Kabanata 2

169 28 8
                                    

Kabanata 2: Nanalo Rin

Isang linggo na simula nang muling bumalik ang mga Mesarge rito sa Cornella. Ibig sabihin ay isang linggo na rin na pumapasok si Gulf sa aking klase sa Accounting.

What happened during the first day was a lack of judgement. Hinayaan kong pangunahan ako ng aking emosyon. Hindi ko naisip na pwede iyon makompromiso ang aming relasyon bilang guro at mag-aaral. Sa ngayon ay casual ang aking pakikitungo. Hindi pa pala ako nakakahingi ng tawad sa kanya tungkol sa nangyari noong unang araw ng eskwela.

Handa naman akong umalis sa pagtuturo kung sakaling umabot kami sa puntong magiging kami na. Pero ngayong hindi pa ay dapat dumistansya muna ako sa kanya lalo na rito sa campus.

Hays. Napaka-assuming ko naman at advance mag-isip.

Araw ngayon ng Lunes. Abala ako sa pagsisibak ng kahoy nang maramdaman kong may nagmamasid sa akin. Gaya nang nakasanayan ay wala akong tshirt na suot. Nag-angat ako ng tingin sa bintana ng ikalawang palapag ng kapitbahay. Ngunit wala namang tao na nakatayo sa may bintana o di kaya ay kahit nakadungaw man lang.

Ipinagkibit balikat ko iyon. Guni-guni ko lang siguro. Pagkatapos iligpit ang mga sinibak na kahoy ay naligo na ako at nagbihis. Sandali akong nanatili sa bintana ng aking kwarto upang magmasid sa kapitbahay. Wala ang kanilang sasakyan sa garahe. Sa mga nakaraang araw ay napansin kong palaging hatid-sundo ni Brylle si Gulf. Hindi lanh ako sigurado kung ano ang relasyon nilang dalawa. Sana naman ay wala.

Ibig sabihin ba ay hindi siya ihahatid ni Brylle ngayong araw?

Alas otso y media na ng umaga kaya bumaba na ako at kinuha ang susi ng aking sasakyan sa lalagyanan. Pagkatapos noon ay inilabas ko na ang sasakyan sa garahe at pansamantalang ipinark sa gilid ng kalsada. Lumabas ako ng sasakyan at sumandal sa may pintuan ng driver's seat.

Nang lumabas si Gulf ng kanilang gate ay hindi ako mapakali. Tinutulak niya ang kanyang lumang bike na nakita kong nirepair lang ni Antonii noong Sabado dahil luma na at kinakalawang na ang mga pyesa. Ngayon ay mukha na iyong bago.

Kagaya ko ay papunta na rin siya ng paaralan.

Tila lalampasan niya ako kaya hindi na ako nagdalawang isip pang tawagin siya.

"Gulf!"

Napatigil siya at hinarap ako. Ngumiti siya nang pilit, tila naiirita sa akin. Naramdaman ko naman ang paghuhuramentado ng aking puso.

"Good morning, Mr. Dela Fuente. Nariyan po pala kayo. Hindi ko napansin."

Mr. Dela Fuente. He really did forget about me. Dahil ang Gulf na nakilala ko noon ay hindi Mr. Dela Fuente ang tawag sa akin. Ang Gulf na kilala ko noon ay hindi mananatiling nakaharap sa akin nang hindi ako niyayakap. Tunay ngang nakalimutan niya ako.

"You can just call me Mew, lalo na kung wala naman tayo sa campus." Ginawaran ko siya ng ngiti.

Tumaas ang kanyang kilay at dahan-dahang tumango. "Okay. If that's what you want," malamig niyang saad.

Naramdaman kong tila nilulukot ang aking puso. Bakit parang naiirita siya sa akin? Bakit parang ayaw niyang nakikita ako?

Gayunpaman ay sinubukan kong muling ngumiti. "Pasensya ka na pala tungkol sa nangyari noong nakaraang Lunes. I mistakenly thought you were someone else."

Oo. Napagdesisyunan kong hindi ko na lang pipilitin na muli niyang maalala ang mga pinagsamahan namin. Napagdesisyunan kong muli ko na lang siyang paiibigin sa akin. At gagawa na lang kami muli ng mga bagong alaala.

Muling tumaas ang kanyang kilay dahil sa narinig. Ngunit ngumiti siya nang hilaw pagkatapos. "Okay lang. Pero sana huwag mo nang ulitin." Tila may halong pandidiri nang sabihin niya iyon.

Memories of a Heartbreaker (Book 2 of Breaking the Heartbreaker's Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon