Chapter 4

2 0 0
                                    

Sumunod ako kay Maam delapaz. Nakarating narin kami sa faculty, madami ang mga tambay na teacher dito ngayon. Wala narin kasi silang klase. Break time na kasi.

Sinenyesan ako na umupo sa sofa at agad ko naman iyon ginawa. Kumuha si maam ng papel at binigay sakin. Agad ko rin naman iyon sinagutan.

Mabilis din naman akong natapos sa exam. Binigay ko ulit yung papel kay maam. Pinayagan na niya akong lumabas, nagpaalam na rin ako sa kanya at sa iba pang mga teacher.

Agad akong pumunta sa cafeteria. Tanaw ko ang malaking ulo ni Max. Tumakbo ako palapit sa kanila.

"Oy! San ka ba galing? Nawala ka na lang bigla sa likod namin ng parating na tayo sa room." Nagaalalang tanong ni Yellowbelle.

Ano kaya pwede kong itawag dito sa kanya. YB? Belle? Yellow? Pero mas bet ko yung Belle. Yun nalang.

"Ayos lang ako, may inutos kasi yung ibang teacher sakin kaya natagalan ako, sorry." Sabi ko habang kinukuha yung pagkain sa kanila.

"Hoy! Ano yan ah? Nag-order ka teh? Bili ka kaya muna noh?." Sabay hablot nung burger sakin ni Max.

"Ang damot mo." Sabay pout sa kanya para maawa siya.

At mukang success ang drama ko dahil binigay niya ulit sakin yung burger. My burger, hoooo kainan na.

Kakainin ko na sana ng agawin sa akin ng kung sino.Tiningnan ko kung sino yun pero di ko kilala siya.

Pangiti-ngiti pa ang mokong. Akin kaya yung burger. Basta na lang hablot ang hudas. Sino ba to?

My burger, my burger, my love burger. Kaasar akin yun eh. Akin yun, akin, akin, akinnnn!!!!

Kukuhain ko na sana sa kanya iyon ngunit tinabig lang niya yung kamay ko. Sa pangalawang pagkakataon ulit hinampas naman niya. Tumigik na lang ako at umupo. I crossed my arms as sign that I'm mad to him. I dont even know him so why did he snatch my Burger.

"Salamat ah, ang sarap nun. Pwede isa pa?" Sabay kuha ng burger nila Max at Belle.

"Anak ng.... Kinuha mo na nga lahat eh. Sino ka ba? Wala ka bang pera pambili? Muka ka namang mayaman kaya bakit ka nangunguha ng di sayo?" I said then try to snatch our food.

"Wala eh, kaya sige na please akin nalang yan. Maawa na kayo sakin, wala talaga akong makain ngayon." His pouting before snatching the other food.

Muka namang naawa yung dalawa kaya binigyan din nila ito ng inumin.

Ay wow, siya may pagkain, kami na bumili wala. Galing naman sobra.

A new storyWhere stories live. Discover now