Chapter 5

1 0 0
                                    

Naguguluhan ako sa sarili ko hindi ko maintindihan kong ano ba talaga. Natatakot akong magmahal, dahil yung mga tao rin na nagmamahal sakin nawawala. Natatakot akong maiwang nagiisa ulit.

Umalis ako ng mga oras na yun. Tumakbo ako ng tumakbo. Pero naabutan pa rin ako ni Kyle.

Niyakap niya ako ng mahigpit na tipong ayaw na niya akong pakawalan. Naramdaman kong basa na yung balikat ko. Unti-unti ring lumuwag yung yakap niya sakin.

"Adi please choose me right now. I'm willing to do anything for you. Please choose me. Adi i love you so much, please." Tugon niya habang naiyak.

Humarap siya sa akin, pinisil-pisil niya yung mga daliri ko. Kita ko ang sakit sa mga mata niya.

Hindi ko maintindihan kong bakit ganon na lang ang kanyang inaasta sakin. Wala akong matandaan na may relasyon kami noon.

"Kyle please, tigilan mo na to, ano ba to ha? Wala tayong relasyon kaya tigilan mo na to. Ngayon lang tayo nagkita kaya please leave." Mahinahong sabi ko sa kanya. Na pilit kinukuha ang kamy ko.

"Adi please naman, mahal kita. I love you so much, ikaw lang ang minahal ko ng ganito kaya please Adi naman. Mahal ko, I love you so much." Pakiusap niya habang umiiyak.

Buong lakas kong kinuha yung kamay ko at tumakbo na para makaalis. Hindi ko na siya nilingon pa at baka habulin niya pa ako.

Ramdam ko yung sakit na meron siya. Nakaramdam na rin ako niyan. Naramdaman ko sa kanya yan.

Mahal ko rin siya pero nawala siya sa buhay ko. Nawala siya ng dahil sakin. Kasalan ko kung bakit siya nawala.

Dumiretso ako sa restroom, buti at walang mga estudyante. Doon n bumuhos ang kanina ko pang tinitiis na mga luha. Napahagulgol ako doon dahil sa sakit.

Di ko alam kong bakit ako nasasaktan sa lahat ng sinabi niya. Lalo nang makita ko siyang umiiyak sa harap ko.

Kung sakali nga na may relasyon kami , at sabi niya piliin ko siya ngayon ibig sabihin ay hindi siya ang pinili ko noon. Iba ang pinili ko, pero bakit ganon na lang ang kanyang epekto sakin.

Pinunasan ko na agad yung mga luha ko. Nakarinig kasi ako ng mga yapak na palapit dito. Naghilamos na rin ako para hindi halata ang pagiyak ko kanina.

Dumiretso na ako sa room para sana magpahinga. Pagkapasok sa room agad na akong umupo sa upuan ko.

"Sis, ayos ka lang ba? May sakit ka? Umiyak ka ba?" Nagaalalang tanong ni Max sakin.

"Oo nga para kang umiyak ayos ka lang ba? Adi kung may problema pwede karin magsabi sakin o samin ni Max. Magkakaibigan tayo gaya ng sabi mo."

"Ayos lang ako, pagod lang siguro. Hindi ako umiyak napuing lang yan. Tas nagpatulong sakin sila manang magihaw kaya medyo ganyan yung mga mata ko. Pasensya na pero pahinga na muna ako."

A new storyWhere stories live. Discover now