GERVIONE KIRSTYN GELOROSO
Point of View
-----------------
***"Seryoso ka ba talaga sa gagawin mong desisyon, Groxx? Kasi buhay na natin yung nakasalalay dito." seryosong tanong sa kaniya ni Garreth.
"Yes, and this time may kailangan tayong malaman." gusto ko maintindihan yung sinasabi ni Groxx pero hindi ko talaga maintindihan, pero magtitiwala ako sa kaniya.
Dahil base sa mga kinikilos niya alam niya lahat at 'yon ang gusto kong malaman dahil ramdam ko na may napapansin siya at gusto niya mang sabihin sa akin ay hindi niya magawa kaya kailangan ko yung malaman.
Nakaupo lang ako sa passenger seat at hinihintay na makarating ulit kami sa building na pinagtambayan namin ng halos magdadalawang araw na, pilit kong iniintindi ang lahat dahil unti-unti na rin akong may nararamdamang kakaiba, may hindi tama sa loob ng sasakyan namin. Hindi ko alam pero may kakaiba, may hindi totoo.
"Nandito na tayo." tiningnan ko ang lumang haunted building ng sabihin 'yon ni Groxx at tuwing tinitingnan ko ito ay kinikilabutan pa rin ako.
"What's now, Groxx? Ano na ang gagawin natin dito." tanong sa kaniya ni Hendrix pero halos walang nagsasalita at lahat kami at nakatingin lang kay Groxx.
"Groxx?" ulit na tawag sa kaniya ni Candice.
"Bumaba na tayo, kailangan natin pumunta sa fourth floor sa ikaapat na kwarto." nangunot ang noo na napatingin kami sa kaniya. Seryoso ba siya?
"Groxx, are you okay? Seryoso ka ba talaga? Ipapahamak mo ba kami? Groxx! Ang taas ng fourth floor at hindi natin alam kung matibay pa ba yang building na 'yan! Paano kung gumuho 'yan at mamatay tayong lahat? Groxx! Mag-isip ka naman." galit na sabi ni Garreth kay Groxx pero nanatiling kalmado si Groxx at tumingin sa akin-yung mga tingin niya na 'yon, nanghihingi siya ng tulong sa akin.
"Trust me guys-" hindi na natapos ni Groxx ang sasabihin ng bigla siyang barahin ni Hendrix.
"No, Groxx. Not this time, huwag naman natin isaalang-alang yung buhay natin para lang sa iba." seryosong sabi ni Hendrix kaya naman napatingin kami sa kaniya.
"We need to go, kung ayaw niyo kami na lang ni Kirstyn ang pupunta doon-" huminga ako ng malalim dahil kahit ang daming tanong sa isip ko ay gagawin ko 'to.
"No, sasama kami sa inyo. Hindi namin alam kung ano yung gusto mong mangyari, Groxx pero this time magtitiwala kami sayo. Hindi namin alam bakit gusto mo pumunta sa fourth floor ng building na yan sa ikaapat na kwarto pero go! We will go with you." suportang sabi naman ni Devyka kaya napangiti ako.
"Sasama din ako, pero yung ayaw sumama wala namang problema. Hintayin niyo lang kami dito mabilis lang kami." pagsama din ni Larisa.
"K-Kahit natatakot ako pero sige! Sasama na rin ako, ayaw ko naman magpaiwan mag isa dito." ngumiti ako kay Candice at tiningnan pa kung sino-sino pa ang sasama.
"Sasama na rin ako, para mapabilis tayo." kahit natatakot ay sumama na rin si Yenesia at agad na kumapit kay Devyka.
"Gusto ko mang sumama pero walang maiiwan kay Garreth kaya ako na ang bahala sa kaniya. Basta bilisan niyo lang, hihintayin namin kayo. Groxx, hindi ko alam ano yung gagawin mo pero sana after nito buhay naman namin ang isipin mo." seryosong sabi sa kaniya ni Hendrix pero hindi tumango o sumagot manlang si Groxx kay Hendrix.
"Mag-iingat kayo, bilisan niyo lang." ngumiti naman ako kay Garreth bago niya isara ang pinto ng van.
After maisara ang pinto ng van at dumiretso na kami papasok ng haunted building, puno ng tanong ang utak ko pero imbis na itanong o ano pa ang gawin ko ay hinayaan ko na lang muna ang mga mangyayari.
"Kailangan nating bilisan, kailangan natin silang mailigtas." nagtaka naman ako sa sinabi ni Groxx, at halos kami ay napahinto sa paglalakad ng sabihin niya 'yon.
"Groxx, pwede bang sabihin mo sa amin? Hindi kasi namin maintindihan yung mga sinasabi mo." huminga ng malalim si Groxx at napasapo na lang sa ulo niya.
"Guys, kailangan natin magmadali dahil kailangan natin mailigtas sila Aling Carmelita at Andrei." nanlaki ang mga namin sa sinabi ni Groxx, mailigtas sila Aling Carmelita at Andrei?!
"No, you're joking right?" umiiling na tanong ni Candice.
"Groxx, they are dead. Ano bang sinasabi mo?! I saw it, mismo ng dalawang mata ko na wala na sila, doon mismo sa bahay nila. Nandoon yung mga labi nila nakaukit sa lapida!" mahinang sabi ni Larisa pero may galit sa mga boses niya.
"And nakakalimutan niyo yata na course ko 'to, I investigate every each of you and even those things in that house. Hindi sila patay at hindi sila multo o ano pa man, but one or two of us is a traitor nor a killer." halos manlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ni Groxx, seryoso ba siya?!
"Groxx, we need to go there!" mahinang sabi ko at nagmadaali na kaming umakyat lahat at mabilis na naglakad papunta sa fourth floor.
"Shit! Hindi ko alam bakit nangyayari sa ating 'tong mga 'to, at sino naman ang gagawa nito kila Aling Carmelita at Andrei?" tanong ni Devyka habang naglalakad kami ng mabilis.
"I don't know, pero bakit? Anong reason? Bakit nangyayari 'to? Nakakainis! Tapos isa pa sa atin? Sino? Oy baka nandito ngayon please naman ayusin mo naman desisyon mo sa buhay." natatakot na sabi ni Yenesia kaya pati tuloy ako ay kinakabahan na.
"This is the last floor." turo ni Groxx kaya agad naman kaming sumunod sa kaniya, pero habang nagmamadali sila ay napahinto ako.
Dahan-dahan akong sumilip sa baba kung nasaan sila Garreth at Hendrix pero ganoon na lang ang gulat ko ng makitang nakahandusay sa labas ng kotse si Garreth habang walang malay na nasa sahig. No!
"Shit! S-Si-" halos mapatakip ako sa bibig ko sa mga nakita ko, no, no, no! Mali lang yung nakita ko. Kaya pati ang mga kaibigan ko ay napahinto at napalapit sa akin.
"Hey, Kirstyn! Anong nangyari?" pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila.
"Kailangan na natin makuha sila Aling Carmelita at Andrei, we need to go as soon as possible." seryosong sabi ko sa kanila kaya naman dumiretso na ulit kami ng lakad.
Garreth, please stay alive mabilis lang kami, babalikan ka namin. Uuwi tayong ligtas, ililigtas ka namin.
BINABASA MO ANG
Peculiar Amidst Breath (Duology #2: Haunted Lost Soul)
Romance"Don't be fooled by words full of sweet lies because there are smiles that hide lies. Remember, even a white roses has a dark shadow." - (PAB) A mysterious place with a single old building, it has four medium rooms on the fourth floor, small but ful...