Kabanata 4

143 26 6
                                    

Kabanata 4: Naghaharutan

Nang makarating kami sa parking lot ng paaralan ay mabilis na bumaba si Gulf mula sa aking sasakyan.

"Salamat," aniya bago isarado ang pintuan. Pagkatapos noon ay nagmamadali siyang umalis.

Sampung minuto pa ang natitira bago mag alas nuebe ng umaga. Dalawang minuto pa akong nanatili sa loob ng sasakyan.

Siguro ay dapat makuntento na muna ako sa mga ganoong interaksyon namin ni Gulf. Hindi man masaya ay at least nakakasama ko siya. Sana ay maulit pa bukas.

Hindi ko nga pala naitanong sa kanya kung bakit mukhang wala si Antonii at Brylle ngayon sa kanila.

Bumuntong-hininga ako. Hindi mawala sa aking isipan na iniisip niyang masama akong tao.

Tinungo ko ang faculty room upang kunin ang aking mga gamit sa aking cubicle. Nakasalubong ko si Andres sa may hallway.

"Oh bro. Bakit parang namatayan ka yata?" tanong niya sa akin.

Hindi ko manlang napansin na nakasimangot pala ako habang naglalakad.

"Ah, grabe ka naman sa namatayan. Masama lang ang gising."

"Makes sense," natatawa niyang saad. "Anyway, August invited us later sa Parayawan. Inuman daw."

"Lunes na lunes gusto niyo na agad magpakalasing. If you guys want to die early, huwag niyo na akong idamay," sagot ko.

"Patay agad? Hindi ba pwedeng magkasakit muna sa atay?"

"Basta hindi ako sasama. Alam mo namang may trabaho pa ako mamaya sa Warden & Norton. I have many accounts to review. I'd rather go home after I get off from work. And besides, hindi ba ay nag-inuman pa lang kayo noong sabado?"

"Oo. At hindi ka sumama. Hindi ka na naman sasama mamaya? What is wrong with you? Simula nang magumpisa ang klase ay malimit ka nang hindi sumama sa amin."

"Pass lang muna bro."

"Basta kung magbago ang isip mo ay itext mo lang ako," aniya.

Tumango lamang ako.

"Oh siya, mahuhuli na ako sa klase ko," paalam niya bago tuluyang lumabas ng faculty room.

Kinuha ko ang aking mga gamit at nagpunta na sa aking unang klase sa Financial Management. Mga graduating students na sila.

Gulf was first year when he left for US after the accident. Hindi pa namin napag-usapan kung paano siya nakahabol pero hula ko ay nag-aral din siya sa Amerika kaya siya nasa 5th year na ngayon. Siguro ay advanced ang subjects sa Amerika kaya ganoon at dahil matalino naman siyang estudyante ay hindi iyon naging mahirap sa kanya.

Sinubukan kong ngumiti at ayusin ang aking facial expression bago pumasok. Paano ay naconscious ako dahil sabi kanina ni Andres ay mukha akong namatayan. Ayaw ko namang isipin ng mga estudyante ko na may pinagdadaanan ako.

"Good morning, class," bati ko nang makapasok sa silid.

"Good morning, Prof. Dela Fuente," bati nila pabalik.

Unang hinanap ng aking mga mata si Gulf. Wala siya sa kanyang upuan sa harapan at nahanap ko siya sa may bandang likuran katabi ng ilang mga lalaki sa klase.

Nakita kong kinakausap siya ni Harold na kilalang playboy sa kanilang batch. Nakaakbay pa siya kay Gulf na nagpakuyom sa aking mga kamao.

"Gulf, why are you not in your proper seat?" seryoso ngunit may pagbabanta sa aking tanong.

Mabilis na tinanggal ni Harold ang kanyang brasong nakaakbay kay Gulf. Sinamaan lamang ako ng tingin ni Gulf.

"As far as I remember, wala naman kaming seating arrangement, Mr. Dela Fuente," mapanghamon niyang saad. "You did not assign us to any particular sear. So technically, we can sit wherever we want."

Memories of a Heartbreaker (Book 2 of Breaking the Heartbreaker's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon