Simula
Two years later.
Mew Dela Fuente's Point of View
May ibang magsasabi sa atin na talo raw ang mga taong sumusuko. Siguro nga ay tama sila. Tama sila na iyong mga taong hindi nangahas na ipaglaban ang gusto nila ay mga tunay na talunan.
Talunan. Talunan nga ba ako? Marahil. Sapagkat hindi ko ipinaglaban ang taong mahal ko. Na imbes na panghawakan ko ang taong nagbibigay sa akin ng lakas, mas pinili ko siyang itaboy nang dahil lamang gusto kong mabawasan ang sakit na maidudulot ko sa kanya pagdating ng panahon. Na imbes na manatili sa kanya, mas pinili kong bumitaw.
Ngunit kung talunan man ang mga taong kagaya ko na sumusuko, may mas talunan pa. May mas malala pa.
Sila ang mga taong sumuko at hindi natuto sa kanilang pagkatalo. While those who gave up are considered idiots, those who gave up and never learned from their mistakes are considered fools.
Mas talunan ang mga taong hindi natuto sa kanilang pagkakamali.
Inaamin kong marami akong pagsisisi sa mga naging desisyon ko sa buhay. Lalo na sa mga naging desisyon ko sa relasyon namin ni Gulf. I have so many what ifs.
What if I did not give up?
What if I forced myself to be strong enough?
What if I held on to our love?
What if I let him stay by my side?
Marahil ay hindi kami humantong sa ganito. Marahil ay hindi siya tuluyang nawala sa akin.
Sobrang nahirapan ako na tanggapin ang kanyang pagkawala. It was the hardest phase of my life. Maraming beses kong naisipang sumuko. Nawalan ako ng ganang mabuhay. I couldn't even care anymore about the fact that I lost my chance to become an accountant. Nalugmok ako sa kalungkutan dahil sa pagkawala ni Gulf. Sa pagkalugmok kong iyon, unti-unti akong nawawalan ng pag-asa.
Hinintay ko na lamang tuluyang manalo ang aking sakit laban sa akin. Hindi na ako nagtangkang magpagamot pa kahit anong pilit ni Mama sa akin.
Isang araw matapos ang libing ni Gulf ay umalis ang buong pamilyang Mesarge patungong Amerika. Iniwan nila ang bahay na katabi lang ng sa amin. Ni hindi nga ako nakapagpaalam kay Lola Lilia. Ni hindi ako muling nakahingi ng tawad sa kanya. Na kahit kapatawaran niya man lang ay makakatulong na maibsan ang sakit na aking dinidibdib.
At one point, I was happy that I have pancreatic cancer. Naging masaya ako dahil inisip kong malapit na akong mamatay. Na hindi na mahaba ang buhay ko. Na hindi na mahaba pa ang aking pagdurusa. Na pagkatapos ng lahat ng ito, muli kong makakasama si Gulf.
Ngunit naisipan kong unfair iyon kay Mama. Kaming dalawa lang ni Mama sa pamilya maliban kay Lola na nakatira sa kabilang barangay. Kung iiwanan ko siya ay sino naman ang mag-aalaga sa kanya?
Sa mga panahong iyon ay naisip kong naging talunan man ako noon, hindi ko hahayaang maging mas talunan pa. Sapagkat sumuko man ako noon, hindi naman pwedeng hindi ako natuto sa aking pagkatalo.
After that realization, my mom and I went to Metro Manila to have a second opinion about my disease.
And the diagnosis? There was none. Wala. Dahil wala raw akong sakit. Wala akong pancreatic cancer.
Sumangguni pa kami sa ibang ospital upang makasigurado. Ngunit iyon din ang sabi.
I am perfectly healthy.
Ngunit hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit imbes na matuwa sa magandang balita ay hindi ako gaanong nasiyahan. Marahil ay dahil na rin sa katotohanan na hindi ko pa muling makakasama si Gulf sa mas lalong madaling panahon.
BINABASA MO ANG
Memories of a Heartbreaker (Book 2 of Breaking the Heartbreaker's Heart)
FanfictionBook 2 of Breaking the Heartbreaker's Heart. A tragic accident led to a tragic turn of events on Mew Dela Fuente and Gulf Giddeon Mesarge's lives. - After a terrible car accident, the Mesarge family flew to the US for Gulf's post-accident trauma. Na...