nito at tumingin sa bintana.

"Bakit naman? Bakit 'di ka nalang mabuhay para sa sarili mo?" Tanong ni Sheldon. Napabalik ng tingin si Daughny kay Sheldon.

Tumingin muna si Daughny sa bintana bago sagutin ang tanong ni Sheldon. "Ano pa ba ang meron ako? Isa pa, hindi ko alam kung macoconsider ko na nabubuhay ako para sa sarili ko dahil sa sarili kong kasiyahan, dahil ikaw ang nagpapasaya sa akin."

Ngumiti nang bahagya si Sheldon at humigop ng kape. "Paano nalang pag nawala na ako? Alam mong hindi imposible 'yan. Ano nalang mangyayare sa 'yo?" Tanong nito.

Nilingon ni Daughny si Sheldon bago sagutin ang tanong. "Well, I can't imagine myself without you. Kaya hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa akin. Mawawala na rin siguro ako sa mundong 'to kapag wala ka na. Kaya kung ayaw mo akong mawala, edi 'wag ka rin mawala." Aniya at tumawa pa nang bahagya.

Tumawa lang din nang bahagya si Sheldon at ngumiti nang tipid.

"Do you know why coffee can't be called coffee if it is too sweet?" Tanong ni Sheldon.

Tinignan ito ni Daughny sa mata ng may nagtatakang tingin. Umiling ito saka sumagot. "No, why?"

"Because coffees are not meant to be sweet if your purpose to drink it is to wake up. It is also should be hot enough to wake you up and it should be also bitter enough for you to drink it and wake up. And another thing is, if you drank too much coffee, you'll get a palpitations and others that will cause you a bad effect. You know why?" Aniya na parang may pinaparating sa bawat salita na kaniyang binitawan. Napatango-tango naman si Daughny sa kaniyang mga sinabi. Tinignan muli ni Daughny si Sheldon sa mata na may seryoso at nag-aabang na tingin.

"Hindi, bakit?" Sagot nito sa tanong niya. Ngumiti si Sheldon at saka sinagot si Daughny.

"It is like a forbidden drug and a cigarette. You shouldn't abuse your health. The purpose of those bad effect is to stand on your own feet. If you have to wake up early, you have to fix your schedule so that you'll wake up early. You can't just keep relying on some things. You have to effort and stand on your own feet." Aniya't ngumiti nang tipid. Ngumiti si Daughny at tumango-tango. "I get it, thanks for telling me, I appreciate it." Sagot ni Daughny.

Pagka kuha ni Daughny ng tasa ng kape at bago niya ito higupin, nakita niya si Sheldon na parang may sinasabi ngunit hindi niya ito marinig at maintindihan kaya tinignan niya muna nang mabuti si Sheldon para malaman kung ano ba ang sinasabi nito.

"Ano sabi mo? Hindi ko marinig." Aniya.

Inulit ni Sheldon ang sasabihin at may naririnig na siya ngunit hindi mawari kung ano ba iyon. "Lamang ito.... ka na..." Aniya. Ang ibang mga salitang lumabas sa bibig ni Sheldon ay di na marinig ni Daughny, ngunit nakikita naman ni Daughny sa bibig ni Sheldon kung ano ba ang sinasabi nito ngunit 'di niya pa rin malaman kung ano ba talaga ito.

———

Nagising si Daughny sa isang mahabang panaginip, gulat at nagtataka ang nararamdaman niya sa panaginip na 'yon, gusto niya malaman kung ano ba ang ipinaparating ni Sheldon.

Uminom si Daughny ng isang sleeping pill, mahigit dalawang araw na palang natutulog si Daughny, at ngayon gusto niya nanaman matulog para lang malaman kung ano ba ang ipinaparating ni Sheldon.

...
—————————

(A/N: Basta kapag present, ayun yung panaginip ni Daughny or ayun yung time na tulog sya at nananaginip.)

—————

My Myriad LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon