Unknown 1

17 2 1
                                    


Unknown 1

2 days prior...

"Good job every one.." Sabi ko sa mga alaga ko ng matapos sila sa pagpe perform ng kanta nila sa stage.. Debut nila ngayon and sobrang saya ko dahil na rin napaka init ng paagtanggap ng tao sa kanilang tatlo. Kahit na yung may fandom na talaga di napigilang hindi sila suportahan.. Aba napaka ga gwapo ba naman ang alaga ko. Sinong hindi ma iinlove sa kanila. Diba?

"Manager manager. Maayos ba performance ko?" Sabi ni Kyle pinaka bata sa kanilang tatlo.. Actually 17 palang sya, sobrang cute nya kahit na 180cm ang height nya.. He is the maid dancer of the group but magaling din syang kumanta..

"Yes, yes. It was fantastic.. You all made me proud." Sabi ko at hinimas ang buhok nila. Pero lumayo agad si Felix..

"Di pa all out yun." Tsundare mode nanaman sya.. He is the leader at composer ng mga kanta nila. Sya rin ang biritero sa kanila. Unlike Kyle. Matangkad sya 189cm and medyo manly He is 20 years old.. Medyo masungit yan pero natural lang naman yun. Sya ang leader sya ang pinaka may responsibilidad.

Natawa naman si Serafin or Sera.. Rapper ng group na di mo aakalain. Sobrang haba kasi ng buhok nya na para syang babae.. 191cm ang height nya. Pero feminine talaga itsura nya.. Sya rin ang pinaka matanda sa kanila 21 na kasi sya.

"Tsundere ka nanaman, Lix.." Sabi nito. They are a thing.. Pinaalam nila sakin yun first day palang na nagkita kita kami at nagpakilala ako bilang manager nila. Well wala lang naman sakin yun. I'm also in that kind of relatonship now. Ang akin lang. Wala lang nila masyaong ipahahalata. Sobrang cruel ng industry na pinasukan nila.. Ayokong mapahamak sila o ma bash ng sobra sa social media..

"Tigilan mo nga ako." Badtrip na sabi ni Felix pero pinagtulungan na sya ng mga ito nainisin. Natawa nalang ako..

"Tama na nga yan. Makipag kilala kayo sa mga seniors nyo. Nandito yung A.Ngel at One Shot. Di nyo gusto?" Tanong ko napatingin naman sakin yng dalawa si Felix at Kyle.. Si Sera kasi si Felix lang ang nasa utak. Gustong gusto ni Felix ang 4 years senior nilang A.Ngel dahil sa vocals nito at si Kyle naman sa Aogiri dahil sa way ng pagsasayaw ng mga ito..

"Totoo? Pwede kaming mag pa picture?" Tanong ni Kyle. Tumango naman ako at sinamahan na sila sa mga dressing room ng mga ito....

---------

Buti naman at ok ang lahat. Maganda ang pagtanggap ng lahat sa mga alaga ko. Maayos din akong trato ng mga kapwa artist nila sa kanila... Nako bully-hin lang talaga nila mga alaga ko. Sasapakin ko talaga sila..

After a long long day.. Atlast nakauwi na rin. Ilang buwan din kasi akong di nakauwi ng maaga dahil na rin sa napaka rami naming hinanda for promotion and other staff.. Buti nga at naawa ang management samin ngayon.. Ayun pinagpahinga kami ng maaga..

Bumili ako ng beer and chicken para mapagsaluhan namin ng partner ko. Si Seth.. Sana lang at di yun nagtatampo. We've been in a relationship for 5 years and 2 years na matapos naming magsama sa iisang bahay.. He is a company worker.. Mataas na rin ang position nya at sobrang proud ako dahil doon...

Pagpasok ko sa bahay may mga naririnig akong mga salita. Kilala ko yung mga boses na yun pero bakit sila magkasama? Di ko naman sila pinakilala sa isa't isa..

"Ano gagawin natin baka ano gawin ni Kuya?" Tanong ni Almira Kay Seth.. Di man lang nila napansin na nakapasok na ako ng bahay at nakatitig na ako sa kanila.. Magkatabi sila at mag kayakap. They are too pre-occupied. Maya maya pa ay nagulat nalang ako at hinalikan ni Seth ang kapatid ko.

"Don't worry you're self too much. Makakasama sa baby."

"I didn't see this coming." Sabi ko na kinatingin nilang dalawa sakin Lumakad nalang ako papunta sa dinning table at nilagay doon ang lahat ng pinamili ko pati ang mga gamit ko. Feeling ko kasi maibabato ko sa kanila ang mga iyon pag hindi ko pa ibinaba..

"Kuya." Magkahalong takot at gulat nyang sabi ng matingin sya sakin.

"So you know Seth.." Sabi ko ng makalapit ako sa kanila at umupo sa katapat nilang sofa.. Wala sila ng ipakilala ko sa parents namin si Seth. Actually ang alam ko hindi pa nya kahit kaylan nakikita ang partner ko. Nakakatawa na magkasama sila ngayon at magkayakap pa.

"He's my superior kuya.. I- I promise I didn't know at first but---

"You didn't know at first but even if you found out, sumige ka parin?" Sabi ko na puno ng pang uuyam. Ang hirap pigilin ng luha at galit pero pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"It's not her fault.. Ako ang humabol, Allen.. Mahal na mahal ko kapatid mo.." Sabi nya. Napabuntong hininga ako..

"Gano na kayo ka tagal?" Tanong ko

"Almost 2 years."

"Gano mo na katagal alam na may relasyon din kami ni Seth, Almira?"

"Kuya"'

"Answer me."

"Year ago." Then she lower her head.. Napapikit nalang ako..

"You should just broke up with me when you got her! You should have told me!" Sigaw ko kay Seth. Sobrang sakit!! Para ba akong pinapatay!

"Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo.. Ayaw kitang masakta----

"Damn it Seth Do I look happy now? Ginago mo ako. Kayo! Masaya ba kayo? Nagmukha akong tanga sa harap nyo diba? Almira. Ang saya diba? Yung nakikita mong ginagago kapatid mo.. Well bakit ka nga pala maaawa. We're not even related with blood."

"Kuya that's not true.. Gusto ko na talagang sabi---"

"Pero hindi mo ginawa!! Hinayaan mo lang na magmukha akong tanga.. Pwede nyo namang sabihin na kayo nalang dalawa, na sayo nalang si Seth dahil bakla ako at di ko sya mabibigyan ng normal na pamilya. Na dahil lalaki rin ako di ko sya kayang bigyan ng anak. Simple diba? Ang simple lang naman. Di yung pinatagal nyo pa ng taon. At kung hindi ko pa kayo mahuhuli di nyo pa sasabihin sakin. Ano naging kasalanan ko sa inyo? Bakit nyo ko ginanito? Naging masama ba ako? Naging pabaya? Sinaktan ko ba kayo?" Bulalas ko sa kanilang dalawa. Hindi ako tumayo. Ayokong saktan sila kahit gustong gusto ko ng pagsasapukin ang pagmumuka nila. Napahawak nalang ako sa noo. Di ko alam kung ano gagawin ko. Sobrang sakit. Di ko na maintindihan pa yung nararamdaman ko. lAhat nalang ng negatibong emosyon nararamdaman ko. Gusto kong umiyak, magwala pero pinipigilan ko lang talaga ang sarili ko.

"Hindi Allen.." Seth

"Then why!? I know, From the start I know that you will eventually leave me and find someone. A girl who will give you a normal family but Why? Bakit kapatid ko pa? Maiintidihan ko pa sana kung sinabi nyo ng maaga. Pero, bakit kaylangan nyo pa akong gawing tanga?"

"Kuya I'm so sorry.. Please I'm so sorry.." Tumayo ako at lumayo sa kanila. Feeling ko kasi masasaktan ko na talaga sila pag nagtagal pa ako sa malapit sakanila.

"I trusted you, Almira.."

"Kuya please para lang sa baby. Please patawarin mo na kami.. I love you kuya.. Ayokong di ka makasama habang pinapalaki ko ang baby ko.." Tinignan ko sya.. Sa tingin nya kaya kong gawin ang gusto nya? Sa tingin nya kaya ko silang titigan habang magkasama?

"Go. Leave."

"Kuya"

"Leave."

"Allen please." Si Seth..

"I said leave!" Sigaw ko at masamang masama ang tingin na tinitigan si Seth. Napa step back nalang sya at itinayo si Almira. Tinalikuran ko nalang sila. Bakit ba ganito naging tapos ng araw ko? Sobrang saya ko na! Sobrang saya na di ko ma contain pero bakit biglang binawi yun sakin? Bakit biglang naging ganito?

"Almira.. ohh god.." Panic na sabi ni Seth na kinalingon kong bigla sa kanila.. Almira was bleeding but ako parin ang tinatawag nya.. Napapikit nalang ako at napamura ng malakas.. Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at tinakbo na namin si Almira sa hospital..

-----------

INTO UNKNOWN WORLD (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon