Kabanata 5

239 29 20
                                    

Dedicated to Mommy Merci

Kabanata 5: Susugurin Kita

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko. Saka lamang ako kinain ng konsensya nang lumipas ang sampung minutong katahimikan sa loob ng classroom.

Limang tanong ang ibinigay ko sa kanila at puro essay iyon. Halata sa mga mukha nila na wala silang maisagot kaya kung hindi man mangiyak-ngiyak ang kanilang ekspresyon ay wala naman silang pakialam.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Gulf kaya naman ay kinabahan na ako. Paano kung mas lalong lumayo lamang siya sa akin? Siguradong sasama ang loob niya.

Tsk. Tanga-tanga mo talaga, Mew. Imbes na mapalapit sa kanya ay mas lalo mo lamang siyang ginalit. Ngayon ay nadagdagan na naman ang dahilan niya para layuan ka.

Naisip ko rin na unfair iyon sa ibang kaklase nila. Si Harold at Gulf lang naman, o si Harold lang talaga ang kinainisan ko kaya ko nagawang magbigay ng ubod nang hirap na quiz na alam kong hindi nila kayang sagutan dahil iyon ang mga topic na aaralin namin sa buong semestre. Siguro ay mali ako dahil nagpadala ako sa aking emosyon at dinamay ko pa ang iba sa kagagawan ng isa.

"That's enough," pagkuha ko sa mga atensyon nila. "You will submit your papers at the end of the semester. Submit it together with your final requirement."

Nagliwanag ang kanilang mga mukha, halatang nabunutan ng tinik sa kanilang mga lalamunan.

"Yey! Salamat Sir!" isa-isa nilang sabi.

Sinulyapan ko muna si Harold na ngayon ay tahimik pa rin. Paano ba naman dahil halatang nagalit sa kanya ang kaniyang mga kaklase dahil sinisisi siya sa nangyari.

"Since you have a lot of time to work on that requirement, I will expect a lot from your outputs," bilin ko. "Sabihan niyo ang mga wala rito tungkol sa assignment na iyan." Sabihan niyo si Gulf nang maibsan ang galit niya sa akin. Sana naman hindi siya galit.

"Yes, Sir!" sagot ng iba. Samantala ay tumango lamang ang iba.

Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase namin. Mabilis na nagsialisan ang iba patungo sa kanilang next period samantala ay mabagal naman ang kilos ng iba.

Lumapit sa akin si Sheina, isa sa mga estudyante ko. Nakaalis na ang lahat ng kaklase niya at kaming dalawa na lamang ang naiwan. "Sir, do you need any help?" she asked in a flirty manner.

Sexy ang kanyang pananamit. Maiksi ang palda at kita ang cleavage niya. Hindi ko alam kung bakit hinayaan siyang pumasok sa paaralan gayung masyadong revealing ang suot niya. Kahit walang unipormeng nakatakda ang paaralan na ito ay dapat naman na disente at hindi daring ang mga suot ng mga estudyante.

"Ah hindi. Okay lang. Wala naman akong maraming dadalhin," pagtanggi ko.

"Sure ka, Sir?" She bit her lower lip and sat on the table. Mas lalong nakita ang kanyang legs.

Nagsalubong ang aking mga kilay. "Miss Perez, bakit ganyan ang suot mo? Please visit the Student Affairs Office and report yourself by writing a letter of apology. Masyadong maiksi ang palda mo. Don't come to my class tomorrow without that letter signed by the SAO director."

Nagulat siya sa aking sinabi at mabilis na bumaba mula sa table. Hindi ito ang unang beses na nangyari na may babae o lalaking estudyante na sumubok na makuha ang loob ko. Hayst.

Iniwan ko na siya roon at dumiretso na sa aking susunod na klase. Dire-diretso kasi ang aking schedule hanggang alas dose ng tanghali.

Nang matapos ang aking klase ay nagtungo naman ako sa cafeteria upang kumain bago pumunta sa Warden and Norton na accounting firm kung saan ako nagtratrabaho sa hapon. Hindi naman ako madalas kumain dito sa cafeteria ng school kasi sa opisina ako nasanay na kumakain. Ngunit dahil nagugutom na ako ay dito na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories of a Heartbreaker (Book 2 of Breaking the Heartbreaker's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon