Kabanata 1

192 35 9
                                    

Kabanata 1: Mga Bagong Alaala

Sinungaling ako kung sasabihin kong kailanman hindi ako umasang muli siyang babalik sa akin. Dahil araw-araw kong pinagdasal ang takdang ito.

I have always dreamt for this moment to come.

At sinungaling din ako kung sasabihin kong ayos lang ako ngayon. Dahil hindi ako ayos. Halo-halo ang aking nararamdaman. Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa aking harapan.

Sobrang lakas ng pintig ng aking puso na tila gusto nitong kumawala sa aking dibdib.

May isang lalaki pa ang pumagitna sa amin, si Antonii. Tila eskandalo na iyon at nagtitinginan ang lahat sa harapan. Ngunit wala pa rin akong pakialam.

Napahawak si Gulf sa kanyang ulo, tila may nararamdamang sakit at agad naman siyang sinaklolohan ni Brylle. Saglit na dumaan ang sakit sa aking puso nang mapansin kung gaano karahan ang pagkakahawak ni Brylle sa ulo ni Gulf. Tila puno iyon ng pag-aalala.

"Mew, let's talk outside," saad ni Antonii.

Nalilito pa rin ako. Naguguluhan. Hindi pa rin tuluyang naproproseso ang lahat ng pangyayari. Masyadong mabilis ang lahat.

Seryoso akong tinitigan ni Antonii. Ngunit ibinaling ko ang tingin kay Gulf dahil na rin sa pag-aalala. Hinila siya ni Brylle palabas ng classroom. Gustuhin ko mang sundan sila ay hindi ko nagawa sapagkat hinarangan ni Antonii ang daanan at dahil nanghihina pa rin ang aking buong katawan ay wala akong lakas upang hamunin ang kanyang pagharang.

Seryoso kong tinitigan si Antonii nang tuluyang mawala sa aking paningin sina Gulf. Hula ko ay sa clinic sila pupunta o di kaya ay uuwi na.

"Follow me," utos sa akin ni Antonii.

Hindi ako sanay na inuutusan ngunit ginawa ko ang gusto niyang mangyari. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa may field ng eskwelahan. Pinagtitinginan kami ng mga tao ngunit dahil malayo naman sa mga classroom ay malabong marinig nila ang aming pag-uusapan.

"I know you have a lot of questions right now," panimula niya. "For the sake of our friendship, I will explain to you everything you might want to know."

"It was Gulf, right?" I sounded desperate. "My Gulf Giddeon."

"Yes. It's Gulf. Gulf Giddeon Mesarge, my cousin."

But how is it possible? Nakita ng aking sariling mga mata ang bangkay niya!

Tila nabasa ni Antonii ang mga tanong sa aking isip.

"It wasn't his body that was burned inside the car."

Kumunot ang aking noo dahil naguguluhan ako. Ngunit nanatili lamang akong tahimik.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "When the car crashed, the car was already starting to burn but Gulf managed to get out. Nakatakbo siya bago pa man tuluyang masunog at sumabog ang sasakyan. As for who the person was inside the car when it was found, we still have no idea. Hula namin ay nagtangka ang taong iyon na magnakaw sa mga gamit sa loob ng sasakyan kahit pa nasusunog na iyon."

"Kung ganoon ay bakit hindi agad nagpakita si Gulf pagkatapos ng aksidente?" naguguluhan kong tanong. Bakit hindi siya nagpakita noong binuburol pa ang akala namin ay bangkay niya?

"Believe me, we were so confused at first. But Brylle found him inside the house after the scattering of what we thought were his ashes. It turned out that he was alive. He had dirty clothes on him. Nagka-amnesia siya. She suffered from amnesia ngunit ang unang ala-alang bumalik sa kanya ay ang bahay ni Lola Lilia. Iyon lang ang natandaan niya sa panahong iyon. Kahit noong umalis kami patungong US, hindi niya pa kami muling naaalala. It took him a few weeks to remember us again."

Memories of a Heartbreaker (Book 2 of Breaking the Heartbreaker's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon